PROLOGUE

2 0 0
                                    


"The train is now approaching! Please wait behind the yellow line. Thank you."

Pagkarinig ko pa lang sa paparating na tren, napatingin agad ako sa relo ko. Sa relo na binigay niya saken, ang isa sa mga bagay na nagpapa-alala sakanya saken at nagpapa-alala saken na darating siya. 

Ilang oras na kong nakaupo sa bench na ito, hawak ang dalawang ticket na alam kong sa oras na dumating siya at natuloy kami sa pagtanan ay siguradong magpapabago ng buhay ko.

Alam ko, mali ito pero alam ko sa sarili ko na dito naman ako sasaya at mahal namin ang isa't isa.

MAGHIHINTAY AKO....HINDI NIYA AKO BIBIGUIN..MAHAL NIYA AKO..

Dumating na ang pangalawang tren, pangatlo at pang-apat ngunit walang dumating na Yael.

Naiiyak na ko pero kinaya ko paren na iwan ang lugar na iyon. Ang sakit sakit, sobrang sakit ng nadarama ko pakiramdam ko niloko niya ako, pinaasa, pinagmukhang tanga at iniwan sa ere. Siguro nga tama sila mama at papa, nararapat lang sigurong magising na ko sa katotohanan na hindi kami bagay at marami pang bagay ang naghihintay saken. Mas deserving pa kesa sakanya.

A Moment To Remember ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon