Sa Gitna

2 0 0
                                    

Hangganan ng Pag-ibig

(Heaven's gate one-shot)

"Ako po si Lyn Mendoza, 26 years old po. Namatay dahil sa aneurism, kahapon lang po ako nakarating dito sa Gitna."

Kaugalian na na magkaruon nang mga ganitong uri ng pag pupulong para sa mga bagong dating dito sa Gitna. Isa kasi ito sa mga patakarang kailangan sundin ng mga bagong dating, bilang pakikisama na rin sa mga katulad nila.

"Kamusta naman ang pakiramdam mo ihja?"

Sya si Madam Gregoria Custodio, ang pamunuan taga hanay sa mga bagong dating. Trabaho nya na ipaalam sa mga kararating lang kung nasan sila at kung anong ginagawa nila dito sa Gitna.

"Hindi pa rin po ako makapaniwala na patay na ako."

Kapag dumating na ang katapusan ng buhay sa mundo ay may isang lugar muna kayong pagdadaanan bago kayo makarating sa huling destinasyon.

Sa Gitna kung saan ang lahat ng mga kaluluwa ay tinitipon para malaman kung kailan sila makakarating sa langit.

"Maraming salamat at nandito kayong lahat sa ating pag pupulong. Bibigyan lang namin kayo ng mga gamit na maaari ninyong gamitin sa mga kwarto ninyo, hintayin na lang ang mga bantay na mag hahatid sa inyo. Maraming salamat"

Isa isa silang binigyan ng kanya kanya nilang mga gamit. Tatlong susi: ginto, kahoy at tanso, Remote, at isang Gabay.

"Yang mga susi na hawak ninyo ay may mga nakatalagang kwarto na kung saan pwede ninyo ito magamit. Tansong susi, para sa kwarto ng libangan na kung saan lahat ng ginagawa nyo noon sa lupa ay pwede ninyo uli gawin. Pwedeng kumain, maglibang, uminom, halos lahat. Ang kahoy na susi ay para sa talaan ng mga dokumento o sa arkibos. Lahat ng mga dokumento na nais ninyong tignan ay naririto. May mga ilang gamit duon na kailangan ninyong isauli at may mga gamit naman pwede ninyong gamitin hanggang sa nais nyo. Gintong susi ay para lamang sa huling araw ninyo dito sa Gitna. Wag na wag ninyong gagamitin ito ng walang pahintulot ng tagasuri. Maliwanag po ba? Para sa mga katanungan ninyo maaari ninyong gamitin ang gabay para sa mga pangkaraniwang gawain. Para naman sa mga personal na katanungan pwedeng pwede ninyo itong ilapit sa inyong mga bantay. Maraming salamat po. At nawa'y maging masaya kayo sa pananatili ninyo dito sa Gitna"

Isa isa na silang nag si-alisan maliban kay Lyn, napansin ito ni Gregoria at nilapitan sya. Kita sa mga mukha ni Lyn ang kalituhan sa kung ano nga bang nangyayari sa kanya.

"Ayos ka lang ba Ihja? Parang may gumugulo ata sa isipan mo?" Tinabihan ng pamunuang taga hanay si Lyn at hinawakan ito sa mga kamay.

"Alam ko madami kang gustong malaman. Kung talagang naguguluhan ka at gusto mong malaman lahat ng kasagutan sa isip mo, tara sumama ka sakin."

Walang kibo si Lyn pero sumunod na lang din sya sa taga hanay.

Walang pinagkaiba ang itsura ng Gitna sa mundo ng mga buhay.

Para ka pa ring naglalakad sa lupa. Ang pinagkaiba nga lang nito. Lahat ng makasalubong mo, bata man o matanda. Lahat sila ay mga taong pumanaw na at nag hihintay na lang ng oras nila para makaakyat sa Langit.

"Napaka bata mo pa Ihja, base sa mgadokumento mo hindi aneurism ang kinamatay mo."

Panandaliang nakaramdam ng kaba si Lyn ng marinig nya iyon sa Taga-hanay.

"Ayos lang yan, sa totoo nga hindi lahat nang naririto sa Gitna eh alam kung ano nga bang naging dahilan ng pagkamatay nila."

"Madam, ano po bang naging dahilan?" nagdadalawang isip pa si Lyn sa sinabi nya, tila takot din syang malaman kung ano nga bang dahilan ng kanyang pagpanaw.

"Sa totoo lang ngayon ko lang din narinig yung naging kaso mo, ano nga kasi yun? Ahh tama, broken heart disease. Sa tagal ko na dito sa Gitna ngayon ko lang narinig yang cause of death na yan."

Panandalian naging tahimik ang dalawa. Tila hindi rin mawari ng Taga-hanay ang sasabihin. Pero tanaw nya sa likod kung anong naging reaksyon ni Lyn.

"Andito na tayo, halika pasok ka. Iwanan mom una yang mga hawak mo dito"

Simple lang ang itsura ng opisina ng Taga-hanay. Makikita mong mahilig sya sa mga librong naka hilera sa kanyang lamesa. May mga letrato din ng mga kasamahan nyang tagapamahala sa Gitna.

"Maupo ka Ihja, Inumin mo to. Masarap yan."

Agad na tinggap ni Lyn ang baso.

"Kahapon ka lang nakarating Ihja, pagpasensyahan mo na biglaan kasi kayong dumami eh. Di namin akalain na ganun ang bilang ninyo. Ito nga pala yung Gabay mo."

"Madam, Bakit andito ako?"

"Tatapatin nakita Ihja, may mga dahilan kung bakit kailangan muna nating manatili dito sa Gitna, kadalasan dahil sa mga kasalanang nagawa natin sa Lupa pero madalas dahil sa may mga bagay muna tayong dapat tanggapin at alisin sa mga puso natin bago tayo makaalis. Palagay mo bakit andito ka pa"

Natahimik si Lyn sa sinabi ng taga-hanay. Iniisip nya lahat ng mga bagay na nagawa nya noong nasa Lupa pa sya. Alam nyang madami syang nagawa na di nya gusto pang balikan.

"Ang di ko lang maintindihan Lyn, nung tinignan ko ang araw na ilalagi mo dito eh." Sinusuri ni Gregoria ang mga dokumento ni Lyn.

"walang nakatakdang araw kung kailan ka pwedeng makaalis"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hangganan ng Pag-ibig (Hintayin ng langit Fanmade)Where stories live. Discover now