Chapter 1

5 1 0
                                    

"Naku, Runt, mag i-eight na pala!"

"So?"

Umirap siya kay Runt. Mabilis niyang niligpit ang kanyang mga gamit at dilaw na duffel bag sa ibabaw ng lawn table na di kalayuan sa mga see-saw, swing, at padulasa na nasa isang bahaging Park.

"Alam mo namang papagalitam ako ni Mommy kapag ginabi sa pag-uwi Runt," aniya. "At kapag pinagalitan ako ni Mommy, isang buong linggo niya akong kukulitin."

Tumingin sakanya nang matalim si Runt. Pagkuwa'y inis na tumayo mula sa kinauupuan.

"Claudette, Friday ngayon," sabi nitong wari'y pinahahaba lang ang pasensya. "Wala tayong pasok bukas... ngayon lang tayo namasyal nitong linggong to.. at palagay ko'y di pa tayo nakaka one hour dito."

Humawak si Claudette sa braso ni Runt at tiningala ang guwapong mukha nito. "Eh kasi naman, ang traffic mula España hanggang Quezon Avenue, eh. Naubos ang oras natin sa biyahe. Bumalik nalang ulit tayo rito sa Monday. Sorry."

"Gigimik tayo sa Jaloux sa Monday."
"Ay oo nga pala. O sige . . . Tuesday pumunta tayi ulit rito."

Bumuntung hininga si Runt. Pabugnot. Pero ng tumingin sa kanyang hugis pusong mukha, ngumiti ito.

"Clau. . ."

"Yes."

"Okay ka rin talaga."

Napakunot siya ng noo. "How?"

"You are not the same ng dalawa kong naunang girlfriend, May self-discipline ka. You respect your Mommy and i know desidido kang matapos ng studies mo. Clau masuwerte na rin ako dahil ako ang pinili mong maging boyfriend."

Inalis niya ang pagkakahawak sa isang braso ni Runt. Napayuko siya. Gusto niyang mapailing.

Mali si Runt, naisip niya. Kulang pa rin siya sa self-discipline.
Second year pa lang siya sa Ramon Magsaysay High ay may boyfriend na ito. At ito'y lingid sa kaalaman ng kanyang Mommy at Daddy. Nasaan ang self-discipline?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We Found love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon