Masaya ng masaya ako kasi naging kasintahan ko sa wakas ang minimithi Kong lalaki buong buhay ko. Mula elementary hanggang high school kami ngayon eh sya pa din ang ultimate na tinatangi ng puso ko. 3rd year high na kami ngayon. Yun nga lang di kami magkaklase kasi nasa section 1 sya ako naman sa section 2. Pero hindi hadlang sa amin ang magkaiba ang room dahil after class namin magkasama kami, halos di na nga kami mag hiwalay eh. Mahal na mahal ko talaga si Zapper. Sa kanya ko talaga iaalay ang buo ang puso at kaluluwa ko.
Nandito kami ngayon sa canteen naglalunch,kasi lunchbreak namin ngayon. Hawak ko ang kamay nya habang kumakain kami. Halos ayaw ko ng mahiwalay sa kanya Kung pwede lang.
Sa harap naman namin nandito yung childhood friend nya na si Charry. Di ko alam Kung ayaw nya ba sa akin o gusto ba nya ba ako para sa kaibigan nya. Madalas kasi nahuhuli ko syang iniismiran ako Lalo kapag nakatalikod si Zapper. Pero kapag magka harap naman kami, animo'y anghel sya na bumaba sa langit , dahil sobrang bait nya at di makabasag pinggan.
Hina hayaan ko na lang sya, wala naman akong pakialam sa kanya basta ang maalaga sa akin ay si Zapper. Yun lang. Two weeks na kaming mag on ni Zapper. So far smooth naman ang relasyon namin. Di ko alam na super sweet nya Pala. Kaya di talaga ako nagkakamaling sya ang hangaan ko mula ng elementary kami. Magka-schoolmate kasi kami ever since I remember.
Love, say ahhh. Nagulat ako bigla na lang may umumang na kutsara sa harap ng mukha ko. Haist. Masyado at ang malalim ang iniisip ko. Sinusubuan ako ng aking great love Zapper. Di ba ang sweet nya? Mainggit kayo. Hahaha
Ayie, ang sweet nyo naman,sabi ng kaibigan Kong pinaglihi Ata sa cctv lahat kasi nakikita nya kahit busy sya sa selpon nya. Sya nga Pala si Wacky, Wella for short daw. Maganda daw kasi sya,kaya lang di ko makita. Hahaha. Magandang nagkatawan na lalaki kasi si Wella.
Inggit ka lang gurl kasi wala kang jowa. Manahimik ka nga Jan. Ani ko Kay Wella. At hinarap ang love of my life at si ubo ang pagkain na binibigay nya. Thank you love, I love you, Sabi ko sabay halik sa pisngi nya. Sobrang hulog na hulog na ako Kay Zapper, mahal na mahal ko sya kasi sobrang sweet nya sa akin.
Love, mamaya Pala hindi kita maihahatid huh, may lakad kasi ang team ko mamaya. Pupunta kami sa. Sports complex para sa Zone Meet natin. Ganun ba love? OK lang sabay na lang ako Kay Wella pauwi mamaya. Ingat ka dun love huh, wag kang mambababae. Ani ko sa mahal ko.Ikaw talaga love, wala pa nga akong ginagawa nagseselos kana. Opo, hindi po ako mambababae, peksman. I love you. Sagot ni Zapper.
Isa nga Pala sa mga sports ni Zapper ay Sepak takraw. Alam nyo Yung Bola na gawa sa parang yantok. Tapos sipa ang gamit sa pag laro dun para makascore Kung hindi mahuhuli agad ng kabilang side na kalaban ang Bola. Basta ganun Yung laro. Hirap explain eh. Hehehe. Isa sya sa captain ng sport na Yun Kaya busy din talaga sya pero hindi sya nawawalan ng oras para sa akin. Hay hindi ko talaga lubos maisip na magiging kasintahan ko sya, kasi dati pangarap ko lang sya eh. Ngayon,akin na sya. Possessive ako sa kanya, ayaw ko na may ibang babae na lagi lumalapit sa kanya, except na lang Kay Charry kasi mag bestfriend sila eh. OK lng sa akin Yun, basta wala lang silang gawin na ika kasama ng loob ko.
After ng klase nila Zapper at Zandra, nagpaalam na lang ang lalaki sa kanya bago sila nag hiwalay. Nauna nang umuwi si Zandra at Wella.
Si Zapper naman ay kasama pa rin si Charry.
Babe, please kapag nasa harap ko kayo wag ka naman masyadong sweet Kay Zandra, nakakapagselos eh. Gusto ko na syang sabunutan,ani ni Charry.
YOU ARE READING
One More Chance
RomancePaano ba malalaman Kung handa ka ng magbigay ng Isa pang pagkakataon Kung minsan ka nang nasaktan at niloko? Tatanggapin mo pa kaya sya? Magtitiwala ka pa rin ba sa kanya? Tunghayan natin ang kwento ni Zandra at Zapper. Magkatuluyan Kaya sila sa hul...