___
"Bilis." hindi na napigilan ni Mirai magreklamo. Basang basa na siya.
"Sobrang tigas talaga." salubong ang kilay ng lalake at nahihirapan narin. Not to mention na nasa isa silang kakaibang pwesto.
"Mam, ser, gusto niyo ho ba ng tulong?" napalingon si Mirai sa nagsalita. Ito ang kondoktor ng bus at may dalang iba't ibang tools sa kamay.
"Ay nako kuya. Saktong sakto." ani Mirai at mabilis na tinulak ang lalake sa itaas niya. "Tama na 'yan." Hindi gumalaw ang lalake sa pwesto at patuloy paring sinubukang isara ang bintana. Tumutulo ang pinagsamang pawis at ulan sa mukha nito pababa sa leeg at bakas ang hirap sa ginagawa.Napangiwi si Mirai ng mas lalong lumakas ang buhos ng ulan. Pati na rin ang sigawan at reklamo ng iba pang pasaherong nakakaranas ng sirang bintana tulad nila.
"Salamat, kuya. Doon nalang po kayo sa likod, may baby po doon." saglit na lumingon ang basang sisiw na katabi ko at muling bumalik sa pagsara ng bintana.
Binigyan ng tip ng kondoktor ang lalakeng para mas maging madali ang pagsara. Hindi na ito naintindihan ni Mirai dahil busy siya sa paglingon sa bandang likod. At tulad nga ng sinabi ng lalake, may baby doon na umiiyak. Hirap na rin ang nanay na may karga sa bata, hindi na mawari kung akong uunahin.
Saglit siyang nakaramdam ng awa. Pero nang maalalang kalahati ng katawan niya ay basang basa rin, tinigilan na niya ang iniisip. Kaya na nila 'yan. Kaylangan niya pang problemahin ang damit na ipangpapalit niya.
Ang tunog ng mga nagtatamaang bakal ang nagpabalik kay Mirai sa realidad. Tuluyan nang bumaba ang bintana. Pero hindi sigurado ang dalaga kung maitataas pa ito dahil halatang pwinersa ito ng lalake. Ngayong tuluyan na itong sarado. Kaylangan naman nilang magtiis sa init. Wow, ang galing.
Pabagsak na umupo ang lalake sa tabi niya. Malalim ang paghinga at napagod talaga ng sobra. Pinanood ni Mirai ang pagtanggal nito sa mabigat at kulay gray na coat at naiwan ang suot na vest at necktie na basa ang bandang itaas.
Bilib din si Mirai sa lalake. Nakasuot ito ng sobrang pormal at magarang damit pero nakasakay sa isang bulok na bus. "Galing kaba sa kasal?" tanong ng dalaga. "Kaya kaba lasing?"
Lumingon ang lalake sa kanya, "Ni hindi ako tumitikim ng alak." anito habang pinupunasan ang basang leeg gamit ang likod ng palad.
"Paano mo ipapaliwanag ang pagiyak mo kanina? At saka, amoy alak ka kaya." Bumaba ang tingin ni Mirai sa backpack na nasa hita nito. May tila ba name tag ito at nakasulat ang, "Oliver,"
"Ah? Ahaha." Ackward itong tumawa at hinawakan ang isang tenga. "Hindi ako lasing at mas lalong hindi kasal ang pinuntahan ko." sumingkit ang singkit na nitong mata at tinitigan si Mirai ng masama, "Nakapa galing mong manghusga, lahat mali." at tumawa ng makita ang pagngiwi ni Mirai. "My name is definetly not Oliver."
Inilahad nito ang kamay, "Marco, at your service." kumindat ito sa nagtitimping Mirai. Matamis na ngumiti ang dalaga at mariing hinawakan ang kamay nito.
"Rai." Puno ng panggigiling na aniya. At malademoyong tumawa ng gumuhit ang sakit sa mukha nito.
Gumalaw ang pinapatong nilang cup noodles sa gitna nila nang sinubukang umalis ni Marco sa mahigpit niyang pagkakahawak. "N-nice to meet you. Ouch!" Binitawan ni Rai ang kamay nito habang gumuguhit ang tagumpay na ngiti sa labi.
"Nice to meet you, Mister Marco."
Kumikislap ang mata ni Marco. Mabilis na dumadaan sa mata nito ang kulay kahel na liwanag na galing sa ilaw sa labas. At sigurado ang dalaga. Na napaka ganda nitong titigan.