Falling Game...
Tawag sa larong diko alam kung pano laruin.
Larong pag-ibig.Larong nagbigay daan upang makilala pa kita ng tuluyan.
Laro kung saan papasukin mo ang isang pekeng relasyon.Naaalala ko, na dahil sa larong iyon ay nakilala kita.
Laro kung saan, kahit peke na relasyon ay minahal parin kita.Naalala ko ang mga rason kung bakit ka sumali sa larong iyon.
Mga rason na diko aakalain magiging sanhi upang masaktan ako.Relasyon na diko pinapangarap.
Pekeng relasyon na kung saan laro lang ang lahat.Masakit pero anong magagawa ko?
Dun kita minahal, pero dun din ako nasaktan."Clyde, Mahal na yata kita"
saad ko habang nakatingin sakaniya ng seryoso.kitang-kita ko ang pagkabigla niya pero kalaunan ay nawala.
"Leigh, Alam kong Alam mo na may mahal akong iba"
mahinang saad niya dahilan para mapaiwas ako ng tingin.Bakit ganun? kung kelan mahal na yata kita?
"Ano ka ba! joke lang yun, masyado ka namang seryoso"
pagbibiro ko saka tumawa ng pilit kahit unting unti na akong nadudurog.Bakit? Bakit kailangan kong magsinungaling para lang mapanatili kita sa tabi ko?
"Nga pala Clyde, Kelan daw ang deadline ng laro?"
tanong ko habang nakatitig sakaniya.Bakit? Bakit ako nakakaramdam ng sakit sa tuwing naaalala kong laro lang ang lahat?
"Next week na daw, Malapit nang matapos ang laro!"
Kitang kita ko ang saya sayong mata habang sinasabi mo sakin yan habang ako ay durog na durog na.Next week? isang linggo nalang pala ang natitira upang makasama pa kita mahal ko.
"Ohh Leigh? Hindi kaba masaya?May problema ba?"
tanong nito sakin pero ngumiti lang ako saka tumango.Meron Clyde, Problema ko ang nararamdaman ko.
"Bat ganyan reaksiyon mo? Ohh baka nafall kana sakin ahh"
Biro nito saka tumawa at pinagpatuloy ang pagkain."Di ahh"
ouch. Bakit ansakit? Ansakit ideny na nahulog nako sayo. Na mahal na kita."When this game is done...will we still meet?"
i ask that made him stop and think for a couple of minutes.Mali ba ang desisyon na sumali ako?
Mali ba na dahil sa larong toh, nakilala kita?Masakit. Masakit na sa isip palang na Ang larong ito ang tatapos ng lahat.
Pero wala nang ikakasakit pa noong sinabi mong..."Hindi na. We won't meet again."
He said and stand up while looking at his phone and leave without saying goodbye."goodbye."
i whispered while looking his back.Mahal kita pero di pwede.
Mahal kita pero dapat kong itigil ito.
Mahal kita, sana alam mo.
Mahal kita...pero para sayo. Laro lang toh."Masaya ka naman, siguro diba?"
saad ko habang nakatingin sa papalayong bulto ng lalake.Agad kong binayaran ang kinain namin pero sabi ng cashier ay nabayaran na daw kaya pinabayaan ko nalang.
Habang naglalakad ako papalayo ng restaurant na pinagkainan namin ay biglang nag ring ang cellphone ko kaya naman agad ko itong sinagot.
"hello?"
[bes. quit the game. now]
"huh? bakit?"
[bumalik na siya.]
sa sinabi palang ng kaibigan ko ay feeling ko nabuhusan ako ng malamig na tubig at natuod sa pwesto.
"s-sure k-ka ba?"
nanginginig na ang boses ko habang palingon lingon sa paligid na sana diko nalang ginawa.
Dahil ang minamahal ko ay masayang nakikipag usap sa babaeng matagal na niyang hinihintay.
"Sabi ko sayo, magquit kana pero dika nakinig"
rinig ko ng isang boses na pamilyar sakin. Si avi. Ang kaibigan ko.
"A-avi..."
saad ko habang nagbabadyang tumulo na ang luha ko.
"tara na."
saad niya saka ako hinila palayo sa lugar na yun.Saglit muna akong lumingon sa kinaroroonan ni Clyde.
Kitang-kita ko kung pano mawala ang masayang reaction nito at napalitan ng gulat."Tara na"
saad ni Aeren saka ako hinila palayo sa lugar, kitang kita ko ang kagustuhan sa mga mata ni Clyde na habulin kami pero nandoon ang pagdadalawang isip.
Nang makaalis kami ay agad kaming dumiretso pauwi saka pumasok sa kwarto ko.
"Leigh..."
rinig kong tawag ng mga kaibigan ko..."B-bakit ganun? N-nagmahal l-lang naman ako ahh."
hagulhol ko saka yinakap ang nga tuhod ko.agad naman nila akong nilapitan saka ako yinakap upang kumalma.
"Next week na ang deadline ng laro... siguro kailangan ko nalang hintayin na matapos toh"
seryosong saad ko kaya Naman nagkatinginan sila.
"pagkatapos ng laro, ano na ang gagawin mo?"
tanong ni Luna kaya naman napatingin ako sakaniya saka umiwas ng tingin.
"uuwi muna ako sa Probinsiya, doon ko na muna ipagpapatuloy ang pag aaral ko"
saad ko kaya naman napatango sila saka ulit nagkatinginan na animo'y nag uusap gamit ang mga mata nila.
"Sasama kami."
saad ni Dianne dahilan upang magulat ako.
"p-pero---"
"Wala nang pero pero jan, basta sasama kami sa pupuntahan mo, kung doon ka mag aaral, doon din kami"
saad ni Azura dahilan para mapangiti ako at tumango.
Siguro oras na para harapin ang katotohanan na di talaga tayo para sa isa't isa.
Oras na para tanggapin na, hanggang dun nalang tayo.
Sana masaya ka mahal ko, sapagkat nakabalik na ang babaeng dati mong minahal na hanggang ngayon ay mahal mo pa.
Iiwan na muna kita,mahal. Babalik din ako sa tamang oras, at sa oras na yun sana ay wala na akong nararamdaman para sayo.
