Kung dati-rati ay maaga akong pumapasok ng school, ngayon ay hindi na.
Wow, as if maaga ka talaga pumapasok sa school Raky.
Naalala ko kasi na late itong si Mysterious guy dumating nung flag ceremony last week. Monday pa yun. Pagkatapos ng araw na iyon, hindi ko na siya ulit nakita pa. Palagi siyang walang sa linya. Kaya ang ginawa ko, inadjust ko yung oras ko. Kung dati 6:30am ay paalis na kami, ngayon at 6:40am na. Naiinis kapatid ko sakin dahil mali-late na daw siya. Doon kasi sa first year campus, mas maaga flag ceremony nila. 6:40am simula ng flag ceremony nila hindi tulad saming nasa main campus, 6:40am first bell pa lang iyon. 2nd bell naman ay 7am, dun magsisimula ang flag ceremony. Tapos ang start ng class namin ay 7:30am.
Kaya ngayon, Monday ulit. Naisipan kong magpa-late ng konti.
Naglalakad ako sa gilid ng kalsada at napatigil ako sa paglalakad ng harangin kami ng mga kasabay ko ng traffic enforcer. Nag red light na pala.
Pagkatapos ng red light, nag green light na yung traffic light. Tumawid na kami ng kalsada. Tumingin ako sa wrist watch ko, 6:42am na. First bell pa lang iyong narinig ko kaya nagmadali ako sa paglalakad.
Sa pagmamadali ko, may nagmamadali din pala sa likod ko kaya bumangga ang braso niya sa braso ko.
What the.. di man lang nag-sorry! Ang lawak ng daan oh.
Wait..
Nakuha ng lalaking bumangga sakin ang atensyon ng makita ko yung bag niya ka kulay itim. Pamilyar! Pamilyar ito kaya lalo ko binilisan ang paglakad ko. Pati yung likod niya, pamilyar din! Hinabol ko ito dahil nakakalayo na siya sa paningin ko dahil sa madami din estudyante ang naglalakad at nagmamadali din.
Shet shet shet! Bagalan mo naman ang lakad mo mysterious guy!
At dahil nga marami din kaming mga estudyante na naglalakad papuntang gate, hindi ko na tuloy makita kung nasaan na siya. Nawawala siya! Nasaan na yun?
Nakapasok na ko ng gate pero di ko man lang siya nakita o naabutan man lang. Di ko rin nakita kung saan siya lumiko o kung saan siyang classroom pumasok.
Grabe ang bilis pala nun maglakad.
Napahawak tuloy ako sa braso ko na nabangga niya.
Teka..bakit parang..kinikilig ako?
***
"Uy Raky, nakakatakot na yang pag-ngiti mo ng mag isa jan ha? Kaninang umaga pa yan. Ano meron? Tsaka masakit ba yang braso mo? Kanina mo pa yang hinahaplos-haplos at hawak hawak." Usisa sa akin ni Anj habang nagtuturo yung guro namin sa Mapeh, ang last subject namin sa hapon.
"Saan ka naman nakakita na masakit ang braso pero panay yung ngiti? Mag isip ka nga Anj!" Pang aasar ni Tynn kay Anj. Binato siya nito ng crumpled paper ni Anj.
"Oh easy lang girl. Chill ka lang." Tynn
"Ikaw kasi. Aba malay ko ba." Anj
"Kumalma nga kayo. Nabangga lang naman ako ni Mysterious guy kaninang umaga. Nagtama mga braso namin mga beh!" Kinikilig na sabi ko.
"Ah okay." Walang ganang sabi ng dalawa. Sabay pa silang tumingin sa harapan at kunwari ay nakikinig sa life story ng teacher namin sa Mapeh.
"Sinong mysterious guy? Yung hinahanap natin dito sa campus?" Tanong din ni Althea.
"Ayan, puro kasi si Winsel ang kasama mo kaya di ka na updated sa bff nating inlove." Sabi naman ni Anj habang nakaharap parin sa unahan at kunwari nakikinig kay sir.
"Grabe naman. Magbestfriend lang kami ni Winsel eh." Explain ni Althea. Simula kasi ng naging best friend niya yung classmate namin na si Winsel, bihira na lang siya sumama samin.
"Inlove? Ang huling alam ko eh broken hearted to? In love na naman?"
"Gaga, July pa yun. October ngayon at next week, November na. At Sembreak din." Sagot naman ni Anj habang nakikinig kunwari kay Sir.
Oo nga no? Bakit, anong akala ni Althea, di ako marunong mag move on? At saka tanggap ko naman na hanggang kaibigan lang talaga tingin sakin ni Ar. Sinubukan ko lang naman umamin, baka sakaling masuklian yung pagtingin ko sa tao. Kaso hindi eh. Hindi ako sinuklian. Kaya tanggapin na lang ang pagkabigo.
"Oo nga no? Malapit na pala ako mag birthday ah." Sabi naman ni Althea. Tama, malapit na birthday ni Althea. Ano kaya magandang iregalo? Pwede na siguro ang itlog? Haha.
Oo nga pala, next week ay sembreak na namin. Ano kaya magandang gawin sa 1 week na walang pasok?
***
BINABASA MO ANG
When She Met Him
Teen FictionPagkatapos ng ilang taon, muling nag-tagpo ang landas ni Raky at ng kanyang highschool crush, sa paaralan kung siya nag-aaral ng kursong Education. Dahil dito, muling nanumbalik ang mga alala-ala na pinag-gagawa niya noon upang mapansin lang siya ni...