PATH TWENTY-ONE

17 4 0
                                    

A/N: Sorry guys kung natagalan ako sa update, nasiraan kasi ako ng phone and super busy sa acads, so ayun, thankyou for supporting me, happy reading galaxies! Iloveyouall!

Ang mga mata ng nyebe at apoy...

Muli ko na namang nasilayan, makalipas ang ilang taon, muli ko itong natunghayan.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang muli kong makita ang mga matang iyon, tila naglalaban ang lamig at init sa buong paligid naming dalawa, para kaming nagkokompitensiya, walang gustong mag patalo balot na balot ito ng itim na aura, samahan mo pa ng mga itim na kasuotan niya mula ulo hanggang paa, tanging ang mga mata lamang niya ang walang harang at iyon lang ang nakikita ko.

Ang mga mata na balot na balot ng nyebe, na nilalabanan ng mga mata kong balot na balot ng nagbabagang apoy. Puno ng tensyon ang paligid, puno ng katanungan ang isip.

"Bakit muli siyang nagbalik?"

"Anong pakay niya?"

"Bumalik na ba siya ng tuluyan?"

Umabot kami ng limang minuto sa ganoong sitwasyon, pawang may enerhiyang nag-uudyok sa akin na talunin siya pababa, ngunit...

"Xian? Malalim na ang gabi, tara na." tila literal akong napatalon nang madinig ko ang boses ni Zean sa aking likuran.

Namumuro na 'tong lalaki na 'to, maka-bingo 'to, savage sa akin 'to.

"What the hell Zean Gozma?!" I panickly shouted. At nasabi ko pa nga ang buo nitong pangalan!

Mabilis kong kinabig ang aking bibig nang bumalik ako sa wisyo, napalakas ang sigaw ko at mabuti na lang at walang mga bata na natutulog dito sa taas, dahil lahat sila ay nasa ibaba malapit sa mga madre.

Napakamot na lang ito sa kaniyang batok at nagsalita. "Sorry, kanina pa kasi kita hinihintay roon sa loob, ang tagal mo kaya hinanap na kita." he explained.

Tumango lang ako sa kaniya, at muli akong lumingon sa baba ng teresa, ngunit wala na siya, hindi na siya magawang makita ng mga nagliliyab kong mga mata.

"Hanggang ngayon mabilis pa rin pala siyang kumilos." bulong ko sa sarili ko, sabay ngisi sa kawalan.

Nanatili pa akong nakatitig ng ilang minuto roon, umaasang baka lumitaw siyang muli. Umaasang matanaw ko siyang muli. Umaasang magtagpo muli ang aming mga mata.

Ilang saglit lamang iyon ngunit nawala na siya kaagad, malawak ang hardin sa ibaba nitong teresa, at mahirap mag hanap ng tataguan, mukhang nahasa ng maigi ang talento niyang ito nang mawala siya sa amin. Noon pa man ay mabilis na talagang kumilos ang kakambal ko.

Kapwa kaming may angking kagalingan sa iba't ibang bagay, ngunit masasabi ko na kapwa lang din kaming malakas sa magkaibang larangan lamang.

Lumapit ako sa sementong harang ng teresa at ipinatong ang dalawa kong kamay at tinanaw na namang muli ang malawak na hardin sa ibaba.

*FLASHBACK*

"Xian, habulin mo ako!" tinig iyon ng aking kakambal.

"Sige ba, 'yun lang pala e!" pumayag ako dahil nakasanayan na naming dalawa 'to.

Ito ang paborito naming laro, ang maghabulan.

"Taya!" natatawa kong sambit nang maabutan ko siya.

THE PATH FINDING THE CURE (On-going) Where stories live. Discover now