Application 9

3 1 0
                                    

TEAM NUMBER 2


TEAM MATES:

PLAYER 312

PLAYER 818

PLAYER 779

PLAYER 594

PLAYER 98


ITEMS TO OBTAIN: (PERSONAL TASK)

1. SCREW DRIVER

2. MASKING TAPE

3. 25 BOX OF MATCH


OBJECT TO OBTAIN: MINIATURE OF CITY HALL


Isinara na ng dalaga ang window status niya, kinuha niya ang kanyang pitaka bago lumabas sa kanyang kwarto. Kung tunay na laro ito ay hindi niya dapat sabihin ito sa kanyang ina dahil maguguluhan lamang ito at magtataka sa kanyang ginagawa ngunit ipinagtataka niya ay kung nasaan ang ginang. Mabilis niyang kinuha ang screw driver sa tool box na nasa kusina.

At isa pang bagay, siya ay kalmado sa sitwasyon na ito dahil hindi naman bago sa kanya ang paglalaro, naglalaro siya ng iba't ibang klase ng laro online. Ngunit hindi niya alam na may laro palang nai-a-apply na physical.

Meron na siyang isang bagay na kailangan niya, ngayon ay kailangan na lamang niya ng masking tape at posporo. Nakatipid siya ng ilang minuto sa paghahanap ng kanyang mga kailangan dalhin sa plaza. 

Pagkalabas ng bahay hindi pa din ang pagtataka niya sa kanyang kapaligiran. Walang katao tao, ngunit ganoon na ganoon pa din ang kanyang kapaligiran. 


TIME: 44:12 MINUTES


Dumiretso siya ng lakad palabas ng eksnita ng kanilang lugar at dumiretso sa isang convenience store para kumuha ng ibang gamit. Pero ganoon pa din ang pagkagulo ng kanyang isipan ng makita ang labasan na wala ni isang tao, ang national road na ni minsan ay hindi nawalhan ng tao o ng sasakyan.

Dahan dahan siyang pumasok ng convinience store at pinakiramdaman ang nangyayari, Nasa isip niya ang mga nangyayari.

Kung totoo ang mga nangyayari at kung siya ay nasa isang laro ang unang dahilan ng nangyayari ay nasa loob siya ng isang laro. Maaaring na-teleport siya sa isang lugar kaparehas mismo ng lugar nila kaya wala ni isang tao siya nakikita maliban sa ibang players na nasa loob din ng laro.


Kinuha niya na ang mga kailangan niyang gamit at pinasobrahan niya ito. Kumuha din siya ng paborito niyang sitsirya at hindi na nag atubili pang magbayad. 

Nakakita siya ng isang bike sa labas ng convinience store at sinakyan ito. Ito ang gagamitin niya para makarating siya ng mabilis sa plaza dahil malayo layo ito sa kanyang pinaroronan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon