PROLOUGE

49 10 11
                                    

- - - - - - -

Life definitely has a past and a future. Hindi naman siguro magkakaroon ng hinaharap kung walang nakaraan, hindi ba?

But how about erasing the past and never thinking about it? Sa pamamagitan ba nito ay mawawala na rin ang nakaraan?

In many cases. It isn't. But how about mine?
Will it be forgotten like how they forget about me?

“Rosa, inihanda mo na ba ang gagamitin ng bata?” Sambit ni Milagros na abala sa paghahanda ng mga gagamitin sa labas ng mansyon.

“Opo, Inay. Pupuntahan ko na po sa kwarto niya” Tugon ni Rosa at nagmadali nang inakyat ang gamit sa itaas.

Nang makarating sa mahabang pasilyo ay nagtuloy-tuloy pa siya hanggang sa tapat ng pintong kulay rosas. Inayos niya muna ang hawak na malaking kahon na naglalaman ng damit ng kanyang alaga. Sa sobrang laki nito ay doon nya rin ipatong ang dalang tray na may lamang almusal. Mahirap nang magpabalik-balik dahil malaki ang mansion. Att isa pa ay maraming naghihintay sa kanila.

Maingat niyang binuksan ang pinto gamit ang kanang kamay. Sinilip niya muna ang mahimbing na natutulog sa kama bago tahimik na pumasok sa loob.

Napakahimbing matulog ng kanyang alaga na tila ba puyat sa paglalaro gayong wala naman itong ginawa kundi manatili sa tabi ng kanyang ina at lola.

Dahan-dahan niyang inilapag ang mga gamit sa side table bago isinara ang pinto at umupo sa tabi ng kama.

“Ara, gising na” Pagbulong niya habang niyugyog ng maingat ang balikat nito.

Tanghali na para matulog, Ara. Hinihintay ka ng mga tao sa labas–” Walang ano-ano ay biglang bumangon ang bata na ilang segundong ikinagulat ni Rosa.

“Gutom na po ako” Wika nito sa maliit na boses habang kinukusot ang sariling mata.

Hindi naman maiwasang mapangiti ni Rosa habang pinupusod ang buhok ng bata. “Alam ko, kaya nga ginigising na kita.” Inilagay niya sa maliit na mesa ang tray ng almusal bago ilagay sa kama. “Heto, mag-almusal ka na para masimulan ko na rin ang pag-aayos ng mga susuotin mo” Mahinahon niyang wika at saka siya tumayo upang ihilera ang susuotin nito.

Kailangan na nilang magmadali dahil ilang sandali na lamang ay bubuksan na ulit ang mansyon para sa mga bisita. Hindi man kaarawan ang idadaos nila ngayon ay dapat itong maging magandang ala-ala sa pamilya nila.

Nang matapos ang agahan at ang pagsusuot ng bestida sa kanyang alaga ay nagpasyahan na nilang lumabas ng kwarto. Kinarga niya ito ngunit natawa siya dahil sa nakangiso nitong labi.

“Ara, hindi ‘yan nakakaganda ‘di ba?” Pagkumbinsi niya sa bata at nagsimula nang maglakad.

Hindi ko naman po kailangang magpaganda. Maganda na po ako” Mahina ngunit malinaw na saad nito habang hindi pa rin maalis ang pagkakanguso sa labi.

Pagdating sa kusina ay nadatnan nila ang hindi magkaundagaga na mga trabahador sa mansyon. Pinangungunahan ito ng kanyang ina na si Milagros.

“Anak, hinihintay na ni Madame si Ara. Ibigay mo nang madali, dahil marami pa tayong gagawin” Sambit nito bago muling hanguin ang tinapay na nasa malaking oven.

Imbis na “oo” ay tango ang isinagot ni Rosa at nagmadali nang pumunta sa likod ng mansyon habang karga pa rin ang bata. Hinanap nila si Madame Amanda at ilang saglit pa ay hindi sila nabigo.

Nakita nila itong nakaupo sa isang mesa habang suot ang isang simpleng itim na bestida. Pinalilibutan sya ng mga bisita na abala rin sa pakikinig sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Quest in Buried Past Where stories live. Discover now