I - ANG PAGKIKITA

32 1 0
                                    

“Aray!” sigaw ni Mandy, sabay hawak sa kaliwang paa na tinamaan ng trolley. Nilingon nya ang may hawak ng trolley.

“Pasensya na Miss, hindi ko sinasadya, sorry, nabangga kasi ako nung bata e,” paliwanag ng lalaki.

“Okay lang, ayos na,” marahang sagot naman ni Mandy sabay talikod.

Ang lalaki naman ay nakatingin sa kanya na animo’y naghihintay pa kung gagawa pa siya ng eksena. Nagbilang ang lalaki sa kanyang isip, isa, dalawa, tatlo… tumingin sa relo, ilang minuto na rin ang lumipas, nilibot ang mata sa paligid at tinignan muli ang babae. Di ba mag-iiskandalo ang babae, magpapacute, magtatanong kung ano pangalan nya? This is new, never pa siyang naisnab ng babae, walang second look?

Miss, sorry talaga di ko sinasadya,” sabi ni Marco.

Okay na,” maikling sagot ng babae.

Dun napansin ni Marco na may ibang dating ang babae. Cute ba? Hindi naman masyado, medyo horizontally enhanced (okay mataba sya), maayos at kumpleto ang ngipin. Makinis ang mukha, hindi kagandahan, pero hindi naman pangit. Pero wala din naman siyang pakialam sa itsura, basta malinis, ayos na. At tsaka mas importante sa kanya ang ugali. Naintriga siya sa babae, aba’y di ba naman sya pansinin, di ba sya maiintriga.

“Ako nga pala si Marco,” sabi nya sabay abot ng kamay.

Okay,” ang sagot ng babae na di man lang sya sinulyapan. Will she not even give her name at least?

Again my name is Marco,” at inalok uli ang kamay, medyo napipikon na siya sa pagbalewala ng babae

“Mandy,” tipid na sagot ng babae, ngumiti at tumalikod.

Okay I’ve been dismissed, isip ni Marco. Sabagay e ano naman kung hindi siya pansinin. Nainis siya pero di niya alam kung bakit, kahit ilang beses niyang ulitin na okay lang, di naman importante, bigla din niya naisip na apektado siya sa pagbalewala ng babae sa kanya. Siguro ay dahil first time ito na meron di pumansin sa kanya. Inamoy niya pa ang kilikili at baka may amoy, sinilip ang mukha sa salamin na malapit sa counter baka may dumi. Hay, nakakainis ha! At nag-buntung hininga na lamang.

Ma’am, dito na lang po kayo sa kabilang counter open na po,” singit ng isang crew. At tuluyan na ngang lumipat sa isa pang counter si Mandy. Di na sumunod si Marco, baka sungitan pa siya.

Hanggang makauwi si Marco sa tinutuluyang apartment ay hindi niya maalis sa isip si Mandy. Ginawa niya ang mga gawain sa bahay ng isang binatang independent. Pero sa bawat kilos, luto, kain, linis, pati sa pagligo ang mukha pa rin ni Mandy ang sumasagi sa isip niya. Nang patulog na ay si Mandy pa rin ang nakikita niya. Humiga sa malambot na kama, pinikit ang mga mata, pumihit sa kanan at pumihit sa kaliwa, biglang umupo at sumigaw ng “UMALIS KA NA SA ISIP KO, INAANTOK NA AKO!” Sabay dagan ng unan sa mukha, pero alam niya, isang mahabang gabi ito ng walang tulugan.

Sa isang panig naman ng mundo, si Mandy ay nakahiga sa kama, dilat ang mga mata, pinagmamasdan ang patak ng ulan sa bintana at iniisip ang lalaki na ang pangalan ay Marco. Iniisip ang posibilidad na magkainteres sa kanya ang isang matipunong lalaki, hindi man kasing guapo ni Brad Pitt ay may ilalaban, mukhang edukado, disente, makinis at rich looking.

But insecurity keeps on nudging her. Nagpakilala lang yun kasi naguilty, pero nakalimutan na siya nun, magugustuhan ba siya nun e mas malaki pa siya sa kama, pero malay, malambot naman siya, huggable ika nga. Bumuntung-hininga na lang si Mandy, at sinabi sa sarili, ‘itulog mo na yan Mandy, dahil bukas, di na siya parte ng buhay mo, at kahit gaano ka pa kalaki, ikaw ay isang butil lang ng alikabok, na naisin mang mampuwing ng isang lalaki na tulad ni Marco, mapansin lang, ay di nakatadhana na tangayin ng hangin sa kanyang mga mata.’ Hay, ang lupit naman ng tadhana! At tuluyan na nyang pinikit ang mga mata, at nangarap na kasama nya si Brad Pitt at siya si Angelina Jolie.

Maagang gumising si Mandy kinabukasan, sigurado traffic na naman, lalo na sa South Terminal, hirap kasi ng byahe mula Imus e, papuntang Manila Port, kung saan siya nagtratrabaho.

“Good morning Mama!” bati niya kay Lola Verna. Si Lola Verna Dominguez ang lola niya sa kanyang ina. Nag-iisang anak lang si Mandy ng bunso sa dalawang anak ni Lola Verna.

Nung unang taon nang pagsasama ng kanyang mga magulang ay nagkaectopic pregnancy ang kanyang ina, na nagresulta na tanggalan siya ng left fallopian tube, makalipas ang apat na taon ay isinilang si Mandy o Amanda Nuevarez pero makalipas ang isang taon ay nagbuntis ang kanyang ina muli, ngunit isang ectopic pregnancy na naman sa right fallopian tube, kaya tuluyan nang nawalan ng pag-asa na magkaroon pa ng kapatid si Mandy.

Good morning iha! Ang aga mo yata nakagayak,” bati ni Lola Verna.

“Mabuti na po yun para hindi ma-late, alam niyo naman po dito sa Pilipinas, kasama ang traffic sa daily routine,” sagot niya na nakangiti.

“ Apo, kailan ka ba mag-aasawa? Gusto ko na talaga magka-apo,” sentimiento ni Lola.

“Umaasa pa rin po kayo?” Patawa ni Mandy na sagot sabay iling ng ulo.

“Iha, huwag ka mawawalan ng pag-asa, sabi nga sa kanta, you just got to believe in magic, ano sabi ni David P? Got to believe in magic, tell me how two people find each other, In a world that’s full of strangers…” kanta ni Lola Verna.

At nakiduet pa si Yaya Bining, “You’ve got to believe in magic, Somethin’ stronger than the moon above, cause it’s magic when two people fall in love…” at kinilig na ang dalawa.

“Ano iha, hindi ba love is magical, imagine sa bilyung bilyong tao sa mundo, nagkakatagpo ang dalawang tao, ibinibigay yun ng pagkakataon, para magkita sila, hindi ba magic ang tawag dun,” ang kumbinsi ni Lola Verna.

“OO nga, yung iba dyan, mula sa pa sa magkaibang panig ng mundo pero nagkakatagpo,” sabi naman ni Yaya na nakahawak pa sa kaliwang dibdib ang mga kamay.

“Lola sa sitwasyon ko hindi magic ang kailangan, ang kailangan ko ay isang milagro, isang divine intervention, na makukuha ko lang kung lalakad ako paluhod sa lahat ng simbahan sa buong bansa,” sagot naman ni Mandy. Tuwing umaga na lang kasi ay ito ang topic at may duet, hindi ba siya maloloka.

“Basta, ako naniniwala ako, na may nakalaan para sa iyo,” matikas na sagot ni Lola.

“Sige na nga po, kumain na nga tayo, baka ma-late pa po ako dahil sa usapang lack of lovelife!” sagot naman niya.

Masaya ang pamilya nila Mandy, at hindi sila salat sa buhay. Maituturing na may kaya ang kanyang pamilya. Habang nasa byahe si Mandy, sumagi sa isip niya kung ang buhay kaya niya ay ganito kung di naganap ang mga naganap.

Namatay ang kanyang lolo na isang doctor, nung siya ay limang taon pa lamang. Nung siya ay dose anyos naman ay sabay binawian ng buhay ang kanyang mga magulang sa isang vehicular accident. Mula nuon sila na lang nila Lola Verna ang tumira sa bahay na ito, at ang mag-asawang kasambahay na walang anak, si Yaya Bining at Mang Asyong.

Matanda na ang Lola at ang only uncle niya na si Tito Nathan ay sa Singapore na naninirahan kasama ang pamilya. Dumating lang sila nung burol at bumalik din sa Singapore makaraan ang libing. Kaya naman sila lang ni Lola Verna ang nagpalakas ng loob ng isa’t isa. Nakita niya ng himatayin ang Lola sa pagkabigla, kaya hindi na niya nakuha pa umiyak, pumatak lang ang luha sa mga mata, pero di pa siya umiiyak magpahanggang ngayon. Kapag nararamdaman niya na siya ay naiiyak na, ngunit nandun ang Lola, humahanap siya ng pagtataguan para umiwas at ibang gagawin para malibang. Kaya sa pag-iwas ay natagpuan niya ang kusina na lugar na pagtataguan at ang pagkain bilang mainam na libangan. At dun na nagsimula ang paglaki ng bewang, ang paglaki ng balakang, at ang paglaki ng kapasidad na magstock ng pagkain sa tiyan.

Kung di siguro siya tumaba, sana naging sociable siya nung high school at college, hindi sana siya naging loner at insecure. Baka nga may pamilya na siya ngayon. Pero eto siya, twenty-eight-year-old-virgin, nahuhumaling sa mga romance novels, day-dreaming ang libangan, at mag-isa. Sa totoo lang wala na siyang ginawa lately, kungdi magbuntung hininga. Pakiramdam niya kasi di na magbabago ang sitwasyon niya. Hay!!!!

Believe in MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon