A Christmas Story

89 1 1
                                    

        "We wish you a merry christmas...we wish you a merry christmas... we wish you a merry christmas and a happy new year... " Kabi-kabilang tunog ng mga batang nangangaroling ang maririnig sa daan. Maiguguhit sa mga mukha nila ang tuwa sa natatanggap na barya. Kakaibang saya ang naramdaman ni Gng. Reyes habang pinagmamasdan ang mga bata  at pagkasabik sa taong inaasahan niyang dumating.  Ilang oras na lang ay magpapasko na.

           Masayang naghihintay si Gng. Reyes sa pagdating ng kanyang asawa. Samantala, sabik na sabik naman ang kanyang mga anak sa pagdating nito at sa mga naipangakong regalo. Maituturing nilang isa ito sa pinakamasayang pagdiriwang ng pasko dahil sa pag-uwi ng kanilang ama na mahigit sampung taong nanatili sa abroad. Ilang pasko rin ang lumipas na hindi nila nakasama ito kaya sa paskong darating, ang nag-iisang hiling nila na makapiling ang ama ay matutupad na rin. Lalong nasasabik ang mga ito dahil sa mga text ng kanilang ama na ito'y nakarating na ng bansa. Ang masaganang hapagkainan ay nakahanda nang pagsaluhan ng buong pamilya. Ang makukulay na balot ng regalo ay nag-aabang na sa christmas tree. Ang mga christmas song ay paulit-paulit nang ipinatutugtog sa radyo. Kaunting minuto na lang at sasapit na ang pasko.

           " Ma, mga anak narito na ako", ang laman ng text na natanggap nila sa kanilang ama. Labis ang sayang naramdaman ni Gng. Reyes at tila napalundag naman sa tuwa ang kanyang mga anak. "Yes! Darating na si Papa", ang sabi ng ate. Dali-dali namang kinuha ng bunso ang mga regalo. Hindi naman natigil ang ina sa pagpapakalma ng kanyang mga anak na halos maglumpasay sa sobrang kasabikan. 

            Mahigit tatlong oras nang naghihitay si Gng. Reyes at ang mga anak nito. Sumapit na ang Pasko ngunit wala silang narinig na tunog ng door bell sa kanilang pintuan.Nagibayo na rin ang lakas at kasayahan ng kanyang mga anak. Sila’y nakadarama na ng antok at pagkainip. Ilang oras pa ang lumipas ngunit hindi dumating ang kanilang ama. “Ma, bakit parang ang tagal ni Daddy? Hindi ba sabi niya kanina nandito na siya?” ang pagtataka ng ate. “Sandali lang anak, tinetext ko na siya,” ang sabi ng ina. Makailang text at tawag na ang ginawa ng ina ngunit wala na itong natatanggap pang sagot sa asawa. Nakaramdaman ng hindi maganda ang ina kaya’t napunan ng luha ang kanyang mga mata. Ngunit, naging maayos din ang pakiramdam nito mula nang makita ang mga anak na hindi pa rin nawawalan ng pag-asang darating ito.  “Mom, baka may malaking surpresa si Daddy kaya natagalan ito,” ang mungkahi ng bunso. Sinang-ayunan naman ito ng ate kaya muling nabalot ng pagkasabik at pagkatuwa ang tahanan ng mga Reyes.

            Mag-aalasais na ng umaga ngunit wala pa rin ang kaniyang asawa. Halos papikit-pikit nang naghihintay ang mga anak sa pagdating nito. Hindi magkamayaw ang ina sa pagtingin ng cell phone nito kung may text na mula sa kanyang asawa ngunit bigo pa rin itong makatanggap ng anumang mensahe o tawag. Maya-maya pa’y tuluyang nakatulog ang ina at mga anak sa sofa habang ang cell phone na hawak ng ina ay malayang dumulas sa kanyang palad. Paglipas ng ilang oras ay nagising ang ina sa pag-asang dumating na ang asawa dahil sa ingay na narinig sa pintuan. Dahil sa ingay, nagsigisingan din ang kanyang mga anak at dali-dali nilang binuksan ang pinto. Bumungad sa kanila ang mga batang nangangaroling. Humanga ang mag-iina sa pag-awit ng mga  bata at wari’y may inaasahan sila sa pagtapos ng mga ito. Hinitay nilang matapos ang mga ito at saka nakipag-usap. “Iyan ba ang surpresa ng aking asawa?” ang tanong ng ina. “Nasaan si Daddy?” ang tanong ng mga anak. Nabalutan ng katahimikan ang kapaligiran. Maya-maya pa’y nagsalita na ang mga nangangaroling. “Ano po ang tinutukoy ninyo?” 

(TO BE CONTINUED) 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Christmas StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon