Prologue

99 19 2
                                    

"Shin Cranel's POV"

Sakit, lungkot, galit at pagkamuhi. Yan ang nararamdaman ko ngayon habang naglalakad paalis sa impyerno kaharian ng aking ama.

Nong nakalabas na ako sa tarangkahan ng Kingdom of Cranel ay humarap ako sa kaharian at malakas na sumigaw na maririnig at aabot sa palasyo.

"Babalik ako rito kamahalan at sapag balik ko ay hindi na ako ang dating Shin Cranel na kilala nyo na palangiti at masiyahin"

Sabi ko sa aking sarili at pinagpatuloy na ang aking pag-alis habang tumutulo ang aking mga luha.

Lakad, pahinga, lakad, pahinga, yan lang ang ginawa ko boong araw sa kagubatan ng Cranel.

"Bwesit! Nakakapagod na!"

Sigaw ko at sinuntok ng malakas ang punong nasa harapan ko.

"Rustle!"

Naging alirto naman ako nong may marinig akong kaluskos hindi kalayuan sa aking kinauupoan. Habang tumatagal ay palakas ng palakas ang kaluskos.

"Roar!"

Ungol ng halimaw nong makita nya akong naka tingin sa kanya.

"I-Isang D-Demon Tiger"

Ang nasabi ko nalang nong makita ko ang kabuhoan ng halimaw. Ang laki nya at ang taas, mas mataas pa sya sa akin.

Naglalaway at may nanlilisik na kulay pulang mga mata ang tigre habang nakatingin ito sa akin na para bang ano mang oras ay kakainin nya ako.

"Roar!"

Ungol ulit ng Demon Tiger at mabilis na sumugod sa akin na nagpabalik sa aking ulirat. Agad akong gumawa ng bolang apoy na kasing laki ng dalawang kaamo ko. Mabilis ko itong binato sa tigreng papalapit na sa akin.

"BOOMMMM!"

Ang malakas na pagsabog. Kaylangan kong makatakas rito dahil kong hindi, siguradong mamamatay ako.

Nong nawala na ang usok na bumabalot sa tigre ay makikita mo syang nakatayo at walang pinsalang natamo sa pinakawalan kong tira.

"ROARR!"

Malakas na sigaw ng Demon Tiger at mabilis nya akong inundayan ng kalmoy gamit ang matutulis nyang mga kuko na hindi ko naman naiwasan.

"Aarrkkk! bwesit!"

Daing ko habang nakahawak sa tagiliran ko kong saan may malalim akong sugat.

Kaylangan kuna talagang makatakas rito. Unti unti akong nag ipon ng enerhiya sa kaliwa kong kamay.

Balak kong gumawa ng napakalakas na atake na magpapahina ng sandali sa Demon Tiger at kapag nang yari iyon ay may pagkakataon na akong makatakas.

"ROAARRRRR!"

Mabilis na sumugod sa akin ang Tigre habang ako ay hinahanda ang papakawalan kong tira.

Nong malapit na sa akin ang Demon Tiger ay bigla itong tumalon ng napakataas.

"Bahala na"

Ang nasabi ko nalang at tumalon rin ng napakataas para salubongin ang Demon Tiger.

"Aahhhh! Tanggapin mo itong kamao ko tigre!. FIRE PUNCH!"

Sigaw ko at malakas na sinuntok ang Demon Tiger sa kanyang tyan na dahilan para tumalsik sya pataas.

*N-Nagawa ko*

Sabi ko sa aking isipan. Nong nakalanding na ako sa lupa ay dali-dali akong tumakbo pa pasok ng gubat, takbo lang ako ng takbo at hindi pinapansin ang mga halimaw na humahabol sa akin.

Ice Demon [Awakening Of Ice Demon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon