Epilogue

1 0 0
                                    

Sa kabilugan ng buwan. Tumatakbo ang isang babae sa isang masukal na gubat. May hawak siyang balot na balot ng tela animoy parang isang laruan pero isang napakagandang batang babae. Isang kapapanganak pa lamang na sanggol, isang prinsesa ng isang kahariang sinasakop ng mga masasamang uri. May humahabol sa kanilang mga anino mga hindi ordinaryong mga anino. Merong anino ng mga hayop, tao at iba pang hindi mo maipaliwanag na itsura.

Tumakbo ng tumakbo ang babae hindi alintana ang mga sanga na humahampas sa kanya matakasan lamang ang mga humahabol sa kanila mailigtas lamang ang sanggol. Nababalutan ng liwanang ang paligid wari moy itinatahak ng buwan ang daan sa kanya.

Hingal na hingal na ito at pagod na pagod. Wari ay tulog na tulog din ang sanggol na nasa ilalim ng majika. Iniisip ng babae kung paanong maliligtas ng prinsesa ngunit hindi niya nakita ang isang bangin na kanilang masasalubong. Napatigil agad ang babae at nagulat. Tumingin siya sa ibaba kita niya ang matatayog na mga puno siguradong bali-bali ang kanyang mga buto at hindi sila maliligtas oras na mahulog sila ng prinsesa.

"Hindi! Hindi ito maaari! Patawarin mo ako mahal na reyna ako ay mabibigo sa pagliligtas ng prinsesa."

Nagsimulang umiyak ang babae habang yakap yakap ang tulog na sanggol. Nagulat siya ng maabutan siya ng mga anino. Kakilakilabot ang kanilang mga itsura nababalutan ng itim na usok ang kanilang mga katawan, matatalas ang mga pangil at mapupulang mga mata.

"Alipin ibigay mo na sa amin ang prinsesa wag ka magaalala hindi namin siya sasaktan." Sabi ng aninong lalaki sa napakalaking boses.

" Hindi! Kahit akoy patayin niyo hindi niyo makukuha ang prinsesa sakin! Pinatay niyo ng lahat ng tao sa kaharian maging ang aking pamilya, baka ang mahal na hari at ang reyna! Hindi ako papayag na mapasakamay niyo ang mahal na prinsesa!" Sigaw ng babae.

" Tsk Tsk Kung ganun parehas ko na lang kayong papatayin! Mamatay ka! " Tumakbo pasugod ang aninong lalaki.

Gulat at dahil sa takot napahakbang palikod ang babae na hindi niya namalayan wala na syang matatapakan. Unti unti nilamon ng malakas na hangin ang katawan ng babae habang siya ay nalalaglag sa bangin. Yakap pa rin ang natutulog na sanggol.

Iligtas niyo kami! Tulong! Ang tangi na lamang niyang dasal. Pikit rin ang kanyang mga mata at handa nang damhin ang sakit ng kanilang pagbagsak ngunit isang malaking ibon ang siyang sumalo at nagligtas sa kanila. Pero huli na nang sila ay makaangat, iniyakap ng ibon ang kanyang pakpak sa babae sumadsad sa mga sanga at katawan ng puno ang kanilang katawan hanggang sa bumagsak sila sa lupa.

Sa katahimikan ng gabi nakarinig na lamang sila ng palahaw ng umiiyak na sanggol. Ang ibon ay naganyong tao, ang babae ay duguan sa sangang nakatarak sa kanyang baba ng dibdib, at ang batang prinsesa na may konting galos at duguang damit dahil sa babae.

"Tu-tulungan m-mo kam-i", ang sabi ng babae.

Malalim ang tingin ng lalaki sa sanggol at unti unti niya itong kinuha sa bisig ng babae tumigil ito sa pagiyak at pinagmasdan maigi. Bilugang mga asul na mata, maliit pero matangos na ilong at mamulang mga labi. Namangha ang lalaki sa mata ng sanggol at nagulat siya ng maging itim naman ang mga mata nito. Ngumiti ito sa kanya.

Napakagandang bata. Isip isip ng lalaki.

"I-ilayo m-mo si-siya dit-dito siya p-prin-se-sa l-luna" naghihingalong sambit ng babae.

" Ha-h ah" nawalan na ng buhay ang babae at tuluyang naging abo.

Itinali ng lalaki ang sanggol sa kanyang katawan at naging lobo. Tumakbo siya ng mabilis at itinago ang kanyang amoy para hindi sila masundan ng mga anino.

Ligtas na ang prinsesa at ilalayo sa mundong winasak ng kasamaan ngunit magbabalik siya at babawiin ang kanyang kaharian. Siya ba ang magliligtas ng sanlibutan o wawasak sa lahat ?

Sa kabilang banda...

"Hanapin nyo ang prinsesa at wag na wag kayog babalik hanggat wala kayong katawan na tangan!" Sabi ng aninong lalaki sa kanyang mga alagad.

"Kailangan nating makasiguro na patay na ito at maibalita sa kamahalan! Bilisan niyo hanggat hindi pa sila nakakatakas!"

Nagbalik ang aninong lalaki sa nasisirang palasyo. Nagkakagulo pa rin at lalo siyang nagalit nang marinig ang pinagkakaguluhan nila.

"Pinunong Hashim! Nakatakas ang hari at reyna!!"

"Mga inutil! Bakit niyo hinayaan makatakas!" Nagsiyuko ang mga alagad na anino at parang mga maaamong tupa dahil sa takot.

" Mga hangal!" Galit na galit ang kanilang Pinuno at winasiwas ang kamay nawala nang parang bula ang mga alagad. Tumingin siya sa nasusunog na palasyo ng may galit sa mga mata.

Hahanapin namin kayong lahat at papatayin hindi kayo nararapat na mabuhay kami ang maghahari sa sanlibutan. Uubusin ang inyong lahi at nang hindi mangyari ang itinakda. Sagabal kayo sa lahat ng aming hangarin. Nararapat lamang na kayo ay mapunta sa ilalim ng lupa kung saan kayo nababagay.

Tumalikod na ang lalaki pumasok sa madilim na gubat at naglaho. Kagaya rin ng kanyang mga alagad umatras na ito at hinayaan ang nasusunog na palasyo.

*********
Nagustuhan nyo ba? Hehehehe
Sobra talaga akong hinihigop ng aking imahinasyon sa pantasya. At talaga namang lagi kong napapanaginipan ito.

Patawarin nyo ako kung ititigil ko na ang pagsusulat sa Voiceless dahil wala na akong maisip na mga plot at scenarios huhuhu.

Sana maraming makaappreciate nito. Sobrang inspired ako sa mga nabasa kong story ni @wittywinty. Sa tagal ko ng readers talagang gustong gusto ko yung tapang ng mga female lead niya at humahanga ako. Kaya sana magustuhan nyo rin itong story ko!

Thank you po.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Curse of the Moon: Maribelle LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon