PROLOGUE

109 20 2
                                    

"The eyes are the windows to our soul." -William Shakespeare

Claudine Montefrio, a young woman in her thirties, did not entertain the thought of having a man in her life.
She lost all hope when her boyfriend for seven years broke up with her.

Will she ever get married before her time runs out?

🔅🔅🔅

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME.

All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.

❗❗❗

Trigger Warning:

There are scenes not for the faint of heart in this story which may trigger anxiety and depression.

Reader discretion is advised.

Accounts:

Facebook: Happysnowfeet WP
Twitter: Happysnowfeet

🔅🔅🔅

"Anak, kailan ba kami magkaka-apo?" Pambungad na tanong sa akin ni mama noong umuwi ako sa bahay ng gabing yon.

Nasa sisenta na kasi sila ni papa at sabik sa bata.

Dagdagan pa na ang mga pinsan kong mas bata pa sa akin ay may kanya-kanya na silang mga pamilya.

Bilang panganay na apo sa aming magpipinsan at lagpas sa trenta na ang edad, ito ang madalas na natatanggap kong mga tanong sa lahat ng mga kakilalang sasalubong sa akin.

Nakakaumay na nga. Kulang na lang irecord ko ang sasagot ko.

Kapag hindi ko naman sila sinagot, sasabihin ang taray-taray ko kaya daw ako tumatandang dalaga.

Kapag naman pinatulan ko mga tanong nila, may follow-up questions pa.

"Hintayin mo na lang po, ma. Pina-shopee ko na. Tatanungin ko muna si seller kung kailan idedeliver dito." Biro ko na lang sa kanya at naka-ani pa ako ng hampas sa pwet habang dire-diretso ako sa kwarto ko para magpalit ng damit.

"Kaw bata ka! Pilosopo ka talaga!" Sigaw ni mama mula sa sala.

Napahalakhak ako habang nagpapalit ng damit pambahay.

Si papa naman ay kagagaling lang sa kwarto nila at sinalubong ko ng halik sa pisngi.

"Ikaw talaga, hinahigh blood na naman nanay mo sayo." Sabi nya habang sabay kaming bumababa papuntang kusina.

"Nagbibiro lang naman, pa." Sabi ko sabay ngisi.

Nadatnan namin si mama na naghahain na ng pagkain sa lamesa at napatingin ako sa orasan.

Mag-aalas nuwebe na din pala.

Mabuti na lang at Biyernes ngayon.

Dire-diretso ang tulog ko mamaya.

Hindi na ako nagdalawang isip at tinulungan na si mama na maglagay ng mga kubyertos sa hapag.

Nag-iisang anak lang ako at matatanda na din sila.

Kahit naman pasaway ako minsan (sige na nga, madalas), nag-aalala pa din ako sa kanila.

Katulad noong nakaraan, nagbuhat ng mabigat si mama habang yung ibang tao sa bahay dinaan-daanan lang sya.

Eh ang lalaki ng mga katawan non.

Wala man lang tumulong o nagprisintang magbuhat.

Napailing ako ng maalala ang araw na yun.

Pareho namen ni papa na pinagalitan si mama nung naabutan namin sya na may buhat-buhat.

Ang dahilan nya, wala daw ibang gagawa nun kung hindi pa sya kikilos.

Like, hello? Sya lang ba tao sa bahay??

"Oh, anong tinatayo-tayo mo pa dyan?" Tanong ni mama. "Kakain na po tayo, Donya Claudine."

"Churi naman." Sabi ko at ngumisi bago maupo.

Nagbanggit kami ng maikling dasal at pinagsaluhan ang hapunan.

Hindi na mawawala ang okasyonal na bangayan nila ni papa at iyon na ang nagsilbing libangan ko simula pagkabata.

Nagmana nga ako kay papa sa kapilosopohan.

"Kanina, may nakasabay ako sa grocery. Hinahanap yung isang brand ng shampoo. Tinanong nya yung saleslady. Wala daw stock. Ako naman nagtanong ng brand na kailangan ni Clang, wala din. Sinagot ko nga. Bakit pa kayo nagbukas ng tindahan? Natawa yung lalaking kasunod ko eh!" Pagyayabang ni papa habang ngumunguya ng pritong tilapia.

"May pinagmanahan ka nga, Clang! Pareho kayong pilosopo!" Inis na sabi ni mama at pinandidilatan kame.

Sumubo muna ako ng kanin at nginuya eto bago sya sinagot.

"Hala, bakit ako! Si papa kaya yun!" Kontra ko sa kanya.

"Ikaw kasi pa eh! Bakit ka ba kasi pilosopo? Yan tuloy! Nadamay pa ako!" Sagot ko na may halong pang-aasar.

Tawa lang ang sagot ni papa sa amin habang tinatapos namin ang hapunan.

Ng matapos ay naglinis na ako ng katawan para maghanda sa pagtulog.

Nang nakahiga na ako sa kama ay agad akong napahikab.

Napatingin ako sa kalendaryo sa likod ng pintuan ng kwarto ko at nakitang ika-10 na pala ng Hulyo.

Ilang araw na lang at kaarawan ko na.

Isang taon na pala ang nadagdag sa edad ko.

Napabuntong hininga na lang ako at napaisip.

Wag sana silang magdilang anghel na maging matandang dalaga ako!

Love Found Me ✔(Taglish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon