her great escape

14 1 0
                                    


___


"Hindi kita kayang tanggapin."

Mariing naiyukom ni Mirai ang kamao ng muling maalala ang sinabi ng kanyang Ama kaninang umaga. At kung paano siya nagawang saktan ng taong 'yon sa loob lamang ng isang minuto.

Isinandal ng dalaga ang ulo sa mataas na upuan ng bus. Kasalukuyang nagaantay ng pasaherong nais pumuntang manila. Nagsalubong ang kilay ni Mirai at mariing tinitigan ang bintana na hindi niya masara. Babagsak na ang ulan at siguradong lalabas siya sa bus na ito na basang sisiw.

Ni hindi siya pinasakay ng sariling tatay sa matinong bus. Gago talaga.

Kung hindi siya tatanggapin ng tatay niya. Isa nalang ang natitirang paraan. At 'yon ang pumunta sa lugar na hindi alam ng Tiyahin niya. Pero sa natitira niyang pera? Hindi siya mabubuhay ng isang linggo kahit na isang beses lang siyang kakain sa isang araw.

Pwede naman siyang magtraba—

"Makikiupo." ani ng isang lalake. Kasalukuyan itong nagtataas ng gamit. At halos mapasigaw si Mirai sa gulat nang makita ang camera sa bulsa ng bag nito. At parang slow motion. Unti unti itong lumalabas sa bulsa ng bag.

"Tangina?!" Mabilis na hinablot ni Mirai ang nahulog na Nikon D850 sa ere. "Alam mo ba kung magkano 'to?!" nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit. Hindi makapaniwala na isiniksik lang ito sa bulsa ng bag. Matagal niya nang pangarap magkaroon ng ganitong camera. At hindi niya matanggap na parang wala lang ito sa lalake. Mapungay ang mga mata nito at halatang halata ang eye bags na parang wala pang tulog ng ilang buwan. 

"Look, Miss. Im sorry." Umupo ito sa tabi niya dahilan upang mapangiwi ang dalaga. This dude is drunk.

"Pwede bang sa iba ka nalang umupo?" magalang ang boses niya. Or so she thought. Dahil  mukhang hindi nagustuhan ng lalake ang tono ng pananalita niya at malakas na binuksan ang bag na nasa hita nito habang mariin parin ang tingin sa mata ng dalaga.

Mahigpit niyang hinawakan ang matalas na keychain sa loob ng bulsa ng shorts. Dahan dahang tinggangal ni Mirai ang takip nito at nagantay ng magandang tyempo. Handa na siyang makipagsaksakan kung sakaling may gawin itong di magand—

"Pakihawak." bakas ang galit sa boses ng lalake. Pero wala doon ang atensyon ng dalaga. Kung hindi ay sa hawak nitong maliit na termos at hindi pa nabubuksang nissin ramen cup sa kaliwa.

Nanlaway si Mirai sa cup noodles at naalala ang mabango nitong amoy sa isip. Betrayal. Ito ang naisip niya at sinisi ang gutom na tyan dahil mabilis niyang tinanggap ang termos. Behave niyang pinanood ang lalake habang binubuksan nito ang cup noodles.

At maiyak sa tuwa ng kumuha pa ito ng isa sa loob ng bag. "S-sa akin ba 'yan?" Mirai dares to ask. Wala pa siyang kain simula kaninang umaga. At saka imposible namang kumain ng dalawang noodles ng sabay habang nakasakay sa umaandar na bus. Hindi sumagot ang lalake. Salubong ang kilay nito at sinabi ang "bilis," gamit ang galit nitong boses.

Kumislap ang kasiyahan sa mukha ni Mirai habang pinapanood ang nakakatwang usok habang ibinubuhos ang mainit na tubig. "Magdahan dahan." Bakas ang takot sa boses ng lalake habang pinupuno ang pangalawang cup. Sinara ng dalaga ang termos.  At kinuha ang isang cup na hawak ng lalake.

Ang paglutang ng mga sangkap ang huli niyang nakita bago nila ito sabay na tinakpan. May unti pang laman ang maliit na termos at pwede pang ipangtimpla ng kape. Happiness runs through her body as she remmember the bitter sweet taste of coffee. At ang kasiyahan ay mabilis na nasira nang marealize na hindi niya kilala ang taong ito.

"Im sorry, kilala mo ba ako?" mas magalang na tanong ni Mirai. "Or nameet somewhere?"

Naganggat ng tingin ang lalake, kasalukuyan itong naghahanap ng maganda at komportableng pwesto. Hindi na salubong ang kilay nito at kalmado na ang ekspresyon sa mukha. "Hindi," maikli nitong sagot.

"Then bakit mo ako binibigyan ng pagkain?"

Instead, he ask something unexpected. "Naglayas kaba?" busy ito sa pagikot ng tinidor sa kamay. Bored at tila hindi na pinagiisipan ang mga sinasabi.

Sobrang halata ba talaga? She thought as she holds her cup noodles tighter "Medyo nasa isang magulo akong sitwasyon ngayon."

Mula sa gilid ng mata ng dalaga. Nakita niya ang paglingon nito sa kanya. Puno ng koryosidad. Yumuko ang dalaga at tinitigan ang camera na nasa hita. Pinakiramdaman ang sarili.

Halos hindi maikwento ni Mirai ang lahat sa nagiisa niyang kaibigan. She's always been scared.

"I grew up with my Tita," she said.

And yet, talking to this person ease her.

Huminga muna siya ng malalim at kumuha ng lakas sa nakakapasong init ng cup noodles. "Bago pa ako magraduate, bigla nalang nagkwento si Tita tungkol sa pagaaral ko at kung anong gusto niyang kurso ang kunin ko." pagak siyang tumawa, "At sa unang pagkakataon. Nagprotesta ako at sinabi sa kanya ang balak kong magaral ng arts. Na hindi niya nagustuhan." lumingon si Mirai sa bintana ng magsimulang tumulo ang ulan. "Kinulong niya ako sa kwarto. And tie me up." Itinaas ko ang kamay at pinakita ang mga malaking pasa sa bandang pulso. "But I manage to get away and jump from the window. And here I am. Pumuntang bicol para humingi ng tulong sa tatay ko, pero wala eh." nagaangat ako ng tingin sa kausap. "What the? Bakit ka umiiyak?" she let out a small chuckle. "Come on, maraming namamatay araw araw."

"Was that supposed to make me feel good?" tanong nito sa gitna ng pagiyak.

Ngumisi si Mirai, "siguro."

Hindi inakala ng dalaga na siya pa ang kaylangang magcomfort sa lalake. She never thought that someone like him would be so soft. Hindi halata sa itsura nito. Mirai sigh at tumingin sa labas ng bintana. Makulimlim at patuloy paring umaambon. It's freezing. But Mirai loves it. She feels safe and free from her fucked up reality.

It's her great escape after all.





The great escape of RaiWhere stories live. Discover now