Fourteenth 01
"Dalian nyo na pagbihis nyo diyan! Maraming tao ngayon sa mall kaya dapat ay maaga tayo," sigaw ni mama sa'min mula sa sala.
"Malapit na, ma!" sagot ko. Kahit na ang totoo ay hinahalungkat ko pa ang buong aparador ng mga damit ko. Nakakainis talaga kapag puro t-shirt lang mayroon ka. T-shirt na galing sa mga contests or souvenirs mula sa iba't ibang lugar. Ngayon ko lang narealize. Yung mga pambaba ko ay isang boring lang na straight cut jeans at parang tatlong shorts lang nung huling bilang ko.
"Melaaaaay! Ano ba yan, ang tagal!" marahas na katok ni Ate mula sa pintuan. "Dalian mo riyan, magbibihis na rin ako,"
"Oo, sandali!"
Dahil sa pagmamadali ay sinuot ko na lang ang t-shirt na mula pa sa isang regional competition noong elementarya at ipinares sa nag-iisang jeans ko. Ang baduy ko tingnan.
Pagkabukas ko sa pintuan ay binalingan ko ng masamang tingin si ate.
"Yan kase, ang tagal maligo." pagpaparinig ko. Tinarayan niya lang ako bago nagtuloy sa kwarto at padabog na sinara ang pinto.
"Oh, nag-aaway nanaman kayo? Ano ba 'yan! Ang aga-aga,"
Pagdaan ko sa sala ay sinalubong agad ako ng sermon ni mama. Nasanay naman na ako na dadaan lang sa magkabilang tenga ko iyong sinasabi niya kasi kung seseryosohin kong sumabat, siguro araw-araw may debate sa bahay. Dumiretso na ako sa may mga shoe rack at sinuot iyong nag-iisang white sneakers ko.
"Asan na mga kapatid mo, Amy?" tanong ni papa nang madatnan ako sa may shoe rack. Nakabihis na rin siya at handa ng umalis ng bahay. Si ate na lang ang nagbibihis pa at si kuya na nag-aayos na.
"Nasa kwarto po, pa. Nag-aayos yata."
Nang matapos kong isintas ang sapatos ko ay bumalik ako sa kwarto namin ni ate. "Ang bagal nyo raw, bilisan nyo." sambit ko bago kinuha ang sling bag at inilagay ang panyo at selpon ko.
"Hala, akin yan hoy! Ako gagamit niyan!"
"Shhh." Senyas ko at baka manermon ulit si mama sa ingay namin. "Manahimik ka nga Aling Mildred. Tsaka marami ka pang bag, oy,"
"Anong Mildred ka d'yan?"
"Anong Melay ka d'yan?" sabat ko patungkol sa pagtawag niya kanina. Nakakairita talaga kapag Melay ang tinatawag sa'kin, masyadong malayo sa totoo kong pangalan. "Dalian mo na nga lang," dagdag ko ng hindi na sya sumagot pa at tinarayan lang ako. Bahagya akong natawa ng makalabas sa kwarto.
Maya-maya ay natapos na rin kaming lahat sa paghahanda at ready ng pumunta sa mall para mamili ng school supplies sa paparating na pasukan. Medyo kinakabahan ako dahil bago ang paaralang papasukan ko at dinig kong halos matatalino ang nag-aaral doon tsaka maraming mayaman.
"Nakapag-enroll ka na ba, Aidan?" tanong ni mama kay kuya sa loob ng tricycle. "Ano nga ulit kurso mo?"
"Agri Eng, ma,"
"Ikaw, Amari? Nakaenroll ka na ba sa third year mo?"
"Syempre naman ma," sabay kindat in isa kong kapatid kay mama sa rear view mirror.
"Yikes." Pang-aasar ko sabay tawa.
"Ikaw, Amy? Alam mo na ba kung ano ang mga requirements na dadalhin niyo sa unang araw o di kaya ilang subject meron kayo?"
"Opo, ma. Dala ko po yung enrollment slip kung saan nakalagay kung ilang subjects at anong requirements dadalhin."
"O sige, buti naman."
"Kailan daw uwi ni kuya mula abroad, ma?" tanong ni kuya Aidan.
"Baka December pa raw or start ng winter season doon,"
YOU ARE READING
Fourteenth
Teen FictionKnown as a top student in her batch, Amy finds her way taking up science high school instead of a sports academy institution to continue practicing her love for sports. She thought she fitted and life had been fun just like other high school student...