CHAPTER 4
“Go Trigger! Wuuuu!” sigaw ni Jeuliette nang tinawag ni Reid ang pangalan ni Trigger at umakyat ang huli sa stage.
“Go Jigger! Weeee!” sigaw naman ni Nova nang ang fiancé naman nito ang umakyat sa stage.
Sunod-sunod na rin ang mga cheer ng mga asawa nang mga Stallion boys kaya nakisali na rin siya.Para silang mga loka-loka. Makisali nga!
“Go Yuu! Waaaa!” sigaw niya nang ang mga new members na ang tinawag. Napahiya tuloy siya dahil hindi pa naman si Yuu ang tinawag ni Reid pero sumigaw na siya. Tumingin ang lahat ng mga members sa kanya pati na rin si Yuu. Of course, nakakatakot na tingin ang binigay nito sa kanya. Parang nagsasabing “You’ll be doomed forever!”
“What? Advance lang ang cheer ko pero cheer pa rin yun, noh!” sigaw ulit niya at ngayon tumawa na ang mga members at tinukso-tukso si Yuu. Palusot, bow!
“Puñeta! Na-link ang beauty mo sa batong si Yuu? Ang brave ng heart mo, girl. Kung ako yan, naglumpasay na ako sa takot sa harap ng monster na iyan.” Untag sa kanya ni Zia. Kai, the notorious playboy’s wife.
“Uhmm. Oo parang ganoon na rin.” Ngumiti siya dito.
“Uh-oh! Patay ka, Carglen. Mukhang nasali ka na sa to-kill list ni Yuu.”Natatawang komento ni Polly. “Wag kang mag-alala. Ganyan din iyong Cloud honey konoonpero lalambot din ang mga buto ni Yuu kapag gagamitin mo ang charm mo tulad ng ginawa ko kay Cloudnoon. Bisitahin mo lang ako sa Picka-picka store ko kapag gusto mo nang pikutin si Yuu, the hot monster.” Kumindat pa ito sa kanya kaya ngumiti siya dito.
“Wag kang maniwala kay Polly, Carglen. Nagpapalakas lang yan’ para bumili ka sa Picka-picka niya. Kung dito ka sa akin magpapaturo, free lahat. Saka nangangain din ng tao ang Rozen konoonkaya hindi malayo ang love status ninyo ni Yuu sa love status namin ni Rozen baby konoon.” Ngumisi pa siAdaat binelatan si Polly.
“Hindi ako nagpapalakas noh! Ikaw kaya, gusto mo lang magpafeeling close dahil malapit na ang eleksyon. Ha-ha! Huli kaAda!”
“Hoy, wala akong sinasabing ganyan, noh!” diin niAda. “Pero, si Rozen baby ko naman ang iboboto mo di ba?” Ngumiti na naman ito nang nakakaloka sa kanya.
“Sabi na nga ba!” Nag-tsk sound pa si Polly.
“O, si Yuu na susunod na tatawagin, Carglen. Magspeech ka na, dali!” Hinila pa siya ni Diosa palayo sa dalawang bruha.
“Diosa naman, eh! Hindi pa kami tapos sa paglilinis ng intensyon namin sa ligalig na—” Hindi na niya narinig pa ang sumunod na litanya ni Ada dahil itinuon na niya ang atensiyon kay Yuu na nasa stage na.
“Go Yuu, baby! Ahlabyu! Kaya mo yan! Wooo! Weee! Waaa!” sigaw siya nang sigaw pero natigilan siya nang tiningnan na naman siya ni Yuu ng masama. Kaya ngumiti siya dito. “Go Yuu!”
GABI na nang natapos ang induction at may celebration na nagaganap sa Riders Verandah kaya punong-puno na ng mga Stallion boys ang restaurant. Hinanap niya si Yuu pero hindi niya ito nakita kaya tinanong niya ang Kuya niya. Kasalukuyang nakikipaglambingan ito sa asawa nito. Kararating lang nito, hindi na rin ito nakasali sa induction kanina.
“Kuya, mang-iistorbo lang ako sandali ha? Nakita mo ba si Yuu?”
“Hindi mo talaga titigilan ang ligalig na lalaking iyon ha? Anyway, ang galingng cheer mo kanina sis! You really hit it off, ngayon mananagot ka kay Yuu. Patay kang bata ka.” Pang-iinis nito.
Tumawa si Arianne. “I guess nagustuhan ni Yuu ang speech mo kanina, sis law.” Iyon ang tawag sa kanya ni Arianne. ‘Sis law’ parang sisiw lang.
“You think?” Ngumisi siya.Sananagustuhan nga ni Yuu. Mabuti nga at may
magandang dilag na nagcheer dito kaysa naman wala.
“Oo, nagalit nga eh, kaya nagustuhan no’n ang cheer mo.” Tumawa ulit ito at nakisabay naman ang kuya niya.
“I know. Ang galing ko noh? Anyway, nakita n’yo ba ang sinisinta ko o hindi?”
May tinuro ang kuya niya at doon, nakita niya ang prince charming niya na nakaupo sa isa sa mga table doon sa labas kasama ang Japanese rock star na nakita niya kanina.
“Uy! Sabi ko na nga ba at nandiyan ka lang sinta ko. Naramdaman ko ang pintig ng puso mo kaya alam kong nasa malapit ka lang.” Sambit niya habang papalapit siya dito saka humagikgik.
Bago pa siya makalapit, may isang babaeng umupo sa tabi ni Yuu. She tried flirting with him but Yuu gave the flirty scumbag a scary look kaya dali-dali itong umalis. Napangiti siya. Loyal talaga sa kanya ang sinta niya.Yeha!
Umupo siya sa isa pang upuan na nasa tabi ni Yuu.Hindi ako uupo sa upuang inupuan ng pangit na bruhang ‘yun noh! Malas na yun dahil inupuan na niya.
Nakita niyang nagsalubong nag mga kilay ni Yuu kaya bago pa man ito makapagsalita, inunahan na niya ito.
“Hi Yuu! Did you like my cheer earlier? Ang daming naiingit no’n ha? Tumingin pa nga silang lahat sa iyo. Ang galing ko di ba?” Binigyan na naman niya ito ng signature smile niya.
“Hindi ko iyon nagustuhan. Alam mo bang nakakahiya yong ginawa mo? All attention was on me and it was intimidating.”
Hindi man lang siya natakot dito kahit parang gusto na nitong itapon siya sa bangin. Ganoon siguro ang pag-ibig.
Bago pa siya makasagot, may biglang tumili sa likuran niya at muntik na siyang mabingi.
“Ruki! Andyan ka lang pala. Muntik na akong mag-alala dahil hindi kita nakita pagkatapos ng induction,” Lumipat ang tingin nito sa kanya at ngumiti. “Uy! Ikaw yong babaeng nagcheer kay Yuu kanina di ba? Ang galing ng cheer mo nahiya na tuloy akong magcheer kay Ruki kaya tumahimik na lang ako. Grabe ang galing—“ Hindi nito natapos ang sasabihin dahil hinila na ito palayo ni Ruki.Sayang! Gusto ko pa sanang i-compliment, eh! Hmp!
“Gomen nasai, Yuu-kun. Todo mare masen. Shuppatsu shi-masu.”Sabi ni Ruki kay Yuu bago nito tiningnan ng masama ang cute na babaeng irog nito.
“Sore wa shitte-imasu. Sakini oide.”Sagot naman ni Yuu.Naman! Bakit ko ba kasi tinanggihan ang offer ni Mommy na pag-aralin ako ng Japanese. Di ko tuloy maintindihan ang sinasabi ng sinta ko.
“As for you, woman,shizuka ni!” sigaw ni Japanese Rockstar sa babae.
“Ano? Sorry ha, hindi kita maintindihan eh, so magsalita ka naman nang lengguwahe na naiintindihan ng tainga ko.” Tumingin ang babae sa kanya at ngumiti uli. “Hello ulit. I’m Chi by the way, Ruki’s fiancé.” Hinila ulit ito ni Ruki palayo. “Sige, ciao!”
At nawala na sila.Yosh! Moment na namin ni Yuu ito! Wohoo!
Oo, moment nasana nila kung hindi lang tumayo si Yuu at naglakad palayo.
Hay! Pa-hard to get pa ang drama ng mokong, o!
BINABASA MO ANG
Yuu Fernandez Shirota (PHR Stallion Series)
RomanceI wrote this manuscript because i was damn addicted to PHR's Stallion Series and also because i am crazy about this Japanish guy Yuu Shirota <3 Hope you guys will support and love this book :) xoxo