Sa sobrang pagdadrama, nakagawa ako ng one shot... :) hahaha. Enjoy reading? Comment kayo ha! Feel ko naman na madaming makakarelate eh? :)
Tweet me! @heyitsmichi
------
Hi. Ako nga pala si Ella. 15 years old palang ako. Bata pa. Pero kung saan saan na ko nakakarating para lang sa isang lalaki. para lang sa isang grupo.
Dahil sa kanila, Natuto akong tumakas, makipagkita sa mga nameet lang sa internet, magpuyat, maging active sa twitter. Dahil sa kanila, dumami kaibigan ko, at naging stalker ako...
Chicser, Ano bang meron sa kanila at gustong gusto namin silang mga kabataan na babae ngayon? Eh kasi gwapo, magaling sumayaw, malakas ang appeal. Grabe. Hindi ko naman akalain na magiging adik ako sa mga to eh.
Nakita ko lang naman kasi si Ranz sa news feed ko sa facebook. Bigla kasi siyang nalitaw. Nacurious ako, kasi nga ang gwapo. Oo, sa looks ka naman talaga ma aattract eh diba? Para mapansin mo at alamin kung sino sila, tinitignan mo muna yung itsura.
So, I stalked ranz. Dun ko na nakilala yung Chicser. nakadalawang GT narin sila nun, or Get Together. I really wanted to meet them, Kaya kahit malayo yung Trinoma, Pinilit kong pumunta, Pinilit kong makipagsapalaran sa lugar na hindi naman ako familiar.
At first, I thought it was just a simple crush. Pag hanga lang, Pag hanga kasi gwapo siya, kasi magaling siyang sumayaw. Pero nung nagtagal, nagseselos ako pag may napapansin siyang iba, naiinggit ako. Naisip ko, natural lang yun, kasi CRUSH ko siya.
Pero yung iniyakan ko na siya? Dun ko na inamin sa sarili ko, na iba na yung nararamdaman ko para sa kanya. Hindi nalang basta pag hanga. Some people might think it's stupid, pero they don't know what I feel.
Mahirap pala magmahal ng sikat... Mahirap umasa sa wala. Ang hirap magpapansin, ang hirap HINDI mapansin. Ang sakit makita na yung iba kausap niya, katext. Habang andito ako, nakanganga sa harap ng computer habang binabasa yung mga tweets nila.
Siguro hindi lang talaga ako lucky sa cyberworld. Sinikap kong mapuntahan ang mga GT, triny ko maging active para puntahan lahat, para maalala niya yung mukha ko. Masaya na ko kahit simpleng malaman na, kilala niya ko. Pero hindi naman sa lahat ng oras or araw, pwede akong makapunta. Hindi ko rin kasi kinakaya pag malayo. Hindi na kasi ako pinapayagan pag ganun.
Nageeffort akong magbigay ng kahit ano pag pupunta ako ng mga GT nila, gusto ko kasi may mabigay ako. Kahit wala akong matanggap na thank you sa twitter. Kasi minsan lang talaga magthank you si ranz, Siguro kasi ang dami na sobrang nagbibigay sa kanya ng gifts. Di na niya kayang isa isahin.
Alam ko naman na, dagdag display lang yung mga binibigay ko. Dogtag, Doodle, Teddy Bear... kasi alam ko na, ang dami na nagbigay sa kanya nun. Hindi lang ako. Pag may suot syang dogtag... Hindi na ko umaasa na yun yung binigay ko, kasi ayokong madisappoint.
Ang hirap maging fangirl... lalo na kung alam mo sa sarili mo na mahal mo na talaga yung pinagfafangirlan mo. Ang hirap na... wala kang magawa kung may malink man sa kanyang iba, wala kang magawa kung sweet siya sa iba. kasi fangirl ka lang naman.
Ang hirap umasa na may chance... Kasi sa huli, sino bang kawawa? Nakakapagod.. Nakakapagod umasa. pero sino bang nagsabi na umasa ka? diba ikaw din? umaasa ka na may chance kahit alam mong wala.
Mahal ko si ranz. Not because he's ranz of chicser. Mahal ko si ranz na yung simpleng ranz lang. Dahil alam ko, na kahit hindi ko siya nakilala as a member of chicser, mamahalin ko parin siya. Kung siya man yung mabunggo ko sa LRT, sa Mall... Alam kong... Magkakaroon parin ng tulay para magustuhan ko siya.
Hindi nalang to sa itsura.. Kasi nakikita ko yung effort niya saming mga fans... habang tumatagal. lalo akong nafafall. Gusto kong umiwas, gusto kong sumuko. pero bakit hindi ko magawa? Nakakapagod na maging fangirl. Hindi ko na kaya. Nakakapagod masaktan. Nakakapagod lahat.
Nakakapagod mag effort. Oo, Naaappreciate nila... pero yun lang yun. Wala ka namang mapapala sa mga ginagawa mo. Kasi kahit baligtarin mo man ang mundo, Ang FAN... FAN lang. Yun lang yun.
Hayy ranz, pag namatay ako, mumultuhin kita. Or isusulat ko nalang sa napakalaking bato na mahal kita at ihahagis ko sayo parang damang dama mo talaga :( Hindi ko alam kung.. ganto ba talaga ako kapangit? para hindi mo mapansin? para hindi mo ko tawagan sa skype?
Nakakapagod mag antay sa wala. Nakakapagod maflood sa FB. kasi pag nagpost ka ng midnight convo... sunod sunod na ang notif. Nakakapang hang ng computer.
Pag may nalilink sayo, or picture mo na sweet kasama ang ibang girls, or kahit na ano basta may kasama kang girl. Ang sakit kaya nun. pero wala naman akong magagawa, kasi fangirl lang ako.
Laging humaharang yung mga salitang "FANGIRL KA LANG" Ang sakit isipin na, hanggang dun nalang ba yun? Wala nabang i-iimprove yang pagiging fangirl ko? Okay naman sakin kahit friends lang eh. Pero bakit parang pinapakita talaga sakin ng tadhana na wala talagang chance?
Sana, after 10 years or so, mameet kita sa isang place... sana makasabay kita sa jeep, bus, LRT. Sana makasabay kita sa pagkain sa restaurant... sana magkabungguan tayo sa isang mall. At maalala mo na, "Ay, siya yung fan ko nung araw" Kaya ba yun? Pwede ba kong umasa? kaya mo ba kong tandaan?
Gusto mo ba bigyan kita ng box na puno ng ahas para talagang memorable ako? Pag BV ako, ikaw nalang nagpapawala nun eh. Ang bipolar ko na nga eh. Pero kasi ranz, Ang hirap mong mahalin, ang sakit kasi.
Ranz, Ano ba dapat kong gawin para mapansin mo ko? Gusto mo ba magparetoke ako ng mukha na tulad kay Trisha Lim? :( Ano ba dapat? Magiwan ako ng sandamakmak na ipis sa ibibigay ko sayong paper bag? Hagisan kaya kita ng upuan habang nagsasayaw ka? Huhu :( Ang pangit naman ng pagkakaalala mo sakin nun.... Pero yun ba ang paraan para makilala mo ko?
Kaya siguro nagiging haters yung iba, kasi tingin nila, mas mapapansin mo sila.... Kailangan ba maging hater ako? Kailangan ba maging poser ako at magpost sa sweethearts para magcomment ka lang? Ang hirap magpapansin... Ang hirap hirap at nakakapagod na. Nakakapagod magpuyat at mag antay sa wala.
Ang sakit kasi, Aasa ba ko na may chance? kung mareplyan lang sa FB at twitter, hirap ka na? Mahalin pa kaya ako? Hanggang saan ba ang kailangan kong tiisin? Hanggang kailan ko ba kailangan magtiis?
Hi. Ako si Ella, 15 years old pa lang ako. pero in love na ko. Complicated pa! Bakit kasi ako nainlove sa sikat?
Gusto ko ng sumuko....
Pero hindi ko gagawin
Kasi kahit anong mangyari
Mamahalin pa rin kita.
Bilang FANGIRL
at bilang Babae na talagang minamahal ka.
Hi Ranz kyle. Kailan mo ba mapapansin ang fangirl na katulad ko? Kaya mo bang mainlove sa isang FANGIRL lang?