CHAPTER 1

18 0 0
                                    

This story is fictional. The author's imagination makes the scenarios you will read soon. The places, events, people, and dates mentioned are also imaginary. 

_______________________________________



Earlier 1987

Taile's

Halos magdadalawang oras na akong naka tayo sa sinasakyan kong bus. Paano ba naman, sobrang traffic ngayon at rush hour. At isa pa, monday ngayon. Mabuti na lang at alas dose pa ang unang subject ko. Isa akong 1st year college sa isang unibersidad sa Manila. Sa katunayan, ako ay isang BS Psychology student. Hindi ko talaga gusto 'yan kursong 'yan pero wala rin naman kasi akong gustong kurso at sabi ng aking lola, ayan raw ang kaniyang dream course nung kabataan niya pero syempre, dala ng kahirapan, elementarya lang ang kanilang natapos.

May kaya naman ang pamilya ko, parehas na business owner ang mama at papa ko. Hindi nga lang ako sa kanila nakatira. Nakatira ako sa bahay ng lolo't lola ko. Ayoko rin naman makitira sa bahay ng mama ko dahil may sarili na siyang pamilya, ganun rin ang papa ko. Parehas naman nilang sustentado ang pag-aaral ko. Nag aaral ako ngayon sa Far Eastern University. Dito ako pinasok ng magulang ko dahil dito rin sila nakapag tapos.

'Yung lolo't lala ko naman ay magulang ng mama ko. Si mama ay nakapag asawa ng mayamang hapon pagkatapos ng hiwalayan nila ng papa ko. Si papa naman-- hindi ko alam, wala naman akong pake sa buhay nila eh. Masaya na ako kung ano meron ako at kung ano ang nalalaman ko.


"Tagal umusad" bulong ko sa aking sarili

9:26 a.m na ako naka pasok ng unibersidad at ang una kong gagawin ay pupunta ng library. Mahilig akong magbasa-basa rito hanggang sa abutan ng oras ng subject ko. 

"First!" bulong nito sa akin sabay baba ng kaniyang libro sa table na kinalalagyan ko.

"Anong problema mo?" pagalit kong tanong rito. Nakita ko siyang umupo sa tabi ko kaya tinignan ko siya ng masama.

"Traffic?" mapang-asar nitong tanong. 

"Malamang." iritado kong sagot.

"Malamang" paguulit nito na tila ba nang aasar pa. "Oh plates ko!" sabi nito sabay tapon sa akin.

"Ano ba talagang problema mo?" paguulit ko. "Psychology student ako, hindi ako architecture Lyra." 

Si Lyra ay kaibigan ko mula high school. Sikat siya sa building ng engineering at achitecture dahil maganda siya. Aminado naman akong maganda at may itsura siya ngunit wala siya ni isa sa kaanyuang lupa niya ang magugustuhan ko. Ang akala rin ng lahat ay mag girlfriend at boyfriend kami. Sa totoo lang, ang hindi alam ng karamihan na babae rin ang gusto niya. Nag away nga kami nung high school nito dahil sa babae. Paano ba naman, lahat ng nililigawan ko makikipag-close siya tapos sasabihin niya sa'kin liligawan niya rin.

"Malay mo lang..." pang-aasar nito. 

"Hindi ako magsshif--" hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita.

"Talaga? TAH-LI?" sagot nito. Hilig niya ang pagpronounce ng pangalan ko na mali dahil alam niyang kinaiinisan ko ito. Minsan nga sinasabi niya sabi iba na Dah-li ang pag pronounce nito eh. Kaya 'yung iba sa department ko, ganun ang tawag sa akin. 

"It's TAYL." pag-uulit ko. Panget 'no? pang babae. Ang pangalan kasi ng mama ko ay Taicia at Leehando naman ang papa ko. Alam niyo na, shipping names kaya naging Taile. Minsan nga sinusulat pangalan ko sa bulletin board na Daily Agustin Razaro.

"Anyway, I have gigs tonight--"

"Busy ako. Madami akong paper works" pagpuputol ko sa sinasabi niya.

"Okay." nag smile ito sa akin "And you're not allowed to say no. It's too late." muli na naman siyang ngumiti sa akin. Kunot noo kong tingin sa kaniya. Magsasalita na sana ako pero inunahan niya ako "Pinaalam na kita kay Lola Dores & Lolo Mint" ngumiti na naman siya pero this time sobrang laking ngiti na. 

"Lyra please.." nilagay niya ang hintuturo niya sa aking labi, sign na dapat akong manahimik dahil wala na akong magagawa. 

"For your information, Mr. Dalee--" lumalakas ng boses niya. Nakakalimutan niya atang asa library kami. "Alam ko mga seatworks, assignment, schedule at task mo today. As far as I know, bakante kayo." tinanggal niya ang hintuturo niya at muling ngumiti sa akin.

"Oo na.. Iinom na tayo."




Matagal na rin ang huling inom ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sieviete Debesis (A Girl named Heaven)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon