Kabanata 2: Tribania
Asheraine Norville
Nakapag-empake na kami ng gamit at sakto namang dumating na ang sinasabi ni mommy na bibili ng bahay.
“Magandang umaga po.” bati ko nang mabuksan ko ang pinto.
Isa itong babae na nasa 40‘s na ang edad at may kasama itong dalawang maliit na batang babae na sa palagay ko ay anak nya. Nginitian ko silang dalawa ngunit inirapan lamang nila ako.
Napangiwi ako. Napansin yata iyon ng ginang kaya‘t napatikhim sya.
“Magandang araw din, hija. Pagpasensyahan mo na ang mga anak ko.” aniya.
Agad naman akong umiling at ngumiti. “Ay ayos lang po, maliit na bagay. Tuloy po kayo, nasa sala lang po si mommy.” saad ko at iginaya sila papasok sa loob.
Nang makarating kami sa sala ay agad naming nakita si mommy na nakaupo sa lapag habang nag-aayos ng mga framed pictures namin. “Ma, nandito na po ang bibili ng bahay.”
Napaangat naman ang tingin nito sa direksyon namin at tumayo. “Hello, ako si Presilda at ito ang dalawa kong anak sina Mary at Marie...” nakangiting bati sa kanya n‘ong ginang.
Nakipagkamay naman dito si mommy. “Ako naman si Mathilda, mga anak ko nga pala.” pagpapakilala nya sa amin at niyakap kami mula sa aming beywang. Nginitian kami ng ginang kaya‘t ‘yon din ang ginawa namin pabalik. “Halikayo, ipapakita ko sa inyo ang kabuuhan ng bahay.”
Si mommy na ang nakipag-negotiate sa kanila, samantalang kami ni Vanic ay naiwan upang magsimula ng ilagay ang mga bagahe at ilang boxes namin sa sasakyan. Ito lang ang hindi ibinenta ni mom since may value din ito sa kanya. Kahit papaano ay ito na lang ang natitirang alaala na naipundar nila ni Dad noong ikasal sila.
Makalipas ang halos 30 minutos ay bumaba na din silang dalawa, mukhang tapos na silang mag-usap. “Ito ang titulo at bahay at lupa.” narinig kong sambit ni mommy. “Sya nga pala, may ipakiki-usap sana ako sayo...”
“Ano ho ‘yon?”
“Uhm, kung maaari sana ingatan nyo ang bahay na ito. Pakapunuin nyo ng panibago at masayang alaala ng inyong pamilya. Malaki kasi ang value ng tahanan na ito para sa amin, ipinatayo ito noong 3 buwang buntis ako kay Ashé...” mahihimigan ang lungkot at panghihinayang sa boses nito.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang pinipigilan ang mga napipinto kong luha. Miski ako ay nahihirapang bitawan ang bahay na ‘to. Dito na ako lumaki, nagkaisip at nakaramdam ng mga bagay-bagay. Sa bahay na ‘to, nasaksihan ko lahat ng kasiyahan, lungkot, problema, saya at paghihinagpis. Sobrang daming memories na nalikom ang lugar na ‘to at sa isang iglap, unti-unti na itong mapapalitan ng panibago.
“Huwag po kayong mag-alala ms. Mathilda. Iingatan po namin ito at wala din ho kaming itatapon o ibebentang kahit anong gamit.” aniya, naninigurado.
“Maraming salamat, ikaw na ang bahala.”
Pumasok na kaming lahat sa loob ng van at bago tuluyang umandar ang sasakyan ay pinagmasdan ko pa sa huling pagkakataon ang bahay. Maraming salamat sa masasayang ala-ala na ibinigay mo sa amin, nawa‘y maging maingat ang bagong owner na mag-aalaga sa‘yo.
Habang bumabyahe ay tahimik lamang kami sa loob, kanya-kanya kami ng iniisip at walang naglalakas loob na bumasag ng katahimikan.
4-8 hours ang byahe papuntang Tribaña kaya't balak naming mag-stop over at magpalitan sa pagda-drive. Probinsya ‘yon but not a typical province na kung saan literal na walang buildings, modern houses at other things na makikita mo dito sa Manila. Ang kaibahan lang is mas maunlad dito kaysa doon. Maganda naman ang Tribaña, nakapunta na din ako doon n‘ong umattend kami ng Family Reunion, pero sobrang bata ko pa ng araw na ‘yon.
Dahil sa katahimikan ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako, ginising lang ako ni Vanic nang magstop-over kami sa isang gas station.
"Bakit ‘di nyo po ‘ko ginising para mag-drive?" tanong ko habang kumakain kami ng lugaw, mainit-init pa ito dahil bagong luto.
Sinulyapan naman ako ni mommy. Hindi ko maipaliwanag ang mararamdaman ko nang lumambot ang expression ng kanyang mga mata. "Ayos lang anak... malapit na din naman tayo sa bayan ng Tribaña, tig-4 hours na lamang kami ni Van sa pagda-drive. Tsaka alam kong pagod na pagod ka din this past few days kaya ang gusto ko ay magpahinga ka.” tugon ni mommy kaya't napangiti na lamang ako ng pilit at ipinagpatuloy na ang pagkain.
Halos dalawang oras pa ang itinagal namin sa byahe bago tuluyang nakarating sa Tribaña. Ilang taniman pa ng mga palay ang nadaanan namin hanggang sa natanaw na namin ang mismong lugar na dapat naming tunguhin. May dalawang poste na nakatayo sa magkabilang gilid kung saan may nakalagay na “Welcome to Tribañia, Sujok Compound” sa gitna nito. May mga hilera din ng coconut tree na nagli-lead sa daanan hanggang sa makarating sa dulo. Nakita naman namin na naroon si Tita Roxanne upang salubungin kami.
Binuksan ni mommy ang side mirror at dumungaw sa kanya. “Roxanne!” pagtawag nito dito at napalingon naman agad ito sa amin.
Mabilis syang nanakbo patungo sa sasakyan. “Matilda! mabuti naman at safe kayong nakarating dito.” aniya. Binuksan ni mommy ang pinto sa passenger‘s seat kaya‘t pumasok ito doon. “Kamusta naman ang byahe?" tanong nya matapos naming makapagmano.
"Okay naman, mabuti na lamang at bayad na kami sa lahat bago umuwi dito. Maraming salamat talaga sa tulong mo, lalo na sa bahay." litanya ni mommy.
"Ano ka ba, wala yun. Nakalipat na kasi kami sa ipinagawang babay ni Teodor, since tumawag ka hindi ko na itinuloy ang pagbenta para dito na din kayo tumira. Mahirap naman kasi talaga ang buhay Maynila lalo na kung wala kang kamag-anak na mapupuntahan agad." saad nito.
"Maraming salamat talaga, Roxanne. Kung hindi ko lang din talaga kailangan ng pera para magamit sa pagsisimula ay hindi ko bibitawan ang bahay na ipinundar namin ng kapatid mo...”
Nakita kong hinawakan nya si mommy sa braso at mahina iyong pinisil. “Alam kong maiintindihan ‘yon ni Rowell, kung sya ang nasa kalagayan mo ay malamang ganoon din ang gagawin nya.” pagpapagaan nito sa kanyang loob. “Sandali,, ito na ba ang anak mo? dalaga na ah. Pati ikaw Vanic ni hindi kita agad nakilala. May mga kasintahan na ba kayo?" tanong nya sa‘min dahilan upang magkatinginan kami.
"Hay nako, mag-focus muna kayo sa pag-aaral, distraction lang ang pagkakaroon ng ganyan. Tsaka ninyo na iyan atupagin kapag may stable na kayong trabaho at income." tugon nya at tinignan ako na parang ako ang unang suspect nya.
Napayuko na lamang ako at nagsumiksik kay Vanic. Baka i-open nya pa yung topic about sa ex boyfriend ko, nakakahiya.
"Ikaw talaga, Mathilda. Oo nga pala narito ang susi ng bahay at kwarto. Mayroon na din ilang mga appliances na pwede nyong gamitin doon.”
Naramdaman kong huminto na ang sasakyan, hindi ko namalayan na narito na pala kami sa sinasabi nya.
Nagsibabaan na kami at bumungad sa amin ang medyo may kalakihang silver gate. Samantalang ang kulay naman ng bahay ay ay sky blue. Ramdam na ramdam ko ang tukuyang pagbabago ng klima at atmosphere sa paligid. Simula sa mausok, maingay at magulong kapaligiran ay naging tahimik, maaliwalas at puno ng sariwang hangin.
“Kung may kailangan kayo ay nandyan lamang ako sa kabilang kanto sa may paliko, yung may pulang gate.” nakangiting paalam nito at naglakad na paalis.
“Ikaw na ang magbukas anak...” Ibinigay sa akin ni mommy ang susi kaya‘t tinanggap ko ‘yon. Binuksan ko ang pinto ng bahay at bumungad sa amin ang modern style na design sa loob, may second floor ito at sakto lang para sa aming tatlo. Inilibot ko ang aking paningin sa loob, may mga ilang essential appliances akong nakita katulad ng stove, electric fan, maliit na lamesa at sofa. Napakalaking tulong nga nito para makapagsimula.
Atleast, pwede na kami g gumising sa umaga na walang mabigat na problemang nakaatang, wala ng utang na kailangang bayaran at wala ng toxic people na dapat pakisamahan.