KEYBOARD LOVE STORY

116 6 2
                                    

Yung iba diyan:hindi kakain ng lunch para lang maka ipon sa surprise panliligaw nila.

Yung iba diyan:hindi alam ang gagawin para makakuntiyaba ang guard para sa kanilang surprise panliligaw.

Yung iba diyan: nagdadrama sa FB dahil single daw sila .

At ako!!!???

Eto walang pakialam kung anong mangyayari sa mga darating na araw,kung meron manligaw edi masaya kase that will be the first one, kung wala masaya pa rin dahil gagawin ko pa rin yung aking routine everyday!

Ang magpakilig ng ibang tao gamit ang love story na hango sa aking imahinasyon.

Ngunit isang pangyayari ang naging dahilan upang ang aking karanasan ay maibahagi ko sa iba.

Pangyayari na may kaugnayan sa isa sa mga pinakamahahalagang parte ng ating henerasyon,cellphone?mali!computer?mali!Ipad?mali!ang keyboard....

*isip isip*

"Alesandra!ugh!magisisp ka pa ng climax na scene" Sabi ko sa sarili ko ng paulit-ulit.

BLAG!!!

"Ma ano ba!?"sigaw ko sa mama ko dahil sinapok ba namn ako

"aba sinasigawan mo ako ha!? ano ka ba,anong oras na!?"sabi ni mama habang nakataas ang isa niyang kilay

"Aba ewan ko ma!ano ako tanungan ng ANONG ORAS NA!?"sarkastiko kong sabi.

"Aba pilosopo 'to ha!!! Maligo ka na dahil malelate ka nanaman!"Sabi ni mama sabay palo sa aking braso.

"Sandali lang ma!"sabi ko sabay harap sa MacBook ko

"Aba dumiretso ka na nga sa banyo at maligo ka na!!!"pagpupumilit ni Mama sakin

"Ayoko pa ma!"sabi ko

"Pag hindi ka pa dumiretso hindi ko bibigay allowance mo!!"sabi ni mama

Ay oo nga pala!!Allowance day ngayon!!ano ba naman niyan!

bigla-bigla akong tumayo sa aking kinauupuan at nagmamadaling pumunta sa banyo.............B LAG!!! Aray ko po nabunggo pa tuhod ko sa pader,nagpatuloy nalang ako,ng nasa banyo na ako nakalimutan ko tuwalya ko!!siyete naman ehh!!!!lumabas ulit ako at kinuha tuwalya ko at bumalik ulit sa banyo,nakalimutan ko naman damit koooo!!!!!!!kinuha ko ulit damit ko at bumalik sa banyo at naligo,pagkatapos maligo bumaba na ako sa aming dining area at kumain ng cereal.

habang kumakain.......

"anak kamusta school?"tanong ni mama

"ayun school parin"sabi ko sabay tingin kay mama na magkasalubong ang kilay niya

"I mean ok lang po hehe"sabi ko sabay kain sa aking cereal

*beep beep*

ayan na pala school bus namin.tumayo na ako at nagpaalam na kay mama.pagkasakay ko sa school bus naghanap ako ng mauupuan,halos wala na akong maupuan,buti na lang may isang lalaking nagbigay ng upuan niya,buti na lang meron pang mga gentleman na lalake.

"sandali lang ha,may kukunin lang ako" sabi nung lalaki at tumango lang ako

"sige miss upo ka na"sabi niya at umupo na ako ng nakatingin sa kanya at nakangiti.

Hindi ko namalayan na meron palang bubblegum na inidikit yung lalake sa upuan. Ahh!!! Ang baboy!!

Nagtawan yung mga tao ng nakita nila ito..waahh!

Tumayo ako at pinuntahan yung lalake.

"Hoy!walang hiya!hayop ka!" Sigaw ko sabay sapak sa kanya.

KEYBOARD(one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon