Flower Girl

239 12 4
                                    

Valentine's Day

4:00am

Isang araw na naman ng pagsisikap at pakikipagsapalaran.

Hay, Mary Rose, bumangon ka na. Madami ngayong costumer. Araw na ng mga Puso.. Tutulong ka pa sa Inang mo. Sambit ko sa isip lamang habang nakahiga pa sa karye ko. Isang simple buhay lang ang meron ako. Nakatira sa isang maliit pero konkretong bahay kasama si Inang.

Hay makaligo nga muna. Mabilis lang akong naligo, hindi na pwede ang babagal-bagal.

"Rose anak, almusal na. Bilisan ha. Maaga dapat tayo ngayon." Paala sakin ni Inang habang ihinahanda ang almusal ko. Ang nanay ko matanda na sa kakatrabaho para sa akin- para sa kinabukasan ko. Hindi naman kami mahirap, medyo nauubos na kasi yung ipon namin. Tatay ko naman kasi sumakabilang-BAHAY na.

Matapos kumain nagbihis ako ng uniporme ko. Nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo. Isang magandang paaralan ang napasukan ko. Nagsisipag talaga kasi ako sa pag-aaral para sa amin ni Inang. Isa akong Financial Management student.

"Nak, wag mo na ako tulungan sa pagtinda, dumeretso ka na sa lang sa school mo. Diba may exam kayo ngayon?"

"Nay, nakapag-aral na ako doon sa pwesto natin kagabi at noong pag-uwi natin dito sa bahay."

"Pero-"

"Nay," lumapit ako kay Inang at niyakap siya mula sa likod. "Kapag hindi ako Nay tumulong mas hindi ako mapapakali at makakasagot sa exam."

Sa huli pumayag pa din si Inang na sumama ako sa pwesto namin sa Dangwa. Masyado ngang mapagbiro si Mr/Mrs. Tadhana. Ako tong bitter sa buhay pero ako ang nagtitinda ng isang sweet na panregalo?

"Miss, pareserve ng pinakamaganda nyong bulaklak." Grabe tong si Kuya ang aga aga mamili. Teka, schoolmate ko pala to. May GF na pala siya? Sayang crush ko pa naman. Haha. Bukod kasi sa gwapo ,mabaet daw sya. Bonus na lang yung mayaman. Magdodoctor nga daw yan.

"Para ba sa GF mo kuya?" Masigla kong tanong. Isang matamis na ngiti ang isinukli niya sa akin. Mas gwapo ka kuya kapag ngumingiti ka. Ay teka, ang aga pa para maglandi.

"Siguradong yung pinakamaganda dapat huh?"

"Oo kuya promise."

"Wag mo na nga ako i-Kuya. Anthony na lang." Anthony pala pangalan niya. dati nakikita-kita ko lang sya sa gate. Alangan pa nga akong tumingin sa kanya.

"Sige Anthony, ako bahala sisiguraduhing kong magugustuhan to ng babaeng pagbibigyan mo!"

"Sige kukunin ko yan maya-maya ha. Bibili muna ako ng chocolates. magugustuhan nya yan ha... sabi mo yan...."

Isa din akong flower arranger. Pangit naman kasi kung basta-basta lang magtinda at walang kaalam-alam sa flower arranging diba? Nagtraining pa ako dito.

Nagmatapos ko nang iarrange yung mga bulaklak, bumalik na ako sa pwesto.

Ang swerte ng babaeng yun ni Anthony.

5:21 am

Lumipas na ang oras at dumadami na ang mamimili.

"Kuya, ang ganda ng kasama mo ah. Bagay sa kanya 'tong puting rosas. Kasing puro ng kagandahang taglay niya." Bolera na kung bolera pero kelangan ko talagang makabenta ng madami.

My Flower GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon