Sabi mo mahal mo ko. Sabi mo di mo kaya kapag wala ako. Sabi mo tayo pa nga sa huli diba? Pero bakit ganon? Ikaw ang unang bumitaw, unang sumuko. Akala ko matatag ka. Nagkamali ako, hindi pala.
Nagmahal ako, sabi nila tama na! Naghanap ako ng iba, sabi nila parehas lang sila! Tinuring kitang espesyal, sabi nila tigas daw ng ulo ko! Sabi ko, di bale, mahal kita.
Ilang beses ko bang sasabihin sayo na kahit anong gawin mo, di ka mamahalin niyan dahil meron syang mahal na iba? Iiyakan mo lang sya at masasaktan ka lang. Bakit ko alam? Siyempre minahal kita e.
Isang araw, mawawala ka din sa isip ko. May papalit din sayo. Di ko lang alam kung sino. Pagdasal mo naman wag sana niyang saktan ang puso ko, tulad ng nagawa mo.
May mga taong gago, may mga taong tanga. Kapag nagmahal ka ng taong ayaw sayo, gago ka. Kapag di mo alam na may nagmamahal sayo, tanga ka. Ako alam ko gago ako, sana lang di ka tanga.
May nakapagsabi sa akin, hirap mo daw mahalin. Inisip ko kung bakit. Dahil ba busy ka lagi? Dahil ba maraming may gusto sayo? O dahil may mahal ka ng iba? Pero hindi rin, bakit ako? Kahit masakit, mahal kita?
Sabi mo mahal niya ko. Sabi mo di niya ako iiwan at sasaktan. Sabi mo para talaga kami sa isa't isa. Tangina! Kung sabihin ko kaya sayong ikaw ang mahal ko at hindi sya, maka-imik ka pa kaya?
Sabi nila, buti pa raw ako may minamahal, may reason para ngumiti, may reason para maging masaya. Alam mo kung ano sabi ko sa kanila? Buti pa kayo hindi nasasaktan.
I'm afraid to lose you. I'm not sure why. It's not that I can't live without you. It's just that, I'm afraid the day would come, you'll forget about me and just say, "Sinong ______?"
Kailan kaya ulit darating yung araw na tayo'y magkasama? Na tayo'y magiging masaya at mamahalin pa rin ang isa't isa? Maghihintay pa rin ako. Pero kailan nga kaya? Ah, siguro kapag nakalimutan mo na sya.
Hay nako! Nakakainis naman! Bakit kasi dumating ka pa sa buhay ko tapos iiwan mo lang pala ako ng walang rason. Bakit kasi pina-ibig mo pa ako kahit may mahal ka ng iba? Bakit kasi ayaw mo kong mahalin? Bakit? May mahal ka na bang iba?
Naging tayo nung wala na kayo. Sabi mo minahal mo sya pero mas minahal mo'ko. Masaya pa nga tayo diba? Ngayon bumabalik sya, iniwan mo'ko. Ngayon pa! Na di ko na kayang mawala ka.
You were about to jump from a building and you were about to fall. But before that, you looked down and I wasn't there at all. So you feared the fall, you didn't know what to do. But then I held your hand and said, "Pwede ba ko sumama?"
Iniwan kita di dahil ayoko na sayo. Tinalikuran kita di dahil galit ako. Lumayo ako di dahil ayaw na kitang makita. Umalis lang ako kasi ayoko nang umiyak habang nakikita kang masaya sa piling niya.
Isa lang pala diyan ang mahal ko. Pili pa ko ng pili kung sino sa kanila. Yun pala hindi "sila" ang nakita ko kundi "ikaw".
Kapag sobrang lapit mo sa isang kaibigan, natututunan mong mahalin noh? Wag kang lalapit sa akin ha? Baka kasi mahalin kita e, tapos para pala sayo, kaibigan pa rin ako.
BINABASA MO ANG
Qoutes. Love. Patama
General FictionNaisipan kong gumawa ng ganito dahil paniguradong karamihan sa atin ay makakarelate ng sobra at alam kong magugustuhan ninyo ^_^ NOTE: Hindi ko po sariling gawa ang mga yan. Kaya wag kayong magtaka kung may kaparehas ang mga yan dahil nakuha ko lam...