CHAPTER 25

177 7 0
                                    

I immediately threw my laptop after I received the photos I asked them to send me. How dare that man smile and go along with blonde?! Is he trying to flirt with blonde? Does he like blonde? No one else can like blonde! He's mine!


                   "The hell is wrong with you Max? You're staring at me like you want to kill me. Should I get a gun now?"I looked at the one who said that. It's John, he's just standing at the door. I smiled because of what he said.


                        "There is no need for that, John. Get the private plane ready." He nodded after I said that and left my office. I also got up. I grabbed some wine and walked closer to the table the window. We are now in Switzerland. We are staying in one of my hotels here. It has been almost a month since we left without saying goodbye to them. After we fixed the problem in Canada, we went straight to Switzerland because my other investors also planned to pull out. But John and I stopped that. I lost half a billion just so they wouldn't leave. Damn it. 


                          "All ready Max."

 "Take my things with you. I'll be there in 5 minutes." I heard him closed the door. When he came out, I put the glass of wine aside and approached my table again. I arranged the papers I needed and put them in my briefcase. Wait for me blonde.



Douglas' POV

Yawnn!

Good morning mga bakla!!


                        "Douglas!!! Andito ang Sir mo, sinusundo ka!" narinig ko ang ang bulyaw ni mudra naabot hanggang ika sampung bundok. Pero sinong Sir? Josh? O Max? Dali dali kong kinuha ang tuwalya ko at tumakbo papasok sa banyo. Ang alam ko wala namang pasok ngayon. Duhh. Sabado kaya ngayon. Pasalamat na lang talaga at maaga ako lagi nagigising kahit nagpupuyat ako lagi.


                         "Mudra~~~ Here na me" pinupunasan ko pa ng maliit na tuwalya ang buhok ko habang  pababa ako ng hagdan. Mauubos ang oras sa pagpapatuyo ko ng buhok sa itaas. Mas maganda  kung dito na lang. Mas humaba na kasi ang buhok ko kesa dati. Hanggang balikat na siya at kulot pa din. Balak kong magpagupit pero saka na lang siguro.


                           "Good morning Douglas." huh?


                          "Sir Josh? Bakit po kayo andito? Wala naman pong klase ah?" tanong ko sa kanya sabay upo sa may katapat na sofa. Napakamot naman siya sa batok niya dahil sa itinanong ko. 


                       "I just wanna ask you if you want to go with me. It's....it's not a date. I just wanna go somewhere and I got no one to accompany me." paliwanag niya kaya napatango tango ako. Wala  naman na akong ginagawa. Tapos ko na ang natitirang activities namin. Wala naman akong  gagawin dito sa bahay kasi nakapaglinis na si mudra. 


                         "Sige po Sir. Basta libre niyo po? Nagiipon po kasi ako ngayon. " ngiting ngiti ko sa kanyang sagot kaya natawa siya sakin. 


                            "Thanks. Gusto mo ba isama sila Blaine? Pwede naman." suggestion niya sakin. "Sige po Sir, tawagan ko lang po sila." nag-excuse muna ako at tumakbo paakyat sa kwarto. Nang makapasok ako, hinanap ko agad ang cellphone ko at tinawagan si Blaine. Ilang  segundo lang ang itinagal at sumagot na siya.


                             "Hello baks? Napatawag ka?" tanong niya agad sa kabilang linya.


                             "Ano, aalis kasi kami ni Sir Josh. Itatanong ko lang sana kung gusto niyo ba sumama? Pwede naman daw." aya ko sa kanya.


                             "Ay sorry baks. Hindi kami makakasama. Papunta na kami ngayon sa cafe ni Sir Joseph.May trabaho kasi kami ngayon diba?" napasimangot agad ako sa sinabi niya. Oo nga pala. Andun pa din sila. Kung hindi lang ako inalis dun ni Sir Max, edi sana kasama pa ako nila Blaine.


                            "Oo nga pala. Sige ingat na lang kayo mga teh. Babush!" pagkababa ko ng tawag, naghanap agad ako ng susuotin kong damit sa pagalis namin ni Sir. Simpleng pink shirt lang at maong short hanggang tuhod ko. Nagsuot lang ako ng rubber shoes. Pak! Ang ganda ko talaga. Kahit gusto ko pa magpaganda wag na lang kasi may nag hihintay sakin sa baba.


                               "Kakain po muna ba kayo dito Sir?" tanong ko kay Sir nang makababa ako. Nasa may dulo na kasi siya ng hagdan, naghihintay. Nasa likod niya si mudra.


                              "Nope. Nagsabi na ako sa mama mo na sa labas na lang tayo kakain." sagot niya. "Ganun po ba? Edi go na tayo Sir. Tara na! Bye mudra. See ya later" paalam ko kay mudra ko at hinatak na si Sir palabas. Narinig ko lang siyang tumawa pero hindi siya pumalag. Sumigaw lang din si mudra ng 'Ingat kayo'. Nang makalabas kami sinalubong agad kami ng motor ni Sir. Yung bigbike!! Oh my goshhh!!!


                            "Ditey tayo Sir sasakay?" gulat ko sa kanyang tanong.


                              "Yup. Ayaw mo ba? It's not that dangerous." tanong niya sakin at naglakad palapit sa big bike niya.


                              "Pooo?? Hindi po ah. Bet ko siya Sir. Ano ka po ba? Ang ganda kaya. Gora na tayo Sir!" inabot niya sakin ang helmet kaya sinuot ko yun. Sinuot niya na din ang helmet niya at naunang sumakay. Inistart niya muna ang bike bago ako sumakay.


                            "Hold tight Douglas." humawak ako sa may T-shirt niya. BTW naka black t-shirt lang siya at isang jagger. Para siyang dancer HAHAHA. Pero ang pogi niya. Shhh! Di ako traydor kay Sir Max. Siya pa din ang crush ko no Loyal ako dun.

                   

                         "Not there Douglas...." hinawakan niya ang kamay ko at hinila yun para mayakap ko siya. "Here. Hold tight there." omyy! May abs siya!!! Ilan kaya 'to? 6? 8? or 4? pft! Imposible ang 4. baka 6 or 8.


                        "Here we goo!!" pagakasabi niya nun umandar ng mabilis ang bike kaya....


                      "AAAAAHHHHHH!!!"


Sino bang hindi mapapasigaw?! Letse ang bilis niya magpatakboooo!!! Humigpit ang hawak ko sa kanya. Medyo nakayuko siya kaya napayuko din ako.

Bachelor Series # 1: Hello, Mr. GayWhere stories live. Discover now