The girl in the rain

13 4 3
                                    

Nandito na ako sa park malayo pa lang tanaw ko na ang aking boyfriend na si leo, nakatungo lang sya at parang malalim ang kanyang iniisip

Nang makalapit na ako sa kanya isang matamis na ngiti ang aking bungad sa nakasimangot nyang mukha. Ayshh, may nangyari kaya? Sabi nya kasi sakin may sasabihin syang mahalaga kaya nag madali naman akong pumunta. Ano kaya ang sasabihin nya.

Agad naman syang tumayo at niyakap ako. Kahit nag tataka ako sa kinikilos nya niyakap ko pa din sya pabalik. Humarap sya
sakin at ngumiti ng mapait.

"Angela let's end this relationship" napantig ang tenga ko sa aking narinig, hindi ko inaasahan na masasabi nya sakin ang ganong salita. Nakakapanlambot ang sinabi nya.

"Nag j-jojoke kaba?" pinilit ko padin ngumiti. Baka nag bibiro lang ito kaya nahampas ko sa sabalikat at bahagyang natawa ako ng konti "ano nanaman ba itong pakulo mo leo? Ikaw ah grabe na itong biro mo sakin"

"Hindi ako nag bibiro, angela" nakayuko nyang saad. "Ano bang ginawa kong mali? may nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?" Nag uumpisa ng mahulog Ang mga luha ko galing saking mata

"Wala kang ginawang mali angela. Ang gusto ko lang mag hiwalay na tayo, wala na 'kong nararamdaman sayo" naka tingin lang sya sa baba habang nag sasalita. Ganon ba yon? Kapag wala ng nararamdaman kailangan ng mag hiwalay.

"Okay naman tayo kahapon ah gumala pa nga tayo diba? May problema ba? Pwede naman natin ayusin ito ng walang hiwalayan diba?"  naiiyak kong saad. Hindi ko alam kung anong nag kulang sakin para umabot kami sa ganto. Wala akong maisip na may nagawa akong hindi nya nagustuhan naguguluhan ako. Mahal naminn ang isat-isa pero bakit ganito ang nangyayari

"Angela stop!! Ayoko na!! Hindi na kita mahal kaya please!! Mag hiwalay na tayo" nagulat ako sa pag sigaw nya sakin. Napangiti na lang ako ng mapait bago sumagot

"Dahil ba sa ate ko?" gulat na gulat sya ng banggitin ko ang pangalan ng ate ko. tama nga ang hinala ko na may namamagitan na sa kanilang dalawa

"Pinakilala lang kita sa ate ko ganto na? akala ko ba ako lang ang mamahalin mo?" hindi sya sumagot. Ano bang kulang sakin at kapatid ko pa talaga
"Mahal mo na ate ko?" san hindi pa.

"Makikipag hiwalay ba ako kung hindi?" Maslalo akong naiyak sa sinabi nya. Hindi ko na kinaya kaya napaluhod na lang ako

"Tangina kelan pa? Kelan nyo pa ako niloloko?" Ang sakit. Ang sakit sobra, nag hahalo na ang emosyon sa aking isipan.

"Nung last month pa angela. Kaya please lang mag hiwalay na tayo. Ayoko na sayo hindi na kita mahal" tangina naman e bakit kapatid ko pa. Lumuhod ako sa kanya at nag makaawa na wag nya akong iwan

"Please Leo wag mo naman sakin gawin ito" tinignan nya lang ako ng parang wala lang. "Sasayangin mo na lang ba lahat ng ginawa nating masasayang ala-ala, leo alam kong mahal mo pa ako kaya parang awa mo na leo wag moko iwan"

"Sorry Angela" saktong pag alis nya ang kasabay ng pag buhos ng ulan. Nakatingin lang ako sa nakatalikod nyang pogura, umaasa parin ako na babalik nya at para bawiin yung mga salitang binitawan nya, pero hindi patuloy parin syang malayo sa aking paningin. Senyales na Iniwan nya  na 'ko at hindi na sya babalik pa.

The end

//Skye//

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE GIRL UNDER THE RAIN [One-Shot]Where stories live. Discover now