Sorry ngayon lang ulit nakapag-update.
----------------------------------------------------------
Kinabukasan, syempre pumasok nanaman ako. Kailangan sipagan eh kakabalik lang ng school.
1 week kaming walang klase. Oh diba? Feeling freshman lang kahit sophomore na, bago kasi yung curriculum sa school namin. Dynamin Leraning Program ang tawag o DLP. Dito mas madaming activities at mas maunti na ang gagamiting gamit, yung ibang subject hindi na kailangan ng notebooks. Yan tuwang-tuwa ang mga tamad magdala. Hahaha. So eto na back to the story.
Recess time, nasa loob ako ng room nakikipag-usap sa mga bago kong kaklase. Nang biglang may narinig akong tumawag sakin mula sa labas ng room
Ralph: Lyn,.......
Ako: Ano? (lumabas ako ng room, hindi ko kasi naintindihan yung sinabi kaya nilapitan ko siya at tinanung kung anong sinabi niya)
Ako: Ano ulit yung sinabi mo?
Ken: Nacucute-tan daw sayo si Christian :)
Syempre ako, wala lang parang ngumiti lang ako. Wala naman kasi akong gusto sa kanya eh. Sa totoo lang parang nagulat lang ako na nacucute-tan sakin, kasi ang alam ko may gusto siya dun sa kaibigan ko. Pero ewan ko din. Tas bumalik na ako sa room.
MY POV
Oh yes natapos na din ang first week ng pasukan. Ayos naman. Kaso mas gusto ko yung mga kaklase ko nung first year. Ang iingay kasi, hahaha. Pero sa tinginko naman may makakasundo din ako sa mga yan kahit papano :))
Weekend nanaman.. As usual Bukas computer open Facebook at Twitter.
Open notifications. Christian and others likes your photo.
Christian commented on your photo:
Absolutely, C U T E :">
May iba pa namang nagcomment kaya lang yun yung nangibabaw kasi puro babae naman yung iba tsaka kaclose ko na, eh siya parang kahit friends kami sa Facebook sa personal kahit ngitian wala.
Tapos sunud-sunod na yung conversation, kasi nagchat na rin siya sakin.
Hi Lyn
Hello :)
And so on,, ang dami kasi kahit isang araw lang
Eto yung summary ng chat:
Sabi lang niya ang cute ko. Madami pang etc. tapos tinanung ko kung sino crush niya, tas ang sabi niya ako daw. Eh unfair naman daw kung hindi ko sasabihin kung sino yung akin kaya sinabi ko. sabi ko si Carl.
Then nagulat ako biglang may nagchat ulit
Celine messaged you:
Edi kakaba-kaba na ako. Siya kasi yung Ex ni Christian na ang alam ko may gusto pa din kay Christian, pero nung tinanung ko naman wala na daw siyang gusto kay Celine
I think Christian is inlove...
with you
Luhhh. Kinabahan ako . Baka kasi magalit sakin , kais nga may gusto nga siya dun pero nung tinanung ko sabi naman niya may iba na daw siyang gusto. Ayy ang gulo.
Tas nagchat ulit si Christian
Wait lang ah. Out muna ako saglit.
Sige :)
After niya mag-out syempre nag-ol ulit. Wait nga lang diba? Hahaah. Biglang may lumabas sa notifications ko na CHRISTIAN POSTED ON YOUR WALL
Tas nung tingnan ko isang album, tas puro picture niya. Nung tiningnan ko sa mga pictures may pangalan ako. For short ginawan ako ng FANSIGN.
After nun, nakatext ko siya. Pero wala pa talaga akong gusto sa kanya kasi nga may iba kaong gusto. Pero sa mga sinasabi niya parang kinikilig ako. Ewan ko ba, kaya napaamin ako na may gusto na din ako sa kanya.
After nun, di ko na pinapansin si Carl, then parang nalaman niya na may gusto na ako kay Kervin. After nun, nabalitaan ko nakita daw ni Carl si Christian, tapos sinabihan na layuan daw ako. Pero wala lang siyang ginawa. Oh diba goodboy :) Hahaha.
Pero nakakaguilty -____- feeling ko kasi pinaasa ko lang siya, pero ayos lang for the better naman eh friend ko pa din naman.
