Si Mandy ay hindi naman galit sa lalaki. Hindi lang siya pinapansin ng mga ito, kaya hindi na rin niya pinapansin ang mga lalaki. Mahirap kasi makatagpo ng mamahalin ang isang babae lalo na kung mas lalaki pa siya sa lalaki. Kaya ipinagdarasal na lang niya yun. Pero paano kung dumating na ang lalaki na ipinagdarasal niya? Kaya niya kaya paniwalaan at magtiwala? O padadaig siya sa takot na masaktan at tatalikuran na lang.