BUOD

4.4K 58 1
                                    

 Ako si Dexter S. Macasalanan,25 taong gulang sa kasulukuyan.Matangkad,matangos ang ilong,maputi ang mga balat at marami na ang nagsabi na kung naging tunay lang daw ako na lalaki ay marahil marami ang magkakandarapa sa akin para maging nobyo,o di kaya maraming mga derektor ang mag-aagawan sa akin para maging artista.

Subalit kuntento nako sa pagiging anak mahirap at simpling pamumuhay sa kabundukan dahil batid kong nalalayo ako sa problema.

Noong nagbubuntis pa lamang ang aking ina,ayon sa kanya ay maraming beses na niyang sinubukan na ipalaglag ako dahil ako ang kanyang sininisi kung bakit hindi niya nakamit ang maging isang ganap na artista dahil likas na maganda rin yung aking ina noong kanyang kapanahunan at nagkaroon siya ng maraming mga manliligaw kaya lang sa kano siga nagpapaloko kaya heto ako ngayon na produkto ng kanilang isang gabing pasarapan.

Nang isilang niya ako sa mundong ito ay sa akin niya ibinunton ang galit sa aking kanong ama na nagpaasa lamang sa kanya ng wala.Madalas niya akong pinagbubuhatan ng kamay ,pinapalo at pinapagalitan ng walang dahilan.

Isang madaling araw ay mahimbing na mahimbing na natutulog si Dexter kaya nagkaroon ng pagkakataon ang kanyang ina para siya ay layasan sa kanilang munting bahay kubo sa kabundukan.

Iyak ng iyak sa Dexter nang mga panahon na iyon subalit tinatatagan niya ang kanyang sarili upang siya ay mabuhay ng mag isa.Nagtanim siya ng maraming kamoteng kahoy sa kanilang malawak na lupain at iyon ang bumuhay sa kanya.

Lumipas pa maraming taon ay napalago ni Dexter ang pagtanim ng mga kamoteng kahoy nang mag isa na kanyang ibinibinta sa bayan na siyang bumubuhay sa kanya sa pang araw araw niyang pamumuhay.

Nang siya ay sumapit na sa 15 taong gulang ay nakasanayan na niyang mamuhay sa munting bahay kubo sa kabundukan nang mag isa.Hindi naglaon ay isang lupon ng mga matipunong sundalo ang napadako sa kinatitirikan ng munting bahay kubo ni Dexter kaya ang nasabing gwapong kanang kamay ni Leutinant Gabriel Magpaubia ay nagbigay paalam sa may kinaukulan para sana kausapin ng kanilang pinuno.

"Tao po!tao poh....may tao po ba dyan sa loob ng bahay kubo?",ang desenting pagtawag ni Marco sa may ari ng bahay kubo.Ilang saglit lang ay napagising ako sa aking pagkakaidlip dulot ng ingay na aking naririnig sa ibaba kaya akoy ay agad na bumangon upang usisain kung sino ang mga iyon.

"Ano po ba ang maipaglilingkod ko sa iyo mga ginoo? ",ang tanong ko sa kanila na may himig kalamyaan habang nagpupungas ng aking mga mata.

Biglang nagtawanan ang mga gwapo at matipunong sundalo ng marinig nila ang aking boses."Ay sayang!gwapo pa naman pero Darna naman pala",ang pang uuyam ng isa sa mga sundalo na nakitawa sa pangkat.  

"Gwapo ka sana at masarap pero ang pangit naman ng ugali",nasabi ko na lamang sa aking sarili dahil bawal akong mag astang maldita sa kanilang lahat dahil bawat isa sa kanila ay may daladalang mga baril at baka mabaril pa ako pag nagkataon.

"Wala namang ganyanan mga pre,eh tayo na nga itong nakikiusap sa may ari ng lupang ating titirikan ng ating kampo tapos tayo pa itong bastos,wala namang ganyanan mga pre",ang wika ng napakagwapong sundalo na sa tansya ko ay nasa 20 plus pataas.

"Hahahaha...asusssssss!ang sabihin mo Brenan eh mahilig ka lang talaga magpasubo ng mga bakla kaya ka ganyan makitungo sa serinang iyan",ang bastos na wika ng isa na namang napakagwapong sundalo na may taglay na pangit na ugali sa kanyang kasamahan.

      

Ang Ulilang Lubos na Si Dexter kapiling Ang napakatisoy na binatang tagabukidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon