+ O16. ryujin's

415 27 17
                                    

[ RYUJIN ]

"anong nararamdaman, beomgyu?"

magsasalita na sana si beomgyu nang agad akong dumistansya sa kanya dahil sa biglaang pagsuka niya dahil sa dami ng alak na ininom niya.

ilang minuto pa akong nainis at nandiri sa ginawa niya kaya agad siyang nag-sorry matapos gawin 'yun.

awkward na ngumiti si beomgyu, "sorry, hindi ko na talaga mapigilan na masuka."

hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niyang iyon kaya minabuti ko na lang na iwan siya. wala na akong pakialam kung lasing siya, alam ko naman na kaya niyang umuwi ng mag-isa. argh, bahala siya riyan!

kinabukasan, inimbita ko si yeji para may makausap ako dito sa bahay tungkol kay beomgyu. hindi ako makatulog dahil sa inasal niya kagabi, kaya hindi ko na rin sinasagot ang mga tawag niya at kahit messages ni beomgyu.

ilang beses na nga siyang pumunta dito sa bahay pero hindi ko pinagbubuksan ng pinto kaya umaalis na lang rin siya.

"anong chika natin today, sis?" pagkaupong sabi ni yeji sa sofa.

si yeji lang ang maaasahan ko pagdating sa mga ganitong bagay, sa apat kong kaibigan ay siya lang ang pinaka-matino kaya no choice akong imbitahin siya dito sa bahay ko.

"hindi nga? iniwan mo siya roon?" hindi makapaniwalang tanong ni yeji kaya tumango na lang ako.

"girl, kung ako ikaw, baka na-guilty na ako. iwan mo ba naman 'yung lasing na sunuka sa gilid ng kalsada," sarkastikong sabi niya.

"e, bakit galit ka? ano bang ine-expect mo na sasabihin ni beomgyu?"

doon ako lalong napaisip. bakit nga ba ako na-dissapoint? bakit may kung anong galit akong naramdaman sa tuwing pinapaasa niya ako? e, sanay naman akong ganoon siya dati.

"yeji, may gusto na yata ako kay beomgyu."

PLAYBOY. beomryuWhere stories live. Discover now