TAEHYUNG'S POV
Wala sa sariling nakagat ko ang pang ibabang labi habang nakatitig kay Jungkook sa harap ko.
Bumalik kami sa hotel na tinutuluyan namin. Dumaan ako sa lobby ng hotel na parang walang nangyari habang hindi ko alam kung saan dumaan si Jungkook na nang mga oras na yun ay nasa anyong lobo pa rin niya.
Nakita ko nalang siyang nauna na sa kwarto na pinagsasaluhang naming dalawa at nakasuot na ng puting roba.
Hindi nagtagal ay humahangos na pumunta sa amin ang tatlo niya pang kasamahan.
Galit na galit si Jungkook sa akin at niraratrat ako ng sermon habang tila wala sa sariling nakatitig lang ako sa kanya.
"Buti at nakaya mo silang talunin kahit nag iisa ka lang, Jungkook. Kung hindi, paniguradong nasa mga kamay na nila ngayun ang Omega." Naiiling na wika ng lalaking nagngangalang Jackson.
"Luckily, his wound is not that deep. Kundi magiging malaking problema to." Dagdag pa ni Eun Woo na siyang gumamot sa sugat na natamo ko.
Tanging isang malakas na singhal lang ang naging sagot sa kanila ni Jungkook saka gigil na sinuklay ang itim na itim na buhok.
"Look, we're very sorry kung hindi agad kami nakapunta sayo. Hindi naman namin alam na tatakas ang Omega." Depense naman ni Mark.
"Kahit na! Lahat ng mga posibleng mangyari dapat inisip niyo na. Paano kung may masamang nangyari sa kanya?!"-Jungkook
"Hindi naman sinasadyang makatulog nang....."-Eun Woo
"Makatulog ng napakahimbing?! At hindi niyo man lang nahalatang wala na ang amoy ng Omega sa buong building?!"-Jungkook
Naitakip ko ang dalawang kamay sa magkabilang tenga sa sobrang lakas ng boses niya.
Napayuko na lang ang tatlo na halatang takot sila ngayun sa gwapong nilalang na nasa harap ko.
"Anong sasabihin natin sa lahat ng naghihintay sa atin sa pag uwi?! Na nang dahil sa kapabayaan natin ay muntik nang manganib ang buhay ng Prinsipeng Omega?! Hindi niyo ba naiisip kung ano ang mangyayari kung sakaling nakuha siya ng mga Dark Rogues?! Ilang beses ko nang inulit kanina na hindi magandang ideyang magpahinga tayo sa hotel na to! Pero hindi kayo nakikinig!"-Jungkook
Galit na galit nga.
Tangina.
Kasalanan ko nga talaga.
Pasalampak na isinandig nito ang likod sa kinauupuang sofa saka sunud sunod na nagpakawala ng mga buntong hininga na tila kinakalma niya ang sa sarili.
Nakagat ko na naman ang pang ibabang labi habang nakatitig sa kanya.
Shit.
Ang hot talaga niya.
Bakas ang pawis sa noo niya habang bahagyang nakabukas sa dibdib na parte ang puting robang suot niya.
Paniguradong wala rin itong suot na kahit na ano sa loob.
Dahilan para kulang nalang magtulo ang laway ko ngayun sa harap nila.
Bawat kilos niya.
Bawal salitang lumalabas sa bibig niya.
Isama mo pa ang magaganda niyang mga mata.
Naaakit talaga ako, punyeta.
Natatakam ako.
Tila siya isang masarap na putaheng gustung gusto kong tikman.
Potek, mapapalipbite ka nalang talaga nang wala sa oras eh.
BINABASA MO ANG
He's my Luna
FanfictionLiving in two different worlds but bound to meet each other because destiny says so. A dominant male pure blood alpha destined to a beautiful male omega who's not aware of the existence of the other world. "You're a brat." Jungkook said sternly. "Th...