Chapter 1

262 3 0
                                    

"Oo ma, wait! Late na ako eh! Naghihintay na si Gabo sa labas" kulit kasi nito ni mama tinawagan pa ako dahil kinukulit akong dumaan daw ako sa bahay ng amo nya at may ibibigay daw sya sakin. Jusko siguro binalot nanaman nya yung natirang handa sa birthday ng anak na sutil ng amo nya.

"Oo na ma, saglit lang. Manonood ako ng laro nila gab e" so, no choice! Dadaanan muna namin ni gab

"Sige ma bye! Love you!" Sabay takbo ko papuntang gate, eh pano ba naman isang oras na ata naghihintay tong lalaking 'to.

"Huy Gabo!" Magugulatin talaga ang loko! Di ako magkandamayaw kakatawa e

"Aba ayos ka ah! Naghintay na nga ako ng halos isang oras tapos tatawanan mo pa ako ng ganyan!" Sabay batok sakin. Walanghiya talaga 'to, kung makabatok parang di ako babae e.

"Wag ka ng magalit papa gab alabyu" panggagaya ko sa mga nagkakagusto sa kanya. Mga pabebe ew

"Itigil mo nga yan kadiri!" Sabay tulak sakin

"Sabi pala ni mama daan muna daw tayo kila Zacarias" sabi ko habang sinasara ko yung gate namin.

"Ha? Eh anong oras na eh? Baka ma-late ako sa game" sabi ng loko sabay kamot sa batok.

Pero sa huli wala rin naman syang nagawa, ito kami ngayon sa tapat ng bahay ni zac.

"Ma!!! Tao po?!" Tagal talaga lumabas ng mga tao dito, palibhasa malaki ang bahay. Nakakailang pindot na kami ng doorbell e.

"Oh bakit ka nandito?" Nagulat ako sa nagbukas ng pinto, ay aba si walanghiyang zacarias lang pala!!!

"Si mama, pakitawag naman please" sabi ko sa maayos na tono kasi naman nanlilisik na yung mata ng katabi ko. Magkaaway lang naman kasi sila ni gabo. Bakit? Dahil kay Ruby. Yes! Dahil sa babae. Tsk

"Hoy! Dolores! Tawag ka ng anak mo" aba gago to ah bastos! At muntik na pala syang sugurin ng katabi ko buti nalang nahatak ko. 

"Oh zac! Salamat! Oh anak ito oh, pinabalot samin yung mga tirang foods dito kila zac" sabay abot sa akin ni mama ng supot.

"Ma, wag kang papayag na binabastos ka ng walanghiyang zac na yan kami nga di namin ginagawa sayo yun e. Una na kami ma, salamat dito" sabay halik sa pisngi ni mama.

Napilitan si mama na magtrabaho din dito sa kaibigan nya ayaw nga pumayag ni tita nung una e, pero nagpumilit si mama. Kulang din kasi yung pinapadala ni papa kahit na nagiisang anak ako. Stay in dito sa bahay nila zac si mama every weekends lang sya umuuwi sa bahay, si papa naman nasa Dubai, ofw. So ako lang talaga natitira sa bahay dahil only child ako.

"Oo sige anak. Pagpasensyahan mo na yang si zac. Love you" sabay halik sa akin ni mama sa pisngi at nagpaalam na.


Something Just Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon