part 1

38 0 0
                                    

Hey, nababantayan mo ba ng mabuti ang alaga mo? Tanong niya sa isang babaeng nakaupo habang tinatanaw ang lalaking kanyang ginagabayan.

Ano ka ba naman Rey! Bakit ka naman nanggugulat?! Pag ako nahulog dito sige ka!! Pagalit niyang sigaw sa lalaking nanggulat sa kanya.

HAHAHA hindi kita ginulat, sadyang magugulatin kalang hindi mo ba nararamdaman ang presensya ko? Masyado ka kaseng tutok diyan sa binabantayan mo eh! Saad niya pa at tatawa tawang nakiupo na din sa gilid ng dalaga.

Tsaka ano ka ba? Kahit naman mahulog ka dito hindi ka naman mamatay kase hindi ka tao!.

Che! Kahit na no! Ikaw kaya itulak ko dito? Try mo kung masakit? Sabay tingin sa baba na halos kasing taas ng 10th floor ang building na kanilang kinauupuan.

Tsaka kailangan kong bantayan tong mokong na to, kambal ata neto ang kaguluhan e. Sagot niya at tinignan ang lalaking nakatambay sa isang ilalim ng puno.

HAHAHA ewan ko sayo, Aspirin pag igihan mo ang pag babantay ha? Mauuna na ako at nasa kaguluhan nanaman ang binabantayan ko pftth. Sabay tayo at pinagpagan ang kanyang damit.

Oo na! Alis shoo!! At tsaka hindi aspirin ang pangalan ko ! ZEMIRA. ZEMIRA ASPER ! Okey ? Gusto mo spell ko pa ha?

Napailing iling naman ang lalaki at tumalikod na habang nagdadaldal parin si Zemira.

Natigilan naman si Zemira ng makitang wala na syang kasama.

Anak ng!! Nilayasan ako!

Inis na sigaw niya. Napatingin siya sa iilang palapag na katapat ng building na kanyang kinauupuan. Mga taong nagtatawanan, nagiiyakan at kumakain habang nakikipag kwentuhan.

Ano kayang pakiramdam ng maging tao?

Ayyy nako nako!! Hindi ano ka ba naman Zemira! Hindi mo ba nakikita? Magulo maging tao! Puro gulo , away tsaka , tsaka mamamatay din! Waksi niya sa tanong na binigyan niya din ng kasagutan.

Nababaliw na ata ako! Ano bayan.

Napatingin naman siya sa bandang baba ng may nakitang nag kukumpulang mga tao.Agad siyang bumaba na sa isang pagpitik lamang ng kanyang daliri ay nakapunta na siya sa pwesto ng mga tao.

Nakita niyang may nag aaway sa gitna at madaming tao ang nakapaligid na hindi manlang magawang awatin, kundi nagpupustahan pa kung sino ang mananalo sa dalawang nag aaway.

Napailing naman sya sa kanyang nakita.

Mga tao talaga! Akmang aalis na siya ng biglang umilaw ang kanyang kwintas na hudyat na nasangkot nanaman ang kanyang binabantayan sa isang gulo. Agad niyang pinitik ang mga kamay at napunta sa lalaking nakikipag suntukan.

Nasan na ba ang guardian ng isang to? Tanong niya sa sarili .

Aaarhggg!! Nakakainis naman tong lalaking to! Lagi nalang nasa gulo!! Rinig niyang sigaw sa kanyang gilid kung kaya't napatitig siya dito.

Napatingin din sa kanya ang babae at nanlalaking matang napatingin sa kanya.

Nakikita moko?! Hala? Tao na ba ako? Nako!!! Nako hindi pwede to!!!! Natatarantang sigaw niya pa.

Napatingil naman sa pag sigaw ang babaeng natataranda at napatingin ito kay Zemira. "Ikaw ba ang guardian ng isang yan?" Napa "huh" naman ang babae.

Ang sabi ko ikaw ba ang guradian nya?? Sabay turo sa lalaking nakikipagsuntukan.

Oo!! Teka?? Katulad din ba kita? Hindi ako tao? Nako mabuti naman ayoko na maging tao ulit! Jusko!! Sagot nya na ikinalaki ng mata ni Zemira.

Naging tao ka?!!! Gulat niyang tanong sa babaeng kaharap niya. Tila nagulat naman ang kausap niya dahil sa pagsigaw at naging reaction neto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fallen AngelWhere stories live. Discover now