THREESOME"Three psychopath handsome boys will make your life miserable"
-
Prologue
Masayang naglalakad pauwi ang dise otso anyos na si Luis, suot niya ang bagong airpods na binili ng kaniyang ina habang pinapakinggan ang paborito niyang kanta ni Avril Lavigne na When I'm gone. Mahina niyang sinasabayan ang kanta habang nakangiting nakatingin sa kaniyang nilalakaran.
Ngunit naagaw ang atensyon niya nang mapansin ang isang sasakyan ang huminto sa kaniyang tabi. Nagtataka niyang hinubad ang airpods niyang suot at huminto sa paglakad.
Bumaba ang bintana ng sasakyan at bumungad sa kaniya ang isang gwapong binata. Singkit ang mata nito at may kakapalan ang kilay. Mayroon itong benda sa kaliwang sintido, ngumiti ito sa kaniya at dumungaw sa bintana dahilan para tuluyan niyang masilayan ang gwapong mukha nito.
"Alam mo ba ang address na ito?"nakangiti nitong tanong sa kaniya at inabot ang isang maliit na papel. Nang basahin niya ang nakasulat ay ang pangalan ng kabilang street ng bahay na kaniyang tinitirhan. Ngumiti siya pabalik sa binata at tumango.
"Oo, actually yung street kung saan yung bahay ko ay kasunod ay ang street na ito. Daretso lang kayo tapos may makikita kayong karatula tapos daretsuhin niyo yun at kanan yun na ang street na ito."nakangiti niyang pagpapaliwanag at napakamot naman sa noo ang gwapong binatang kausap niya.
"Ayaw mo bang sumabay na lang sa amin tutal madadaanan din naman namin ang street niyo?"nahihiya nitong tanong sa kaniya at nagkibit balikat na lamang si Luis.
"Sure para naman hindi na ako maglakad"natatawa niyang ani at ngumisi naman ang lalaki. Pinagbuksan siya nito ng pinto at ganun na lang ang gulat niya ng makita ang isang lalaking tahimik na nakatutulog habang may suot na headphone.
"Sorry, kasama ko pala ang kaibigan ko"nakangisi nitong sabi at napakamot na lang si Luis sa kaniyang noo. Wala na siyang nagawa kundi umupo na lang tabi ng kaibigan ng gwapong binata. Nang masara nito ang pinto ng kotse ay sumakay din ito sa driver set. Inilock nito ang mga pinto ng kotse at muling isinindi ang makina ng sasakyan.
Binuksan nito ang radio ng sasakyan at tumugtog ang kanta ni Avril Lavigne na When I'm gone na kanina lamang ay kaniya niyang pinapakinggan. Tahimik na lamang siyang humarap sa bintana at pinagmasdan ang daan.
Mayamaya ay nakaramdam siya ng pangangati ng ilong kaya naman pasekreto niya itong kinamot. Habang pinupunasan niya ang kaniyang ilong ay napansin niyang iba ang tinatahak na daan ng gwapong binata.
Nagiging masukal at mapuno ang dinadaanan nito at ganun na lang ang gulat niya nang makaramdam siya ng pagkahilo.
"Sa-saan mo ako da-dalhin? Ughh!"nahihirapan niyang tanong habang hawak ang kaniyang ulo. Sinilip niya ang lalaki sa salamin at malademonyo itong ngumisi sa kaniya. Pilit niyang binubuksan ang pinto pero naalala niya na inilock nga pala ito ng lalaki. "Buksan mo ang pinto!"nahihirapan man ngunit naisigaw niya ang mga salitang iyon pero halos manuyo ang lalamunan niya sa takot at kaba at napadaretso siya ng upo ng maramdaman niyang may humawak sa kaniyang kamay.
"Shhh... Sleep now our new toy!"nakangising sabi nang lalaking katabi niya na kanina lamang ay natutulog sa kaniyang tabi. Pinitik nito ang kaniyang noo at unti-unting bumabagsak ang talukap ng kaniyang mga mata.
"Welcome to hell our toy!"rinig niyang sabi nang dalawang lalaking hindi niya kilala bago siya mawalan ng malay.
To be continued...
BINABASA MO ANG
THREESOME
Mystery / ThrillerThree pyschopath handsome boys will make your life miserable.