Makakapasok ako sa UP. Makakapasok ako sa UP. 'Yan ang panata ko sarili ko. Hindi naman ako katalinuhan, ni hindi rin naman ako kagandahan o kayamanan. Pero malakas pa rin ang paniniwala kong makakapasok nga 'ko sa pinakatanyag at pinagprestihiyosong unibersidad sa ating bansa.
Pero pagkuha ko ng UPCAT results: FAILED.
Ano 'to JOKE?
"Sobra ka kasi kung mag-expect. Oh ano? Ayan, nakapasa ka nga." Pangangantiyaw ni Mama. Parang gusto kong tumambling at ilaglag ang sarili ko sa pinakailalim ng lupa, magpalibing ng buhay, o di kaya'y magtago sa mundo. Ano ba kasing nangyari at bumagsak ako?
Una, nag-aral naman ako. Nagpaenroll pa ako sa isang review center 'dun sa Katipunan. Pangalawa, hindi naman ako kinulang ng dasal. Gabi-gabi, hindi nauudlot iyang UP na yan sa panalangin ko. At pangatlo, hindi naman kahirapan ang test. Halos mga basics lang naman ang kinover nila. Tama, as in super sisiw lang talaga. Eh, anong nangyari saken at tila hindi ako pinakinggan ng Langit?
"Baka hindi ka lang pumasa sa quota. Haller! Fierce ang competition diyan sa UP men. Hindi sila basta basta tumatanggap ng estudyante." Wika ni Alma, ang kaisa-isang bespren ko sa buong klase ng Fourth Year- St. Mark. Kung ano mang hindi kaaya-ayang pangyayari ang sumalanta sa akin, siya na ang pinakauna kong takbuhan. You know, she's like my P.A. —personal adviser. "Hindi pa naman end of the world, day. Try and try until you succeed! Ganon lang talaga ang buhay."
Pero sa pagkakataong ito, parang ang hirap i-absorb yung advise niya sa akin. GRRRR. "Hindi mo talaga ako ma-gets, men. Alam mo yung feeling na ilang buwan kang nag-aral for that stupid UPCAT, nagsayang ng Php8,000 para makapag-enroll sa isang review center, at bumili ng sangkatutak na mga dambuhalang textbooks para lang imaster yang lecheng Advanced Math at English tapos... Tapos... ," Ayan na, patulo na 'yung luha ko. Super pigil naman aketch. "Tapos... Tsook!! Biglang mawawala lahat, parang bula."
Sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang natawa si Alma. Oo, alam ko, siguro mukha na talaga akong paranoid at overreacting at wala na sa lugar at sobrang manang sa kakaiyak ng parang eng-eng dahil nga bumagsak ako. Feeling ko tuloy mukha akong tanga. Tinatawanan ng bespren mo habang nagsesenti sa loob ng magulong klasrum namin dahil absent si Maam Leny. "I'm sorry, men. Well, baka nga UP isn't really for you. You have to consider other options. Besides, pwede ka pa namang mag-apply ulit sa UP once na nagsecond year (college) ka na. Pwede pa."
Again, hindi pa rin ako kumbinsido. "Eh, ano pa bang magandang school? UST?"
"Pwede din, alam ko mas madaling makapasok sa UST."
"Mahal naman dun! Ah basta!" Dabog ko sa aking arm chair. "Mas maganda pa rin talaga yung...UP."
Lumapit samin si Mark. Pansin ko, matagal na talaga niyang fashion statement ang pagsasalamin, na bagay naman sa kanyang desenteng mukha. Siya lang naman ang tinaguriang Mr. Chinito at Science Nerd dito sa St. Mark, dahil sa mala-Koreanong kutis, height, at mukha niya...at siyempre, dahil sa kanyang pagkahalimaw sa Physics at Chemistry subjects namin kahit noon pa. "Uy, musta yung results ng UPCAT mo?"
Nagtinginan kami ni Alma. "Anong sasabihin ko?" Bulong ko sa kanya. Ngumiti lang si Alma, sabay biglang titig kay Mark na matiyagang nag-aantay sa tila napakabagal naming reaksyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/3530241-288-k260ead.jpg)