#04

0 0 0
                                    

                      CHAPTER-04

CARLOS ALVARO POV..

"PARE parang kanina ka pa nakatitig sa babaeng bagong salta dito sa paaralan."

Tanong ng  isang kaibigan ni Carlos na si JAMES GOMEZ na kaniyang kababata at matagal na niyang kaibigan kaya  kilala na nila ang isa't isa .si james ay isang sikat na basketball player sa kanilang  school,at isa din  itong pinakatorpe sa magkakatropa.

"Tarantado sino naman nagsabi na magugustuhan ko yong babaeng yon"

"Eh bakit ka nga tingin ng tingin sa kaniya"

"Wala,at isa pa tigilan mo nga ako ,gusto niyo bang sumama sa akin"

"Pare ako sasama ako,pero sabihin mo Muna kung bakit nakatitig ka sa babaeng yon" tanong ni Bryan Cruz

Si BRYAN CRUZ  ay tropa din ni Carlos na lagi niyang kasama sa paglalaro ng online games.

"Ano ako walang utak,kahit wag ka ng sumama.p*t* sinabi ko na nga na wala di ba kaya tigilan niyo ako ,kung ayaw niyong sumama di wag "

"Ito naman Hindi na maluko,syempre sasama ako,pero kapag pagibig na yan pare  o yong tinatawag na love of first sight  ,share mo sa akin "asar ni James Kay Carlos na halatang naiinis na ito.

"Gago sasama ba kayo o Hindi ?"

"Hahhaha" Sabay na tawa nila James at Bryan

"Syempre oo,nakaplano na nga kami  ,kaya nga Hindi ka naming sinamahan kanina kasi mag cucuting class kami ngayon,pero syempre sama ka" nakangiti na bigkas ng dalawa

"Sino naman nagsabing sasama ako ,papasok ako mamaya"

"Wow..pre si Carlos ba talaga ito o Hindi .mag aaral na daw siya .naku!(takip ng bibig ni Bryan)na in love na nga talaga ang kaibigan natin ." malungkot na bigkas ni brayan Kay James na nakayakap pa ito.

"Tigilan mo nga ako..oo na sasama na ako sa inyo .gago tara na nga lang ang daldal niyo?"

"Hahaha ..OK let's go baka ako ay manalo mamaya"

"In your dream lagi ka nga talo e sa live ka lang magaling dahil inaakit mo yong mga nanonood sayo"

"Hindi a"

"Hahahha" tawa lang ng mga ito.at naglakad na sila palabas ng room nila.

Pero si Carlos Hindi niya Alam Kong mananalo siya sa laro sa mobile legend mamaya at kung magiging maganda ang live nito na gagawin. dahil sa nangyari at naalala niya na dapat ay nakalimutan na niya.

FLASHBACK...7 years ago

"Anak" umiiyak na bigkas ng mama ni Carlos sa telepono

"Bakit ma?bakit ka umiiyak?

" anak kailangan mong umuwi sa probinsya"

"Ma ,bakit naman, gusto niyo bang magkasakit si GIO,Alam niyo naman na bawal kaming magsama ng kakambal ko di ba?

Si Carlos Alvaro ay may kakambal na si GIO FERNANDEZ na nakatira sa probinsya.at kung  nagtataka kayo kung bakit magkaiba ang apilyedo nila ni  GIO dahil ang kapatid ng mama ni Carlos ang nagalaga dito Simula nong  laging nagkakasakit si GIO at nalaman nilang bawal ang  magsama ang magkambal dahil maari magkasakit ang isa kaya inilayo nila si Carlos sa kaniyang kakambal na si  gio at doon din nagsimulang palitan ang apelyido niya ng apelyido ng asawa ng kanilang tita ang kapatid ng mama nila ang ginamit no gio .pero kahit ganon  naguusap pa din sila na magkapatid lalo na sa paglalaro ng mobile legend o ang online games yon ang naging bonding nila kahit malayo sila sa isa't isa

" Hindi Carlos kailangan mong umuwi dahil kailangan mong makita Yong kapatid mo ikaw ang kaniyang hinahanap"

"Bakit ba ma?bakit ka umiiyak ano bang nangyari?

" itinakbo sa hospital ang kapatid mo dahil lumala yong sakit niya "

"Ano !?"

"Oo Carlos kaya please umuwi ka ngayon sa probinsya wag kang mag alala susunod kami ng daddy mo"

Kaya naman ibinaba na ni Carlos kaagad ang telepono at kaagad siyang bumiyahe pauwing probinsya dahil ang mga parent niya ay parehong nasa  U.S.A kaya mabilis niyang pinatakbo ang kaniyang sasakyan dahil gusto niyang makita ang kaniyang kapatid  at namimiss din na kasi  niya ang kaniyang kakambal .

Si GIO kasi ay may sakit sa puso at may cancer ito sa utak kaya ayaw niyang sa huli ay Hindi niya pa makikita ang kaniyang kakambal .wala ng pagasa na mabuhay pa si GIO dahil lumala na ang butas ng kaniyang puso.

Sa pagbiyahe niya ay sa wakas nakadating din ito sa probinsya at agad itong pumunta sa hospital na kung saan. Itinakbo ang kakambal niya.

Pagkadating niya dito dumiretso na siya sa room ng kapatid niya na kung saan ang sinabi ng tita nito.

Pagkapasok nito nakita niyang nakahiga si GIO na nakangiti.

"Hoyyy...BRo what's up ,musta  ka?bakit ka Nandito?"

"OK lang.tinatanong pa ba yan sympre bibisitahin kita "

"Naku nag alala ka pa."

"Teka lang maiba tayo kumusta kana?"

"OK lang ito masaya pa din,buti  ka pa nakabisita?"

"Sila mommy uuwi sila hintayin lang natin OK"

"OK,pero bro paki sabi sa kanila mahal ko sila OK.at ang saya ko na nandito ka ngayon bro.tagal na kasi nong huli nating pagkikita at congrats din pala sa live streaming mo .ang galing mo maglaro"

"MAs magaling ka kaya magpagaling ka upang maglaro pa tayo"

Ngumiti lang ito at Hindi nila inaasahang huli na ang mga katagang iniwan niya .itinakbo pa si  GIO sa emergency room ngunit Hindi ito umabot kaya naman.nagalit si Carlos at sinisi ang kaniyang sarili.

"Wag mong sisihin ang sarili mo ,ginusto niya ito.at nakaplano na siya matagal na niyang plano ito.kaya alam ko na masaya siya ngayon dahil yong huling hininga niya ay natupad ang kaniyang pangarap  at ang  pangarap niya na isa na don ay yong  gusto ka  niyang makita  at ang mahal niyang Babae pero parang malayong matupad ito dahil hindi nga siya ito nakita at Hindi dumating."bigkas ng tita nito

"Anong Babae?sinong Babae?bakit siya wala dito?"

"Ang girlfriend ng kakambal mo iniwan siya nakipaghiwalay ang Babae sa araw ng anniversary nila dahil ang pagkaalam ng babae ay Hindi siya mahal ng kapatid mo pero gusto lang niya magalit ang Babae para pagkatapos noon ay isusurpris sana siya ng kapatid mo pero hindi nangyari dahil umuwi na sa manila ang babaeng iyon na Hindi man lang nakipag usap sa kapatid mo na hindi man lang nabigyan ng second chance ang kakambal mo .kaya naglasing at nagpuyat ang kapatid mo kaya siya nagka gan'niyan at lagi niyang sinasabi na ayaw na niyang mabuhay pa"

"Ano?"

"Oo Carlos lagi niyang sinasabi na ayaw na niyang mabuhay pa.at siya din ang nagsabi na wag maghanap ng puso ng ibang tao at wag na siyang operahan dahil gusto niya kapag nawala siya puso niya pa din ang dala niya at dahil iyon ay puno ng ala ala at pagmamahal".

" anong pangalan ng babaeng yon"galit na galit na bigkas ni Carlos.

" xyla Santos ang pagkakaalam ko nag iisang mahal ng kapatid mo at kababata niya "

"Hahanapin ko siya saan mang  sulok ng mundo"

"Anong ibig mong sabihin Carlos?"

"Ipaparanas ko sa babaeng yon kung  ano ang  pakiramdam ng iniwan at sinaktan.kapag Hindi siya pumunta o bumisita man lang sa  burol ng kakambal ko"

Love's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon