NASAAN ako? Parang ngayon lang ako napadpad sa lugar na ito. Puting buhangin? Ang may white sand lang naman dito sa pilipinas ay Boracay. Pero kung nasa Boracay ako, bakit ganito? Walang tao at puro puno, hindi rin gaano kalawak ang lupa dito hindi tulad ng sa Boracay.
Nag patuloy ako sa pag lalakad, inilibot ang mga mata pero kahit ni isang tao ay wala akong matanaw.
"Hello! May tao ba rito?!" sigaw ko. Para akong nasa kawalan, nag iisa at walang kasama. Pasalampak akong napo sa buhangin at napabuntong hininga.
"Nasaan ba ako? Ang huling pagkakatanda ko ay natutulog lang naman ako, hindi ko alam kung paano ako napadpad sa lugar na ito," Ani ko sa sarili habang nag lalaro ng puting buhangin. Gusto ko lang naman matulog ng mahimbing pero bakit ganito? Bakit at Paano ako napadpad sa lugar na ito? Hays. Paano ba ako makakauwi? Eh, parang mukhang sobrang layo ng lugar na 'to sa bahay namin.
Habang nag iisip ako ng paraan kung paano maka-alis sa lugar na ito at maka-uwi sa bahay namin ay may natanaw ako sa hindi kalayuan. Parang dalawang tao yata yung nag-lalakad? Jusko! Akala ko ako lang ang taong naririto sa lugar na ito!
Dali-Dali akong tumayo't tumakbo para puntahan ang nakita ko,
"Miss!" sigaw ko habang tumatakbo palapit dito. "Miss! Miss!" hindi ba nila ako naririnig? Ang lakas na ng boses ko pero bakit walang lumilingon n isa sa kanila?
Habol-hininga ako nang tumigil ang dalawang paa ko sa pag takbo, at nag lakad na lamang ako patungo sa hinintuan ng dalawa.
"Miss, kanina pa kita ako sumisigaw per-" natigil ako sa pag sasalita nang may makita akong dugo. Wtf? A real blood?
"Greg, huwag mo hayaan na ang talukap ng iyong mga mata ay tuluyan bumaba. Huwag na Huwag, Greg!" ani ng babae. Gusto ko malaman kung ano ang nangyari, and at the same time ay tulungan na rin sila kahit wala akong alam na pwedeng makatulong sa kanila.
Nanlamig ang buong katawan ko ng makita ng dalawang mata ko kung paano tumagos ang kamay ko nang subukan kong hawakan ang babae sa kaniyang braso. Dahan-dahan akong napa-atras at mulling napaupo sa lupa.
"B-Bakit.. Bakit t-tumagos lang y-yung k-ka-kamay ko.." Nasaan ba talaga ako? Ano ba itong lugar na napuntahan ko? Bakit? Bakit ba ako naririto? Kaya ba siguro hindi sila lumilingon no'ng sumisigaw ako? Hindi nila ako nakikita, maski ang marinig ako wala.
Takot, takot ang nararamdaman ko. Takot ang siyang bumabalot sa akin ngayon. Takot ang siyang mas nangingibabaw sa akin ngayon. Maraming katanungan nasa isipan ko na gusto kong mabigyan ng kasagutan pero paano? Paano mabibigyan ng sagot kung walang nakakarinig at pansin sa akin? Paano..
Paano ako makakabalik sa amin? Gusto ko na umuwi, ayaw ko na rito..
"Lo siento, Devina. Te quiero mucho, mi amor."
Author's NOTE: So ayun, wala lang. Sana magustuhan niyo lang. Enjoy reading!
- BLU_WAVE
YOU ARE READING
Te Quiero Mucho, Mi Amor.
RandomSa hindi inaasahan na oras at panahon, Ako ay na hulog sa taong hindi ko inaasahan na makikilala. Ito ba'y aking ipaglalaban kahit hindi dapat? o lumayo na lamang upang ang sarili puso ay aking maingatan.