Chapter 1

3 0 0
                                    


COKE IN CAN

Pumasok ako sa Family Mart na nadaanan ko habang naglalakad ako pauwe. Iniscan ng cashier man ang coke na binili ko.

"Good Evening Maam, 45 pesos po ang isa."

All along simula nung pag alis ko dun sa lugar na yun ngayon ko lang naisipan bumili ng maiinom. As in, maiinum lang talaga. Wala akong balak kumain, wala akong gana at mas lalong wala ako sa tamang huwisyo.

Bwiset talaga! Naalala ko na naman siya!

"Miss?"

Nakakainis! Dinukot ko ang wallet ko sa gilid ng bag ko na sobrang bigat dahil sa dami ng damit at mga bagay na dala ko! Inabot ko ang 100 pesos sakanya. Wala na pala akong barya! Hays!

"Hays! Nanaman." Napatingin ako bigla sa lalaki gamit ang walang buhay kong mata. Mukhang nagloloko pa ata ang system nila.

Buong akala ko ay hindi niya na ako masusuklian pero bigla siyang dumukot sa bulsa niya. Aabonohan niya muna siguro. Oh, well.

"Eto na miss, ang sukli mo."

Inabot ko ang pera at umalis na ng shop..

Habang naglalakad ako naalala ko nanaman ang hayup na lalaking yun.

Hays! Bakit niya nagawa sakin ito pagkatapos ng lahat. Ito ang isusukli niya??!

Teka. Asan na nga pala yung coke na binili ko?!

Ano bang nangyayare sayo Roselyn!! Hays. Makabalik na nga lang dun.

Saktong pagbukas ko ng pinto ay may palabas namang isang lalaking mukhang lasing pa yata, aba' t talagang humarang at tumigil pa sa dadaanan ko ha!

Teka! May hawak siyang Coke In Can!?

Automatic namang napatingin ang mga mata ko sa cashier kung nandun pa ba ang Coke In Can na binili ko kanina pero habang nakatingin ako dun saktong narinig ko naman ang pagbukas niya sa Coke. Sa Coke koooo! Magnanakaw!

Kaya bago pa man niya mainum ito inagaw ko na sakanya ito at inubos sa harapan niya. Buuuurrrrrpppp~~

Hay! Bwisit talaga! Nakakahiya.

Bakit ba ngayon ko lang napansin na sobrang lapit pala namin sa isa't isa at bakit ganyan siya makatingin. Ang haba naman ng bigote nito. Ang laking mama, pero infairness gwapo siya. Nakakatakot nga lang? Ang weird kase niya.

Pero hindi ko pinakita sakanya na nahihiya ako. Pinanatili ko paring walang buhay ang mga mata at mukha ko. Tutal wala naman talaga ko sa mood diba.Makaalis na nga!?

Iniwan ko na siya dun baka wala na kong masakyan na bus.

"Bilis! Ano ba miss? Magbabayad ka ba o hindi? Bumaba ka na kung hindi ka magbabayad. Nakakaperwisyo sa iba."

Sabe ng driver saken.

Teka! Asan na ba yung wallet ko. Tae, kanina naman nung nagbayad ako sa family mart andun pa yun ah.

Teka? Hays! Ano ba Roselyn?? Edi syempre naiwan mo yun sa family mart kakaisip sa lalaking yun nakalimutan mo nanaman?!

Lahat na lang ba ng bagay nakakalimutan mo pag siya ang naiisip mo!? Hays. Makababa na nga lang.

"Ay, Miss bumalik ka. Naiwan mo po yung wallet at coke mo."

Teka, Coke? Naiwan ko pala talaga yung coke ko.

"Thank you." yun lang nasabi ko sa lalaki at umalis na ko nasa labas pa kaya yung lalaking may bigote kanina. Sana andyan siya nakakahiya talaga!

Pagkalabas ko, nadissapoint ako. Di ko siya nakita pero okay na ren siguro yun

ano namang sasabihin ko sakanya kung sakali mang makita ko siya ? Wala ren naman diba?

at mukhang di ren naman niya siguro ako nakilala diba? Makauwe na nga.

Mas kailangan ko pang makausap ang pamilya ko tungkol sa katangahan kong desisyon kanina. Hays..

Pagkarating ko pa lang ng bahay, tanging si mama lamang ang sumalubong sa akin at niyakap ako. Gustong tumulo ng luha ko pero pinigilan ko. Wala akong karapatang umiyak, siguro ubos na ren ang luha ko sa kakaiyak kanina.

Ang sama ng tingin sakin ng kapatid ko habang hinahatid ako ni mama sa kwarto ko. Hindi ko na ring inasahan na makikita ko si papa. Naiintindihan ko siya pati ang kapatid ko. Napaka-walang kwenta ko talaga kahit kailan. Siguro nga di na ko mapapatawad ni papa pagkatapos ng lahat.

"So, Ano? Nakamove on ka na ba sa lalaking yun ha?!"

"Sumagot ka ate! Nakapag isip isip ka na ba o sadyang hindi siya sumipot?! Ano?"

"Eunice! Wag mong pagsalitaan nang ganyan ang ate mo!"

"Sabe ko na nga ba? Ano. Yan ang napapala mo! Lagot ka talaga kay papa!"

"Eunice! Bumalik ka na sa kwarto! Utang na loob. Mag uusap muna kami ng ate mo."

Padabog na umalis si Eunice sa kwarto ko. Naiintindihan ko siya pero mas lalong hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam..

"Roselyn, Kumain ka na ba ng dinner? Gutom ka ba? Sumagot ka naman anak. Ipaghahanda kita."

Walang nakuhang kahit isang sagot mula sa akin si mama. Siguro naramdaman niya ren sigurong wala ako sa mood makipag usap at wala siyang maaasahang sagot saken kaya iniwan na lang niya ako sa kwarto ko.

Nilibot ko ng tingin ang kwarto ko, walang nagbago. Sobrang linis paren.

Mahal na mahal talaga nila ako.

Kahit na sinigaw sigawan ako ni Eunice kanina. Alam ko sa sarili ko na mabuti siyang tao at kapatid. Nasabi lang niya ang mga bagay na iyon dahil sa sobrang galit.

Nagising ako sa sinag nang araw na tumatama sa mukha ko. Pagka mulat ko pa lang mata ko. Mukha niya agad ang nakita ko.

Kailan ba kita makakalimutan Yael. Isang buwan na ang nakakalipas pero kahit isang text o tawag man lang. Wala, kahit isa.

Ganito ang routine ko sa araw araw. Magigising sa umaga, ichecheck ang cellphone ko. Iisipin siya. Kakain sa baba ng mag-isa kasama si mama pero walang papa at eunice na kasabay.

Pero saktong pagkababa ko ngayon kumpleto ang hapag kainan. Andun si mama, papa, at eunice. Umupo ako sa tabing upuan ni papa habang nakaharap naman ako kay mama at eunice. Walang imikan as expected tanging ang tunog ng kutsara, tinidor at plato lamang ang naririnig ko.

Hindi pa siguro ngayon ang tamang panahon para mag sorry kay papa. Papahupain ko na lang siguro muna ang galit niya.

Maybe there's always right time for everything.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Moment To Remember ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon