Para kay Faith by Chelsea_13
Noong ikaw ay makita, labis akong natulala
Hindi ko malaman ang gagawin at talaga namang nagitla
Sabihin man nang iba na ako ay isang torpe
Pero pagdating talaga sayo ay labis akong natotoreteAng mga mata at labi mo ay hindi ako pinapatulog
Pati sa panaginip ko, ikaw ang aking iniirog
Kaya nang ikaw ay ngumiti, hindi talaga malaman ang gagawin,
Nang isang lalaking katulad ko, na susundin ang kahit anong hilinginAnong gayuma sa akin ang ipinainom
At kung bakit ganito na lang ako sa'yo nalulong
Wala ng mas gaganda at peperpekto sa'yo
Mahal ko, ang buong pagkatao ko ay iyong iyoKaya sana sa tulang ito na aking inihandog,
Ikaw sana ay mabihag, aking iniirog
Kahit na iba ang lenggwahe, ikaw sana'y maantig
Dahil hindi na talaga malaman ang gagawin...ng puso kong sa'yo lang pumipintig
BINABASA MO ANG
Para Kay Faith
ПоэзияThis is a poem from my short story "ADORE YOU" and my first ever tagalog poem. :)