BYE GUYS [One Shot]
>BYE GUYS< yan ang paulit ulit niyang sinasabi sa room namin mula ng malaman niyang aalis nako.
Hindi ko lang sya maintindihan e kasi ako nga tong aalis para makalimutan na yung kasawian ko Para kalimutan na sya. Posible bang bye kasi gusto na niya talaga kong umalis?
Pero ang sakit naman sa part ko. Kababae kong tao tapos pinagtatabuyan ako ng taong mahal ko…
At isa pa ako lang aalis .. hindi ko isasama yung mga kaibigan ko..
Ni hindi na nga niya ko kinausap mula nung mangyare yun e. Except sa pagsabi niya ng BYE GUYS nung malaman niya at ng lahat na magtatransfer ako na akala nila kasama sila Minds and Denny..
(kaya siguro bye guys… ) yun pagkakaintindi naming lahat dun, hindi ko nadin kinorek kasi baka maisipan din namang umalis nila Minds and Denny.
Mahal ko siya sobrang mahal.. Nagsimula sa simpleng crush at nauwi sa pagmamahal NA AKO LANG TALAGA YUNG NAGMAMAHAL.. one sided love ika nga..
“bye guys….” Ayan nanaman sya! Ang angas niya lang diba?? Bakit ko nga ba minahal yang taong yan? E wala naman syang ginawa kundi pahiyain ako sa room. Plus isang araw pinahiya nya ko sa campus.. One month kong tiniis yung pangungutya ng mga schoolmates ko.. Ang totoo til now sariwa parin. Halos araw araw cinicriticized ako. Na kesyo ang landi landi ko daw. Na kesyo, ambisyosa daw ako, na kesyo feelingera ako.
Tiniis ko lahat yun sa loob ng isang buwan pero gang sa magsawa ako. At heto napagdesisyonan ko nang magtransfer sa ibang school.
Araw araw kasi umiiyak ako. Araw araw feeling ko LOSER pa ako.
Masama bang mahalin sya? Okay lang naman kung hindi niya ko mahal basta ako mahal ko sya.
Hindi naman ako naghihintay sa love back niya e.
Teka ang drama ko na, hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Jessie Halili .. Pinsan ko si Sheena Halili at Katrina Halili pero syempre JOKE LANG YUN haha! Nag iisang anak na babae.. Puro macho kapatid pero di man ako magawang pagtanggol,, mas lalaki pa yata ako sa kanila e..
4th year high school nako.. Kaya masakit para sakin na kung kailan ako malapit na mag graduate e dun pako aalis….
At yung nagsalitang yun si Justine Gail.. Ang pinakamamahal ko..
“oo nga bye mga salotssssssssssssssss..”dagdag pa ng isang classmate ko… Akala lang ata nila e kasama ko yung dalawang tanging kaibigan ko sa school…
“Ba’t kasi pinapatagal niyo pa e..” sabi nung isa na pure of kaartehan, hindi nalang namin pinapansin mga yan...
Napakaloser ko lang talaga nu?? Yan tuloy nadadamay pa yung dalawang friend ko…
“Basta BYE GUYS…” ang lakas ng boses niya.. At syempre center of attraction sya lage kaya no doubt na .. pakikinggan talaga sya.. Bakit kasi naging pogi pa siya.. Edi sana hindi ko sya nagustuhan.. Ang landi ko naman kasi.. Ang daming pwedeng mahalin.. pero bumagsak pa ko sa HEARTTHROB!
Pagkasabi niya nun lumabas siya ng room. Wala naman kasi kami ginagawa ngayon e kaya yan.. Tambay kami…
Tulala na ko sa oras na to at Bigla ko lang naalala yung scene na yon na sobrang hindi ko makakalimutan..
“Uyyy ano yan????” at bigla niya kinuha yung diary ko.. Damn! Hindi niya pwedeng mabasa yun!. Panic mode ako. Kinuha ko sa kanya. Pero nakuha niya ulit to sakin. Naiiyak nako kasi dami ako secrets dun. Tumakbo sya. Grbe para kaming batang naghahabulan lang sa school.
BINABASA MO ANG
Bye Guys [One Shot]
Historia Cortagoodbyes are not the end but these are the beggining ^_^