Prologue

3 0 0
                                    

Prologue

“Bella!” Napatingin ako sa taong tumawag sakin dito sa may corridor. Hindi ko siya kilala, ano kayang kailangan niya? “Pinapatawag ka sa Dean’s office.” Nangunot yung noo ko.

“Huh? Bakit daw?” kinakabahan kong tanong.

“May iuutos daw sayo si Mrs. Garcia” tumango ako at umalis na yung babaeng kumausap sakin.

“Hala girl, ano naman kayang kasalanan mo? May ginawa ka ba?” tanong ng kaibigan kong si Trix.

“Wala noh. Mamaya ko nay an pproblemahin. Halika na, may report pa tayo.” At nagderetso na kami sa classroom namin.

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi sakin nung babae kanina. May report ba ako kay Miss ngayon? Sa pagkakatanda ko, wala naman. Scholar kasi ako dito sa school na pinapasukan ko. Consistent dean’s lister din ako, so in short, mabait ako. Pero hindi naman sobrang bait, nagmumura ako noh. Hindi ako party girl, pero ang bestfriend kong si Trix, may pagka. Lagi siyang nag Ha-Happy T tuwing Thursday at ang dami niya ng nakaka fling. Pero mabait din naman yun at hindi pabaya, sadyang party girl lang.

“Bella, pinagkakaguluhan na naman daw yung lalaking yun.” Wika ni Trix.

“Ha? Sino na naman?”

“Yung nakita natin nung isang araw!”

“Asus, hayaan mo na siya. Wag na natin yun problemahin. Una na ko ha. Ingat ka.”


“Osige, Good luck kung ano man yan.”

Ngumiti ako. “Salamat. Tsaka ikaw, Thursday ngayon, wag masyado uminom ah.”


“Yes ma’am!” at humalakhak kaming dalawa.

Pumunta ako sa The Republic, ang mamahaling bar dito at kung saan laging natambay si Trix. May kailangan akong hanapin dito dahil makikiusap sana ako na kung pwedeng hindi muna kami magkikita bukas. Birthday kasi ni mama, kailangan kong umuwi bukas.

Sobrang daming naninigarilyo sa labas ng bar at halata mong medyo tipsy na yung mga tao. Ang iikli ng mga shorts ng mga babae dito, nakakaasiwa! Nako pag si trix talaga nakita kong ganyan yung suot, kukurutin ko talaga sa singit yun.

Nasan nab a kasi yung hinahanap ko? Bat kasi napakalaki ng bar na to?! Ang daming sumasayaw, halo halo amoy nila, nakakasuka. Kung di ko lang talaga kailngan yun, di talaga ako magtitiis na pumunta dito. Nakakainis! Napaka feelingero kasi!

Ayun! Gotcha! Nakita ko sila dun ng mga kaibigan niya, ang laki ng pwesto nila, for sure, diyan talaga sila nakapwesto, pag-aari nila yun. Kitang kita mo ang loko, prenteng prente nakaupo habang nakikipagkwentuhan at may mga babae sa gilid nila!! Wow, the famous Brianna is with her, how sweet. I rolled my eyes. Nakakainis talaga to!!

Love Me ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon