CHAPTER 1:
JOEY'S POV
"Guys! Guys! Listen up! May bago tayong classmate" excited na sabi ng bagong dating.
Natigil ang iba sa kahaharutan sa lakas ng boses ng babaeng yun.
" Really? That's cool!" sabay irap ko dun sa girl.
I was just sitting in my chair waiting for the class to start. Eh mukhang hindi pala klase ang magsisimula eh. Pustahan tayo may malaking interrogation ang magaganap maya-maya lang.
Hay! Alam na! Mga classmate ko pa.. NAPAKADAKILANG CHISMOSA AT CHISMOSO.
"Asan? Asan siya?" classmate 2.
"Gwapo ba?" classmate 3.
See? Ibang klase talaga tong mga classmate ko eh. Lumelevel-up sa kalandian.
"Ayun! Papunta na dito. Uhm, 'di ko nakita eh! Ang dami kasing tao" classmate 1.
Nagulat sila nang medyo nagkakaingay na sa labas ng room namin. Heto na siguro yun. HAY! Mga ignorante!
Pumasok na nga ang "NEW ONE" sa room na ikinanganga naman ng mga kaklase ko.. well, mostly mga girls lang naman. See photo at the side..sinong hindi mapapanganga di ba? Well, sila lang naman eh hindi ako kasali. HAHA Tapos ko na kayang pagsawaan ang mukha niya. ^_^
Taas-noo lang namang naghanap ang isang yun ng mauupuan.
"Ah, you can sit here anyway" sabi ng isa kong classmate sa harapan. ANLANDI!!!
He just smiled. "No thanks but I think I would prefer to sit at the back".
Yun lang at naglakad na siya patungong likod . He stopped at the chair in my side. Pero bago pa niya maupuan yun ay agad kong initsa ang bag ko dun then tinaasan lang siya ng kilay. Ayoko ngang makatabi siya no. Feeling gwapo!
"May nakaupo na kasi" I said before giving him a dry smile.
He then smile sarcastically to me."Okay. Pero pwede na ba akong maupo sa likod mo?"
"Yes, sure. Go ahead" sabi ko sabay irap.
Umupo na nga siya dun sa likod ko. After a while agad naman siyang pinalibutan ng mga classmate ko.
"What's your name?"
"Sa'ng school ka galing?"
"Where did you live?"
"How old are you?"
Grabe! Hindi na siya tinantanan ng mga ito. At humantong pa sa:
"Ang gwapo mo talaga!"
"May girlfriend ka na ba?"
"Can I have your number?"
AHHHH!!! Galit na hinawi ko ang earphones sa tenga ko at inis na binalingan sila.
"Hey GIRLS!! CAN YOU PLEASE SHUT THE FUCK UP?! Hayaan nyo na ngang si Ma'am na ang magtanong nyan!"
Nagulat sila sa lakas ng sigaw ko kaya tumahimik na naman sila.
"Now, balik na!" matigas na utos ko sa kanila with matching killer eyes pa.
Alam na nila kung anong ibig sabihin nun kaya agad na silang nagsibalikan sa upuan nila. Padabog ko namang inayos ang upuan ko para ipakita sa kanya na naiinis na talaga ako. Nakaupo na ako nang maramdaman ang mainit na hininga sa bandang tenga ko.
"Highblood ah! Well anyway, thanks for saving me" he whispered.
I turned para tignan siya. For a moment nagsukatan lang kami ng tingin. Pero since badtrip ako kaya game na game talaga akong tingnan siya ng matalim. Sus! Kung nakakamatay lang talaga ang mga titig, kanina pa to pinaglalamayan eh!
BINABASA MO ANG
PERFECT SWITCH
Teen FictionSadyang maliit lang talaga ang mundo no para mahanap natin ang mga taong nakatakda na para sa'tin. It's not that I believe in DESTINY pero mas naniniwala lang talaga ako sa GOD'S WILL eh. Pero pa'no kung yung taong minsan ng naging iyo ay makikita m...