CHAPTER# 1

0 2 0
                                    

Ivy's pov

Maaga akong pumasok since first day of class.

Gusto ko pa sanang matulog kaso si Mommy masyadong maingay kaya wala akong magawa kundi pumasok ng maaga.

Pagkarating ko sa school pinarada ko na agad yung kotse ko sa parking lot. Pagpasok ko sa gate narinig ko na naman yung mga bulungan nila. 'Aga aga chismisan agad.' Yung iba naman umiiwas, pero sanay na ako diyan, sanay na kaming section 4-D sa pakikitungo nila.

Hindi ko sila pinansin at dire-diretso lang ang lakad ko papuntang classroom na nasa 6th floor pa. Buntong-hininga kong inakyat yung floor namin. Oo floor namin! Kami lang kasi ang nasa taas, ayaw kasi ng ibang studyante doon kasi bukod sa mahirap akyatin at mainit, baka daw banatan lang namin sila.

Ganyan ang tingin nila samin. Nagsimula yan nung 2nd year highschool kami. May nagsumbong kasing studyante na kami daw yung bumanat sa tropa niya, samantalang ang liliit namin nung time na yon. Gagawa na nga lang ng storya, kwentong barbero pa.

Madaming nagalit na guro samin pero di na lang namin sila pinansin, akala namin matatapos yon pero hindi, kasi kada may mapapahamak na studyante sa campus, yung section namin ang tinuturo.

Ilang beses din kaming nagpaliwanag pero useless lang lahat, kasi di naman sila naniniwala. Hanggang sa dumating yung point na pinarusahan kami. Nilipat kami dun sa 6th floor at hindi lang yon tinanggalan pa kami ng aircon at sinabihan yung mga schoolmate namin na bago kami lumipat doon dumihan muna nila yung room namin.

At ngayong 4th year na kami, hindi ko lang alam kung may mababago ba sa pakikitungo nila sa section namin.

Ng makarating ako sa tuktok umupo muna ako sa hagdan para magpahinga. Ng umayos paghinga ko tumuloy na ako papuntang classroom.

Nakita pa lang ako ng mga kaibigan ko nag sitayuan na agad sila, matik na yon makakapasok na sila sa room.

"Ang aga mo ngayon ah." pang-aasar ni Jullian.

"Maaga na ba yon?" tanong ko sa kanya.

"Dude wag mo kasing kausapin si Pres ng ganyan HAHAHAHAHAHAHAHA!" sabat naman ni Liam.

"Hoy anong akala mo sakin? Hindi nagets sinabi niya?!" nakakunot noong tanong ko sa kanya.

"Wala akong sinasabing ganyan HAHAHAHAHAHAHAHAHA." sabi niya. Di ko na lang pinansin at saka dumeretso sa upuan ko. Nasa likuran ang upuan ko para ma observed ko sila.

"Pres, may new student tayo i mean classmate." sabi ni Kent. Agad akong napatingin sa kanya.

'Mukhang di maganda toh.'

"Babae o lalaki?" tanong ko.

"Lalaki pres." sagot niya.

"Okay." yun na lang sinagot ko. Tangina nakakapagtaka lang, ang alam ko hindi na kami pwedeng madagdagan o mabawasan, bat ngayon may dadagdag?

Nung 2nd year highschool kasi kami nasa 50+ kaming lahat pero dahil doon sa mga pagbibintang samin, nagpalipat yung kaklase namin na sipsip, kaya kaming 22 na lang ang natira.

Tapos ang naging usapan nila bawal na ang magdagdag at magbawas sa section namin. At ngayon palaisipan sakin toh. 'Tang'na malaman ko lang na may balak kayo samin, papasabugin ko mga bungo niyo.'

Legit! Simula nung pagbintangan nila kami, doon din nagbago lahat. Sounds corny but nambabanat na din kami pero may dahilan.

"Pres, ano nasa isip niyo?" tanong ni Kent. Umiling lang ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CLASS 4-D (ON GOING) Where stories live. Discover now