Regrets

5 0 0
                                    

"Elle gusto ko ng umamin sa crush ko" sabi ko na kinagulat ni Elle agad nmn itong napatingin sakin sabay tawa.

"Pfftt. Wow ha buti nmn nag-kalakas ka na ng loob? Sinu ba kasi yang maswerteng babae na yan?" Tanong nya sakin habang tumataas-taas pa ang kilay nya. Kng alm nya lng kng cnu ang tinutukoy ko. Umiling na lng ako.

"Bxta malalaman mo rin kng cnu yun" sagot ko sabay tingin sa malayo. Nagulat ako ng inakbayan nya ako.

"Keigan alam ko na natotorpe ka lang ihh. Ganito tuturuan kita." Bigla nyang hinawakan ang balikat ko at hinarap sa kanya.

"Para namang may alam ka noh? May experience ka ba about sa ganito?" Patawa tawa kong tanong. Isang malakas na sapok lang ang natanggap ko galing sa kanya. Kaya napa-aray lang ako.

"Loko. Alagang watpad ang maganda mong kaibigan kaya expert na ako sa ganyan." Proud nya pang sagot kaya hinayaan ko na lang. Umayos na sya at seryosong tumingin sa akin.

"May gusto akong sabihin sayo. Matagal na kitang gusto kung alam mo lang. Matagal ko ng gustong sabihin sayo toh pero nahihiya lang ako. Ngayon lang ako nag kalakas ng loob para umamin sayo kaya sana gustuhin mo rin ako." Seryosong sabi ni Elle. Nakatingin lang siya ng deretso sa akin. Sana totoo na lang na may gusto sa akin si Elle para hindi na ako mahirapan. Oo sya ang babaeng matagal ko ng gusto. Sasagot na sana ako ng mag salita ulit sya.

"Yun yung sabihin mo sa kanya Kei." Sabi nya pa. Tumango na lang ako dahil baka kung anong masabi ko at madulas pa ako. Nag kwentuhan na lang kami ng bglang dumugo yung ilong ni Elle.

"Elle yung ilong mo." Sabi ko at sabay kuha ng panyo ko at pinunas sa ilong nya. Tumayo na muna siya at pupunta daw sya sa clinic. Sasamahan ko na sana siya pero sabi nya kaya nya nmn daw kaya hinayaan ko lang.

-----
Ilang araw din ang lumipas at napansin ko ang pamumutla ni Elle madalas din na dumudugo yung ilong nya pero sabi nya okay lang naman daw sya. Nakakapag taka lang kasi minsan nakikita ko na may ilang mga pasa sya kaya tinanong ko siya.

"Elle anong nangyari sa braso mo?" Tanong ko at agad nya namang tinakpan yung gamit yung jacket at ngumiti sa akin.

"Ah eto ba? Wala katangahan ko lang yan Kei hehe" sagot nya sa akin kaya tumango na lang ako.

------

Byernes ng hapon yun na sabay kaming umuwi ni Elle tulala lang sya at ang bagal nyang lumakad. Parang may mali na sa kanya. Sa twing tinatanong ko namn sya kung anong problema nya umiiling lang namn sya at sasabihing okey lang sya.

Huminto kami sa intersection area dhil dito kami maghihiwalay ng daan dun kasi sa kabilang street yung bahay nila . Nakangiti siyang humarap sa akin at bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko.

"Oh?anong drama mo Elle?" Tanong ko pa sa kanya habang yakap ko sya.

"Wala lang ma-mimiss lang kita. Wag mo ko kalimutan ha?" Sabi pa nya kaya tumango lang ako. Nagba-bye na sya sa akin at tumakbo paalis.
-------
Dumaan ang Lunes,martes,miyerkules,at hwebes na walang Elle at pumasok sa skul namin kaya napagpasyahan ko na dalawin sya sa kanila tutal ay byernes namn. Malayo-layo rin ang sa kanila kaya sumakay na lang ako ng tricycle pag dating ko sa bahay nila ay maraming tao ang nag kukumpulan kaya dali-dali akong bumaba at nakisiksik. May ilang mga pulis din ang naroon at nagulat ako dahil may dala-dala silang stretcher pero hindi ko na lang pinansin. Nagtanong ako kay aling Betty isa sa kapitbahay nila Elle kng ano ang nangyari.

Nagulat ako sa narinig ko at bgla akong tumakbo sa loob ng ambulansya. Doon ko nakita ang bangkay ng kaibigan ko. Ang bangkay ni Elle. Tanging iyak lang ang nagawa ko. Hindi ko matanggap ang nangyari. Naabutan daw nila ang walang buhay na katawan ni Elle sa cr ng bahay nila naka hubot hubad daw ito sa katabi nito ay ang tatay-tatayan nito naka-hubo rin habang humihithit ng shabu.

Ngayon ko lang naisip ang lahat yung mga pasa nya gawa pala yun ng pagmamaltrato sa kanya ng tatay-tatayan nya. Wala akong kwentang kaibigan hinayaan ko lang sya. Kung sana tinulungan ko sya baka buhay pa sya ngaun. Hindi ko man lang naamin sa kanya na sya ung matagal ko ng gusto. Hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal ko sya.

-KaishiiMidori

One Shot Story CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon