Magic Of Love (One Shot)

609 21 10
                                    

* * * * * *

Hi. I’m Amiel De Guzman. I’m on my Third year level on College here at La Salle. Sobrang busy pala talaga pag College. Kaya sinasabi nila na happiest time ng mga teenager ay yung Highschool life. Now I know. Haha. Pero di masaya Highschool life ko. Diyan kasi nagsimula yung pagka-busted, pagka-reject at higit sa lahat ma-broken hearted. Pero ngayon, all I can say, I’m complete. =) Naksss! Gumaganun ang lolo mo. Haha! Meron kasing isang babae na nagpapatibok ng puso ko… Siya si Meiy Magno. Girlfriend ko. Two years na kami ngayon pero di ko pa siya nababati dahil sobrang busy ako dito sa school. Inabot na nga ako ng gabi dito kasi may group project kaming kailangan tapusin. Kung pwede ko lang siya puntahan, ginawa ko na. Pero hindi lang isang room pagitan namin. Kalye at kung anu ano pa ang nasa pagitan namin. Nasa UST kasi siya. Buti nga nakaka-survive kami eh. Alam mo ba kung pano kasi nagsimula? Ganito yan…

FLASHBACK

(Fourth year Highschool/Vacation)

Kakabreak lang namin ng Girlfriend kong si Jaselle. Sobrang mahal na mahal ko yun. Pero wala tayong magagawa, may mga taong aalis at darating. Di lang talaga natin alam kung kelan at saan. At ngayon, hindi ko alam kung paano ako magsisimula ulit.Binreak niya ko nung Graduation namin. March 20. Ang sakit sakit. Akala ko pa naman, magiging masaya kami. Pero saglit lang yung relationship namin. Halos isang buwan lang. At eto ngayon, nagmumukmok. -__- Hirap kaya magmove on! April 2 ngayon. Nakatambay lang ako dito sa terrace ng bahay namin. Nakatulala. Haay! Jaselle! Balikan mo na kasi ako!! Hindi daw kasi niya kaya ng Long Distance. =( Nasa Bulacan siya ngayon. Wala na rin kaming communication dahil nagpalit na siyang number. Tumingin ako sa cellphone ko. Tumatawag si Chelsea, kaibigan ko.

Chelsea: Hello Amz!

Amiel: O bakit?

Chelsea: San ka?

Amiel: Bahay. Bakit?

Chelsea: Diyan ka lang. Buhbye!

Pinatay na ni Chelsea yung tawag. Ako naman nakakulumaba. Nakatingin sa mga tricycle driver. Haha! Buti pa sila, masaya. -___- Maya maya naman, may nakita akong kumakaway… Si Chelsea! Bihis na bihis. Pinapasok ko na siya sa gate namin…

Amiel: O, anong ginagawa mo dito?

Chelsea: Eh bakit ka masungit? Haha. Wala naman. Mall tayo!

Amiel: Ayoko. Tinatamad ako.

Chelsea: Wala ka! Ganyan ka! Tara na! Wag nang ma-emote. (sabay hatak sakin papasok ng bahay)

Amiel: Oo na. Oo na. Libre mo ba?

Chelsea: Oo! Pinadalan kasi akong pera ni Mama. Kaya let’s go! (with hand gestures)

Amiel: Ge. Bihis lang ako. (sabay tayo tapos dumiretso na sa kwarto)

Bakit ba kasi napapayag ako nitong babae na to? Haha! Siguro, dahil sa bored na rin ako dito sa bahay. Nakakaantok kasi eh. Kaya pagkabihis ko, nagpaalam na ko. Tapos sumakay na kami ng taxi ni Chelsea. Nakatahimik lang ako. Siya naman tong daldal ng daldal. -___- After ilang minutes, nakarating na rin kami dito sa mall. CR daw muna siya. Ako naman, parang boyfriend niya na nag-iintay dito sa labas. Pagkalabas niya… Nagulat ako. O__o May kasama siyang babae. Nag-uusap pa sila. Pinakilala naman niya sakin.

Magic Of Love (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon