Claudine Montefrio's POVAh, weekend finally!
Nag-inat ako pagkadilat ng mga mata ko habang dinadama ang lamig ng kwarto ko.
Amoy hanggang dito sa kwarto ang bango ng niluluto ni papa na pancake.
Agad akong tumayo at dumiretso sa banyo sa loob ng kwarto ko para maghilamos at magmumog.
Pumunta ako sa baba at naabutan ko sila ni mama na may pinag-uusapan sa hapag kainan.
"Hayaan mo na nga si Clang sa buhay nya. Wag mo na syang pangunahan. Magagalit lang sa iyo ang anak mo eh." Rinig ko ang hirit ni papa.
"Natatakot akong maiwan syang mag-isa pag nawala na tayo. Gusto ko lang naman na may makakasama na sya hanggang pagtanda." Sagot naman ni mama. Andon ang himig ng pag-aalala para sa akin.
Hindi ko naman masabing hindi ako naapektuhan sa mga katagang yon ni mama.
Bilang nag-iisang anak, tanggap ko na ang kapalaran ko kung sakali mang dumating ang panahong yon.
Dahil ayoko namang ke-aga aga ay madrama ang simula namen, maingay na bumaba ako sa kusina.
Sabay silang lumingon sa akin at napalitan ng alanganing ngiti ang kanilang mga mukha.
Medyo nangingilid pa nga ang luha ni mama.
Hay nako. Etong mga eksena ang ayaw kong nakikita eh.
"Mabuti naman at gising na ang prinsesa!" Sabi ni papa. "Halika na! Kain na tayo!"
Katulad ng nakagawian, sabay kaming kumain at nang matapos ay tumungo kami sa sala upang gawin ang matagal na naming namiss.
Ang manood ng kdrama.
Opo. Naimpluwensyahan ko na din sila nung nagsimula ang lockdown.
Mabuti na nga lang at kahit papano ay nakahanap ako ng trabaho ng humupa at nakahanap ng solusyon ang mga kinauukulan sa kailan lang na lumaganap na virus at kumitil sa buhay ng iba dito sa bansa.
Kasalukuyan kaming nanonood ng isang episode ng Itaewon Class ng magring ang cellphone ni mama.
Napatingin ako sa kanya at inaasahan na sabihin nyang itigil muna ang palabas ngunit wala syang binanggit.
"Sige lang. Manood lang kayo. Saglit lang ako. " sabi niya sabay punta sa kusina hawak ang cellphone.
Kumibit balikat na lang si papa at kumuha ng tsitsirya sa ref para pagsaluhan namin.
"-- ah talaga? Nako! Hindi ako sigurado kung pwede sya next week. May event ata sya. Pero itatanong ko." Rinig kong sabi ni mama.
Halos hindi ko na maintindihan ang pinapanood namen dahil nakatuon ang atensyon ko sa kilos ni mama.
"-basta, itetext kita pag okay schedule niya ha. Sige. Sige. Salamat. Miss you!" Masayang sagot ni mama.
Nang pabalik na sya sa sala, agad akong ngumuya ng Cracklings at uminom ng C2 sa tabi ko.
"Oh? Ano na nangyare?" Tanong ni mama at umupo sa tabi ko.
Si papa na ang nag-abalang sumagot kay mama.
Naka-ilang episode din kame bago pinahinga ang mata at lumabas ng bahay.
Nakagawian din kasi namin na pag andito ang pamangkin kong tatlong taong gulang na babae at isang taong gulang na lalaki ay nakikipaglaro kame sa kanila.
Dala ang susi ng bahay, sabay sabay kaming lumabas at pumunta sa kabilang bahay.
"'ta Cla!" Nakangiting bati ni Via.
Kakawag-kawag naman ang malulusog na hita ng kanyang pinsan na si Von.
"Hi baby V!!" Tuwang tuwa na bati ko pabalik sa kanya.
Masayang tumakbo ito papalapit sa akin para yakapin ako.
"Ayyy oh! Lab lab daw kami!" Hirit ko ng pang-iinggit kay Von at tila ba na nakakaintindi ito at nagsimulang ngumawa.
"Nako, Clang! Mag-asawa ka na kasi!' Pang-iinis na sabi ni Tito Roy ang tatay ng mga ina nila Via at Von.
"Pano nga mag-aasawa eh wala namang jowa?" Ginatungan pa ni Tito Jury na kapatid ni mama.
Nagtawanan ang mga matatanda na akala mo yun na ang pinakanakakatawang joke na narinig nila.
Napairap na lang ako at nilaro ang mga pamangkin ko.
Pilit na hinanap ng mga mata ko si mama para makita ang reaksyon nya.
Kakwentuhan pala nya sila Tita Stella, kapatid nya, at Tita Ruby na asawa ni Tito Jury.
Hindi ko na inalam pa ang pinag-uusapan nila at tinuon ang atensyon sa mga bata.
"Oh, Ate Clang! Nakita ko pala si Iliad sa mall nung nakaraang linggo. Kinakamusta ka. Kasama nya asawa at anak nya noon." Sabi ni Riri, ang nanay ni Von.
"Ah, talaga ba." Sabi ko na lang at inabala ang sarili ko sa cellphone na hawak ko.
"Nako, kambal! Mukhang may mga nagtatangkang bumalik ah! Si Kuya Zurich naman ang nakasalubong ko sa Mercury noong isang linggo din habang bumibili ako ng gamot ni Via. Hinahanap din si Ate Clang!" Banggit naman ni Ruru, ang kakambal nya na nanay ni Via.
Nagpakawala na lang ako ng hininga.
Mukhang alam ko na san patutungo ito ah.
"Hello? Yes ma'am? Ah opo. Saglit lang po." Sabi ko sa cellphone ko.
Nagkunwari na lang ako na may tawag at umuwi sa bahay.
Really? Si Iliad?? Eh simula't sapul, hindi naman ata naging totoo sa akin yun eh!
Ng maalala ko si Zurich, biglang nagflashback kung ano ang meron kami nitong nakaraang taon.
He's my one that got away.
***
Nicholas Lagdameo's POV
"Good morning, doc!" Bati saken ng mga nakakasalubong ko sa Hospicio de San Carlos.
I have been their resident doctor for almost five years.
I see relatives and loved ones of patients who spent their remaining days in the center before they pass away.
"Good morning din!" Nakangiting bati ko at dumiretso muna ako sa canteen at nagtimpla ng sarili kong kape.
Eto na ang nakagawian ko kada umaga.
Magkakape, didiretso sa mabilisang almusal at sisimulan ang araw sa pagrorounds sa mga pasyente dito.
"Doc, si Mrs. Romualdez po!" Humahangos na pagkasabi sa akin ni Nurse Jenny.
Agad na binaba ko ang mug at tumakbo sa kwarto ni Mrs. Romualdez.
Kinabit ko ang stethoscope ko at napag-alamang hindi na kami umabot.
Katabi nya ang anak nyang si Gerard na umiiyak sa tabi.
"Time of death: 8:45am. Condolence, tol." Sabi ko at malungkot na tinap ang balikat nya.
Iniwan namin sya para sa kanyang privacy kasama ang ina.
Isa ito sa madalas na mangyare dito sa lugar na ito.
Yung mga hindi inaasahang pagkakataon, may biglang kukunin ang buhay at mga anak na maiiwan.
Hindi na bago sa akin dapat ito.
Pero kada isang tao na mamamatay ng dahil sa sakit, kumikirot pa din ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Love Found Me ✔(Taglish Version)
General Fiction"The eyes are the windows to our soul." -William Shakespeare Claudine Montefrio, a young woman in her thirties, did not entertain the thought of having a man in her life. She lost all hope when her boyfriend for seven years broke up with her. Will s...