Her Death💀 wish

10 6 0
                                    

WARNING ⚠️: CONTAINS INAPPROPRIATE  LANGUAGES


Tama na!

Tama na!

Wag please......

Please maawa  kayo!

Maawa  kayo!

Paulit ulit lang na mga salita ang maririnig mo.

Babaeng tumatangis,nagmamakaawa

Nilabas niya ang buong lakas upang sumigaw ng sumigaw para humingi ng tulong

Nagsasayang lang sya ng lakas.

Walang makakarinig sakanya tanging siya lamang at mga taong kumuha sakanya ang makakasaksi nang kanyang paghihirap at huling hininga.

Ano ba ang ginawa ko sainyo!!!

Muling sigaw ng babae tinawanan lang siya at tska sinabing

Saamin wala pero yung nag utos nito!

Malaking malaki!
Ngingisi ngising sabat naman nung isa

Magkano?!  Umiiyak habang sinasabi niya ito
Pero tinawanan lang ulit siya ng mga ito

Sabihin niyo sakin!! Magkano!! Pinilit niyang maging matapang pero pinangungunahan parin siya ng takot

Takot na ito na ang katapusan niya.

Na dito nalang matatapos ang buhay niya

Sa kabilang banda ay dumating na ang siyang may pakana ng lahat ng ito

Unti unti siyang lumapit sa babaeng nakagapos at puros sugat gawa ng latigo

Yumuko siya upang bumulong

Hindi pera ang pang bayad sa utang ng pamilya niyo!!!

Walang kasing halaga ang utang niyo saamin!

Kahit na nanginginig na siya sa takot ay nagawa niya paring sagutin iyon

Ano! Ano ang kasalanan namin ! Sabihin mo! Sabihin mo!

Humalakhak naman itong lalaki na para bang isang biro ang kanyang narinig.

HAHAHA! HAHAHA! HAHAHA! Atat na atat kanaman ata!?  HAHAHA!  Dibale HAHA diko na patatagalin ang iyong pananabik na malaman ang dahilan!! Tawagin mona lahat ng santo para maligtas ka dito!! HAHA kalahating oras!!
Kalahating oras !
Kalahating oras wala kana dito sa mundo

Hayop ka!! Sigaw niya sa pagitan ng pag iyak

Hayop ka! Wala kaming ginagawang masama!
Pakawalan niyo ako!!
Pakawalan niyo ako hanggat maaga pa!

Gabi na miss HAHAHA!! pamimilosopo sakanya ng isang tauhan

Pakawalan nyo na ako please lang! Sumusukong sabi niya pagod na siya sa pag sigaw pagod na pagod na siya,kung kaya niya tumakas sa mga ito ay kanina pa wala dito.

Pakakawalan na kita! Nakangiti ngunit mababatid mo ang pagkasarkastiko nito!!

Nabubuhayang nag angat siya ng tingin sa mga ito kahit na alam niyang may piring ang mga mata at hindi makikita

Ngunit agad ding nag laho ang kanyang pag asa ng magsalita muli ito

Pakakawalan kita oras na wala ka ng hininga!!!
Tapusin na yan! siguraduhin niyong hindi na muli masisikatan nang araw ang hayop na yan

Lalong tumindi ang pagiyak niya.

Ikaw ang hayop!!! Ikaw!! ikawwww!!!!!!

BANG* BANG* BANG*

Hindi lang isa , hindi lang dalawa kundi tatlong bala ang tumama sakanyang katawan

Sa mga oras na iyong putok lang nang baril ang maririnig mo....parang huminto ang mundo

Nararamdaman niya ang kirot,naghalo halo ang emosyon  niya

Sa mga oras na iyon siya nalang nagiisa iniwan na siya ng mga demonyong gumawa nun sakanya

Nakapiring parin siya at unti unting binabawian ng hininga........

CE---CELINE yan ang huling salitang iniwan niya sa mundo......

Abangan ang mga susunod pang kabanata!!!

Tysm☺️☺️❤️❤️!!

Don't forget to share and vote!!

Hope you all wait for my ud........

Love you all 😘❤️!!!!!!!!!

HOW DARE YOUWhere stories live. Discover now