Ako si Jann Lennoxe Martinez, labing-siyam na taong gulang na at kasalukuyang nasa ika-unang baitang sa kolehiyo. Naniniwala ako na lahat ng Tao ay may kanya-kanyang kwento ng kababalaghan at ito ang akin.
Simula bata ako ay mahilig na ko sa mga Horror Movies. Nakakatakot sa una pero pagnatapos na ang palabas ay wala narin dahil naniniwala ako na ito ay kathang isip lamang o walang katotohanan. Pero nagbago lahat ng paniniwalang iyon dahil sa nangyari sa akin
June 12,2019
Araw ng Kalayaan kaya walang pasok lahat ng paaralan kaya naisipan kong yayain ang aking Nobya na pumasyal. Siya si Mary Grace Sta. Teresa.
"Mahal, pasyal naman tayo ngayon? Bike tayo?" Tanong ko pagkat mag kausap kami sa telepono.
"Teka ngayon na ba?" Sagot nya
"Oo sana?"
"Sige magbibihis lang ako"
"Okay punta na ko diyan. Love you"
"I love you too"Pinatay nya na ang tawag kaya dali-dali akong lumabas dala ang aking bisekleta. Habang nagba-bike ay may nadaanan akong Parke. Para lang syang lumang daan ngunit maaliwalas. Ngayon ko lang nakita ito dahil wala naman to pag pumupunta ko sa bahay nila Grace. Kakaiba. Dito ko nalang dadalhin si Grace. Nagpatuloy nalang ako sa aking pagba-bike. Nang makarating ako ay nakita ko syang naghihintay sa labas ng kanilang bahay kaya agad akong ngumiti at binati siya "ang ganda naman ng Misis ko!"
"He! Magtigil ka" sagot nya na tinawanan ko nalang. Habang nagbibisekleta ay naguusap kami ng mga bagay-bagay. Kung ano ano lang.
"Mahal nandito na tayo!" Sabi ko ng makarating na kami sa tapat ng Parke.
"Mahal bagong bukas ba ito?" Tanong nya
"Ewan mahal nadaanan ko lang to kanina eh! Hayaan na ang ganda naman ng paligid saka tignan mo ang ganda ng pangalan sakto satin!"Agad naman niyang binasa ang pangalan ng Parke at agad siyang napangiti. "Lover's Lane"
Habang nagbibisekleta kami papasok ng Parke ay wari bang hindi ako mapakali. Parang may kakaiba dito sa loob. Ngunit nagtuloy tuloy parin kami papasok.
Sa pagpapatuloy ng aming pamamasyal ay inabot kami ng gabi sa loob ng Parke. Sa tagal ng aming pamamalagi dito sa loob ay di parin nawala ang bigat na nararamdaman ko magmula pa kanina. Kinakabahan din ako na tila ba'y may masamang mangyayari.
"Naalala mo yung nagkabanggaan tayo sa campus, haha mukha kang ewa------" di na nya natuloy ang sasabihin nya sapagkat biglang humangin ng malakas at tila ba may mga yabag kaming naririnig.
"Mahal ano yun?" Takang tanong nya?
"Ewan mahal pero siguro ay dapat na tayong umalis" sagot ko nalangNang papalabas na kami ng Parke ay tila ba nawala yung arko na nagsisilbing pasukan at labasan ng Parke.
"Mahal saan tayo lalabas? Natatakot ako!" Sabi ni Grace
"Shhh, wag ka matakot kasama mo ko" sagot ko nalang kahit na ako mismo ay nakakaramdam din ng munting takot. Te-teka, ayan na naman yung mga yabag. Para bang mga yabag ng tao na may kadena sa paa. Palingon lingon kami sa aming paligid pagkat palakas ng palakas ang mga yabag."Ayan na naman yung mga yabag mahal!" Bulong nya sakin
"Hindi kayo makakalabas!" Nagulat kami sa biglang sigaw ng tila ba isang babae base sa kanyang boses kaya napatakip kami ng tenga. Ang boses nya ay tila nanggaling sa ilalim ng lupa. Lumitaw sa harapan namin ang isang babae sa aming harapan. Duguan, hubo't hubad at may kadena sa kanyang mga paa't kamay. Basag din ang kanyang bungo. Nakapanghihilakbot."Tara na!" Hinila ko na sya at agad na tumakbo dala ng aming takot. Hinayaan ko na ang aking bisekleta. Mas mapapabagal kami kung dadalhin ko pa yun. Pagod na pagod na kami kakatakbo dahil hinahabo kami ng babaeng yon. "Mahal, pagod na pagod nako! Pahinga muna tayo dito!" Paiyak na pakiusap ni grace
"Grace hindi tayo pwedeng magpahinga! Mahal hinahabol nya tayo! Kaya tayo na halika ipapasan kita!" Pinasan ko sya at dali-daling tumakbo ulit kahit na pagod na pagod na ko. Nasan na ba yung labasan? Nasan kana?
Pinasan ko sya muli at Dali daling naglakad. walasyang Malay dala ng pagod kakatakbo. "Mahal, bangon na dyan!" Dahan dahan ko siyang ibinaba para ipahinga ng panandalian ang aking likuran. Tinatapik tapik ko ang kanyang mukha sa pag-asang magkakamalay na sya. Pero wala."Tulooong!" Sumisigaw na ko sa pagasang may makakarinig sa akin ngunit wala. Lalakad na sana ako ng biglang lumitaw muli sa harapan ko ang babae. Mas grabe ang itsura nya ngayon. Duguan, walang Mata, basag ang bungo, at puno ng saksak sa buong katawan. May kadena rin sya sa kanyang paa't kamay. "Saan kayo pupunta?" Sabi nya at hinampas sa aking ulo ang kadenang nasa kamay nya kaya agad akong natumba. Nabitawan ko si Grace. "Grace" sambit ko bago ako mawalan ng Malay.
------------------------------------------------------------
Ahh! Ang sakit ng ulo ko. Paggising ko ay puro puti ang nakikita ko. "Na-nasan ako?"
"Anak, mabuti naman at nagising kana! " maluha-lubang sambit ng aking ina. "Ma! Nasan si Grace? Ma?" Sinubukan kong tumayo upang hanapin sana sya.
"Anak wag ka muna tumayo. Nandun sya sa kanila at nagpapahinga. Alam mo bang isang linggo kayo nawala? Natagpuan nalang kayong nakahiga sa may gilid ng isang puno? Anong ginagawa nyo doon? " tanong ni mama. Inalala ko ang mga nangyari. Nang maalala ko na ay mas pinili ko nalang huwag magsalita dahil alam ko namang walang maniniwala sa akin. Ng makalabas ako ng ospital ay nagtungo ako sa bahay nila Grace. Nang magkita kami ay agad ko siyang niyakap at umiyak. "Akala ko di na tayo magkikita ulit" sabi ko kaya natawa naman sya.Nagpunta kami sa isang malapit na simbahan kalapit lang ng Lover's Lane at taimtim na nanalangan na sana aywala ng mabiktima pang iba ang kaaya-aya ngunit nakapanghihilakbot na Parke. "Alam ko ang nangyari sa inyo iho, iha! " biglang sambit ng isang matanda sa aming likuran. Hindi na sana namin sya papansinin ngunit sabi nya ay "Ang Lover's lane ang kumitil sa buhay ng asawa ko. Dinala ko rin sya doon dahil naakit ako sa ganda ng lugar pero kabaliktaran pala. Sinasabi ng ilan na dyan daw pinatay si Luciana Dela Fuentes. Isang dalagang kastila na biktima ng panggagahasa sa pangunguna ng kanyang nobyo. Pagkatapos daw ay kinadena sya at binasag ang bungo gamit ang bato. Pinagsasaksak din sya upang makasigurong patay na. Gamit ang kadena, itinali sya kung saan kayo natagpuan. At kung saan din kami natagpuan noon"
Kaya pagkatapos non ay Hindi na muli kaming bumalik sa Lovers Lane.
YOU ARE READING
Lover's Lane
Short StoryNagsimula ang mga kakaibang pangyayari ng pumasok ang mag kasintahan sa tinatawag ng mga matatanda sa kanilang lugar na "Lover's Lane". Ayon sa kwento ng matatanda sa kanilang lugar , ang lover's Lane ay nagpapakita lamang sa mga magkasintahan. wala...