Anamnesis

125 5 10
                                    

This is not a continuation of ‘magic of love’. Dito ko lang gustong ilagay ‘to. Haha! Pagbigyan :) Vote and comment! Thank you. :)

~*~

Anamnesis

“Life brings tears, smile and memories. The tears dry, the smiles fade, but the memories last forever.”

~*~

“So tomorrow, we’re going to Philippines for your first OJT. Bring your things with you. 7am tomorrow okay? Class dismiss.”

Umalis na yung Prof namin. Nag-alisan na rin yung iba naming blockmates. Yung bestfriend ko kasi nasa kabilang room. Di kami parehas ng course. Lalabas na sana ko nang makita ko si Kiel sa labas ng room. Mangungulit nanaman ‘to eh.

Lumabas na ko ng room tsaka siya dinaanan.

“Hatid na kita sainyo?” Offer niya.

“No. I can handle myself.”

At mas mabilis pa sa alas kwarto na umalis ako sa tapat ng room namin.

I’m Z. Short for Mackenzie. Ayoko ng mahabang pangalan kaya one letter lang tawag sakin. Haha! I’m 20. Graduating. Pyschology. I’m studying here in US. Yung about sa OJT, yun nga yon. Sa Philippines yung una naming OJT. Hindi ko rin alam kung bakit eh.

Si Kiel? Ewan ko ba diyan. Ang kulit kulit. Sinabi ko ngang ayaw kong magpaligaw. Hindi dahil ayoko sakanya. Hindi din dahil man hater ako. Hindi din dahil sa “studies first”. The reason was I felt I was committed with someone else yet I don’t know who’s that someone else was.

Siguro kakabasa ko lang ‘to ng mga libro. Feeling committed e no? Eh wala nga akong boyfriend dito sa university. Tapos, hindi naman ako nagpapaligaw kay Kiel. Wala nga akong natatandaan na naging boyfriend ko eh. Hahaha!

Kung nagtataka kayo kung bakit tagalog parin ako kung magsalita. Well, Filipino naman talaga ko. Sabi ng parents ko, homestudy daw ako. Nung 18 years old daw kasi ako, nabagok yung ulo ko. Na-delay daw ang pagpasok ko sa school.

Ayaw na rin nila ipaliwanag lahat ng nangyari. Basta naliligo daw ako nun tapos nadulas daw ako. Shunga lang no? Hahahaha! Buti nga daw hindi na-paralyze yung katawan ko sa pagkaka-bagsak ko nun eh. Palibhasa, ulo ko yung tumama sa bath tub. Hahaha!

Pagdating ko sa gate ng university, nandun na yung bestfriend kong si Casey. Eto talaga English kung magsalita.

“Hey.” Sabi ko.

“Hey. You’re so uhmm what do you call that? Matagal?” May accent pa yung matagal niya. Haha! Tinuturuan ko kasing magtagalog yan. Mah-tuh-gul. Hahahaha!

“I’m sorry. You should be used to it.”

“Why? Oh! Kiel insists to take you home right?” *evil grin*

“Hey stop doing that. Yeah he is.”

“Hahaha! Why don’t you give him a chance?”

“Like what I’ve said to you before, I’m not into him and I feel I was committed with someone else.”

“Hahaha! You’re such a weird Z. I keep asking myself why you turned as my bestfriend. Hahaha!”

Binatukan ko ‘tong babaeng ‘to. Maka-salita ng weird. Eh siya nga, inlove na inlove sa taong hindi naman siya kilala. Haha. Fangirl eh. Pag-pasensyahan mo na.

Magic Of Love (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon