Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng pumaradang sasakyan sa garahe. Bumangon ako para tingnan kung sino ang dumating. Tiningnan ko ang orasan sa bedside table ko. Alas-dos na nang madaling araw.
"Si Jester lang siguro 'yon." sa isip-isip ko. Si Jester ang asawa ko, kasal na kami at tatlong taon na ang nakalilipas. Lumabas ako sa kwarto upang salubungin siya.
"Manong paki-akyat na lang sa kwarto ko ang mga 'yan." narinig kong inutusan niya ang guard naming si Manong Roman.
"opo, Sir." sagot ni Manong Roman.
"Saan ka galing? Alas-dos na nang madaling araw, nagyon ka lang umuwi?" walang kaemo-emosyong tanong ko sa kanya.
"Pakialam mo? Wala kang pake kung anong oras ko gustong umuwi." sagot niya sa akin. Amoy na amoy ko ang hininga niya na amoy alak.
"May pake ako kasi asawa mo ako." sabi ko sa kanya pero hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa mukha ko.
"Asawa lang kita kaya wala kang karapatang kwestiyunin ang mga ginagawa ko." sigaw niya sa akin habang dinuduro-duro ako.
"Iyon na nga eh, asawa mo ako kaya may pake at karapatan ako, pero ni minsan hindi ko naman naramdaman na asawa ang turing mo sa akin." ganting sigaw ko sa kanya at pinahid ang mga luhang umaagos sa aking pisngi.
"Oo asawa kita, pero ito tandaan mo. Sa papel lang kita asawa. Simula nung hinayaan mong mawala ang anak natin tinanggal ko na ang karapatan mo bilang asawa ko." sigaw niya at padabog na umakyat sa kwarto niiya. Napaupo ako sa sahig at doon humagulgol. Kung pwede ko lang ibalik ang kahapon para hindi na umabot pa sa ganito.
*Flashback*
"Sana hindi na alng ako pumayag na sumama dito." reklamo ko kay Joanna.
"Bakit naman? Andito na tayo." sabi niya.
"Kasi naman eh. Hindi ko kailangan ng date na tinatawag na 'yan." sabi ko sa kanya.
"Si kuya naman ang ka-date mo kaya okay lang 'yon." nakangiting sabi niya.
"Oo na. Basta siguraduhin mo lang na matino 'yang kuya mo ha." pagbabanta ko sa kanya. Kinidatan niya lang ako at pumunta na kami sa cottage nila.
"Carl, asan si kuya?" tanong ni Joanna sa isang lalaki.
"Nasa labas pa. May kinuha sa sasakyan niya." sagot nung Carl. Umupo kami sa bakanteng upuan. Hindi nagtagal dumating na rin ang kuya niya.
"Kuya, may ipapakilala ako sayo." sabi ni Joanna sa kuya niya.
"Sino na naman? Hindi ka pa ba nagsasawa kakabigay sa'kin ng ka-date?" kunot-noong tanong ng kuya niya. Hindi pinansin ni Jo ang tanong ng kuya niya.
"Nga pala guys, si Criz. Crizannie Leus. Criz, meet Carl Andres and Louisa Carlos, Arvin Lastimosa and Sharina Santillan, and of course Julian Garcia my boyfriend and lastly my handsome kuya, Jester Andrade." nakangiting pagpapakilala niya. Ngumiti lang ang mga lalaki pero ang mga babae ang sama ng tingin. Ramdam kong ayaw nila sa akin. Inirapan pa ko nung Sharina.
"Hi. Nice to meet you all." nahihiyang sabi ko. Ngumiti lang sila bilang sagot. Agad na lumapit sa akin si Jester.
"Huwag mo nang pansinin 'yang dalawang babae. Wow. Sa dinami-daming babae ang binibigay ni Jo sa akin, ikaw ang pinaka-nagustuhan ko." nakangising sabi ni Jester.
"Aba, kuya huwag mong isama sa collection mo ang bestfriend ko." singit ni Joanna.
"Huwag kang mag-aalala bunso, iingatan ko 'tong bestfriend mo." sabi niya.
"Akala mo lang mabait 'yan. Peperahan ka lang din niyan katulad ng iba mong naikama dati." inis na sabi ni Sharina at inirapan ulit ako. Hindi ako umiimik baka makasapak lang ako.
"Hindi ganyan ang bestfriend ko. BAka ikaw ganyan kaya kung makapagsalita ka alam na alam mo ang lahat." sabi ni Jo a kanya at inirapan din siya. Tumahimik naman si Sharina.
"Masanay ka na, ganyan lang talaga sila kapag may bagong kakilala." sabi ni Jester at kumindat. Namula ako, matagal ko na kasing crush si Jester.
"A-ah. Sige, hindi lang kasi ako sanay." nahihiyang sabi ko at yumuko.
"Best hindi bagay sayo ang magpaka-dalagang Pilipina." bulong sa akin ni Joanna. Sinamaan ko siya nang tingin kaya tumawa lang siya.
"Isang banat mo pa at pepektusan na kita." sabi ko sa kanya.
"Sabi ko nga mananahimik na ko. Teka lang, dahan-dahanin mo lang si Kuya, huwag mong biglain." nakangising sabi niya.
"Gaga, ano namang kabastusan ang nasa isip mo?" pabulong kong tanong sa kanya.
"Alam mo na 'yon. Huwag kang mag-alala at tutulungan kita para maka-iskor kay kuya mamaya." sabi niya at kumindta pa.
"Kahit kelan talaga napaka mo. Mamaya marinig ka pa ng kuya mo, nakakahiya." sabi ko kanya at pinandilatan siya ng mata. Tumawa lang siya.
"Wala sa vocabs mo ang salitang hiya kaya huwag kang pa-virgin dyan." sabi niya at humagalpak ng tawa. Umatake na naman ang pagka-abnormal niya.
"Tara na. Simulan na natin ang kasiyahan." sigaw ni Julian. Pumunta kami sa bar at doon nagpatuloy sa pag-kwentuhan. Umorder sila ng hard na alak. Buti na lang at sanay akong uminom. Sa alak at yosi lang naman umiikot ang buhay ko maliban sa pagmamanage ng Restaurant namin. Inilibot ko ang paningin ko at iba't-ibang senaryo ang nakikita ko. Merong naghahalikan sa dance floor, sa gilid at kung saan-saan, mero ding nagmemake-out. Hindi ako nandidiri dahil sanay na akong makakita ng gantoing eksena.
"Criz dancer ka 'di ba? Sample naman dyan. May pole sa gitna oh." nakangising sabi ni Joanna, Pinanlakihan ko siya ng mata pero pinipilit nila akong umakyat kaya wala akong nagawa. Bigalang nag-iba ang tugtog. Mula sa rock naging slow na ito na medyo nang-aakit. Narinig ko ang hiyawan ng mga kalalakihan. Sinimulan ko nang igalaw ang aking balakang pababa ng pababa at sinasabayan ko ang ritmo ng tugtog. Umakyat bigla si Jester sa stage at sinabayan ako sa pagsayaw. Nilagay niya ang mga kamay ko sa balikat niya at dinikit ang katawan ko sa kanya.
"You look so damn sexy while doing that." bulong niya sa akin. Halatang nagpipigil sa nararamdaman niya.
"Of course I am. Ito ang mundo ko kaya sanay na ako." sabi ko naman. Mas lalo pa niyang in ilapit sa akin ang kanyang katawan at gumiling giling ako. Napapapikit siya dahil sa ginagawa ko.
"Shit. Hindi ko na mapigilan." sabi niya at hinatak ako pababa ng stage.
"Hey. San tayo pupunta?" sigaw ko dahil sobrang lakas ng tugtog.
"Sa langit. " nakangising sagot niya. Isisnakay niya ako sa kotse niya at dumiretso sa hotel. Kinakabahan ako kasi alam ko na kung ano ang mangyayari.
BINABASA MO ANG
I'm Not The Only One
RomanceSPG po ito.Open minded lang ang dapat magbasa nito Kaya mawalang galang na,kung ayaw mo nito huwag ka na lang magbasa. Aryt?